Part 24 - The End??

8.4K 256 11
                                    

Everyday nasa hospital ako at binabantayan si Bree, habang tumatagal, lalo akong natatakot sa pwedeng mangyari sa kanya.

Nakakalungkot makita na mahina at nahihirapan siya. Gusto na niyang lumabas ng hospital at umuwi pero di kami pumapayag, ayokong bumitaw siya, ayokong iwanan niya kami. Hindi ako papayag.

"Baby...."

Tawag sa akin ni Bree, bagong gising lang ito. Nasa tabi lang naman niya ako, pag hindi nanunuod ng tv, nag lalaro sa phone ko ang gawain ko everyday, basta nababantayan ko siya.

"Yes baby? Do you need anything? Are you hungry?"

"No, i'm good."

"Then what is it?"

Inaabot niya ang kamay ko kaya lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa kamay niya.

"Dani, i want to go home."

"What?! Tapos ano? Ititigil mo ang pag gamot ng mga doctor sayo?"

"Ayoko na dito."

"That's absurd!" Ayoko! Ayokong umuwi siya dahil ramdam kong gusto na niyang sumuko.

Hindi ito nag salita. Nadala ako sa init ng ulo ko.

"Don't be selfish Bree!" Naiyak nalang ako sa sobrang inis! Nakonsiyensiya din naman ako syempre dahil nasigawan ko siya. Pero alam ko namang kaya pa niyang gumaling eh, bakit kailangan pa niyang sumuko agad?

"I-im sorry Dani..." Nagiiyak na din ito. We've shed so many tears already, gusto ko na ding matapos lahat to, pero kailangan niyang lumaban, hindi lang para sa akin, kundi para din sa mga magulang niya, para sa mga nagmamahal sa kanya.

Kumalma naman agad ako ng mag sorry ito. "I know I'm being selfish myself as well, pero sana maisip mo din na may mga taong nagsasakripisyo para sayo, pag nawala ka dahil lang sumuko ka na, you'll find peace, pero kami? Kami ang iiwan mo at habang buhay na maiiwan sa amin ang sakit, sakit pag nawala ka!"

Tumakbo ako palabas ng room niya, hindi ko alam kung san pupunta basta tumakbo lang ako ng tumakbo.

Napagod na ako kaya tumigil ako sa pag takbo, tanaw ko na agad ang malaking simbahan sa bandang kanan ko, at mga batang naglalako ng trapo at sampaguita, pati na din ang mga street vendors. Hindi ko alam na dito pala ako makakarating, dito talaga siguro ako dinala ng mga paa ko para makapagdasal, wala na din naman akong ibang alam na pwedeng masandalan kundi ang Diyos.

Pumasok ako sa loob ng simbahan at umupo. Nagdasal ako. Madami akong gustong sabihin sa kanya, pero kulang ang buong araw para sa labat ng gusto kong sabihin, itanong at hilingin sa kanya. Pero hindi tama na lahat nalang iasa ko sa kanya.

Matapos ako mag dasal ay lumabas na din ako.

Isang bata ang bigla nalang lumapit sa akin. "Ate, rosaryo po, may basbas na po yan sa simbahan dito. 150 lang po."

Tumingin ako sa batang babaeng nagtitinda ng rosaryo. Mahaba ang buhok nitong naka pony tail. Siguro, 7 na ang edad nito.

"Hindi naman ako marunong mag dasal ng rosaryo eh." Sabi ko dito.

"Okay lang yun ate ganda, may instructions po at mga dasal na kasama sa loob po ito kaya pwede na po kayong mag rosaryo. Pwede din pong dalhin mo nalang siya palagi, parang gabay po."

Natuwa naman ako sa bata dahil alam niya kung paano ma-attract ang mga customers niya na bumili sa kanya, kaya bumili na ako ng isa.

My Echuserang PrincessWhere stories live. Discover now