Part 19

7.5K 244 3
                                    

"We're here."

Tumingin siya sa akin. "Thanks Dani." Sabay ngiti.

Ngumiti lang din ako sa kanya.

Bumaba na siya at walang kung anu-ano. Akala ko pa naman mag e-explain na siya kasi nakapag solo na kami. Siguro nga hindi na ako mahalaga sa kanya. Ang sakit sa dibdib. Wala sa loob kong nag drive na ulit pauwi.

Pag uwi ko, hindi pa man ako nakakapasok ng kwarto, napansin kong wala pala yung phone ko, kaya bumalik ako ng kotse kung san ko ito itinabi.

Wala! Nandito lang yun sa tabi ng seat ko. Kanina ko lang yun nilagay dito ah, nung pauwi.

Napaisip ako. Si Bree!

Napahawak ako sa noo ko. Pumasok na din ako ng kotse, itatanong ko if naitago niya yung phone ko, na dapat ay hindi niya ginagawa. Hayyy. I have to go back here pa tuloy para itanong, wala naman kse akong ibang alam na pwedeng napag iwanan ko kundi sa kotse. Eh wala dun. Baka napagkamalan niyang phone niya.

Tok! Tok! Tok!

Ay may doorbell pala.

Ding dong!

Isang katulong ang nag bukas ng pinto.

"Sino po sila?" Tanong ng hindi katandaang babae, siguro mga 35 pa lang ito.

"Pwede po ba kay Bree, makikisabi po si Dani."

"Okay po. Wait lang. Pasok na din po kayo."

Nag alangan akong pumasok kse baka nandun parents ni Bree. Pero since wala naman akong balak makipagbalikan sa anak nila at tanging cellphone lang ang kailangan ko ay pumasok na ako.

Bumalik naman ang katulong mula sa taas.

"Pababa na daw po siya. Pakihintay nlang ho."

"Sige po."

Mag isa na ako sa sala, naalala ko yung mga panahon na napunta ako dito, nung hindi pa alam ng parents niya na may something kami. Nung time din na malaman nila at halos ipagtabuyan ako ng mga tingin nila. Npaka intense talaga nun! Haysss.

Napansin ko naman na may bumaba mula sa hagdan. Si Bree na pala yun.

"Hey. What took you here?"

"Maybe you should be the one asking that to yourself." I looked at her intensely.

"What? What did I do?"

"Just give it back to me."

"Give you back what?" Still pretending to not know.

"My phone!"

"Oh. I don't have it."

"What do you mean you don't have it?" Takang tanong ko dito.

She walked towards me.

"I don't have it."

"B-but."

"Maybe you just misplaced it. What made you think that i took it?"

"Coz i left it in the car."

"And you think that i took it?"

Shit! "Well, maybe just... If its not with you then, i better go."

"Hey! Nothing more?"

"No, nothing, none."

I walked away and hindi na ako nagsalita pa. But im pretty sure na nagtatawa na siya ngayon. Nakakahiya!

Nakasakay na ako ng kotse na may kumatok sa may passenger's seat na window. I opened it.

"Aalis ka na ba agad? You in a hurry?"

"Ah. Hindi naman, pero kung wala naman yung hinahanap ko eh."

"Maybe you can join me for dinner atleast."

"Huh? Ahmm."

"Please?" How can i ever say no to her?

"Ok."

Ngumiti naman ito na parang napakain ng candy sa tamis.

She went on my side and hurriedly opened the door for me.

"Ah thanks, you didnt have to do that."

"I insisted it."

Dumiretso na kami sa bahay ulit nila. Pinaupo muna niya ako sa sala habang wala pa namang dinner, niluluto pa daw.

Bumalik ito na may dalang snacks and dvds.

"Ano yan?"

"Movies. Let's watch while we wait."

"Sabi mo dinner lang?"

Mukha naman iton nalungkot.

"Why? Can't you even join me to watch a movie?"

"Its not that, its just...."

Nagalinlangan akong magsabi na naiilang kasi ako na kasama siya, after ng mga nangyari, after niya akong sabihan ng nakaka turn off ako dahil sa pagmamakaawa ko sa kanya.

"Or is it because hindi mo ako kayang kaharap?"

"No, no!"

"Then what?"

"I just don't like your movies. Wala ka manlang bang horror?"

"Ahh. Wala eh, pero meron namang comedy na horror, scary movie."

"Ah okay."

"Sige isasalang ko na ha?"

"Sige."

Puro tawa lang kami sa palabas, di naman nakakatakot talaga yung palabas.

Natapos yun movie ng puro lang tawanan, di kami nag uusap.

Naramdaman ko nalang na lumapit pa siya sken. Halos isang inch nlang yung layo namin at pinagpapawisan na ako ng malamig. I didn't move, pati hininga mo pigil.

Damn!

Pinilit kong wag pansinin pero nagulat ako sa sunod niyang ginawa.

Hawak na niya ang kamay ko!

Hindi ko alam kung anong gagawin. Para akong hihimatayin sa kaba, ang lakas ng tibok ng puso ko, tumigil na din ang pag hinga ko.

Humarap ako sa kanya. Nakatingin din siya sken! Gadd! Anong gagawin ko.

Dahil hindi ko mahanap ung tamang words na sasabihin, nagkatinginan lang kaming dalawa.

Unti-unti na siyang lumapit sken. Alam ko ng hahalikan na niya ako. But i came to my senses.

I looked away.

"D-dani.."

"I should go home." Tumayo na ako at napabitaw na siya sa kamay ko.

"Dani I'm sorry."

Tumingin ulit ako sa kanya. "Para san ang sorry mo?"

"Sa lahat Dani."

"Wala na yun."

"But why are you still this cold to me."

I smirked.

"You don't expect me to be comfortable with you after you dumped me!"

I looked down. "Pinatawad na kita, oo. Pero masakit sakin yun Bree. You broke my heart."

Hindi ko na siya tiningnan pa, umalis na ako at iniwan siya sa ganung sitwasyon.

Mahal ko pa din siya.

===========================

Dear readers,

I am terribly sorry na ngayon lang ako nag UD. Los siento! <3 hahaha. Anyways, sana abangan niyo pa din yung mga susunod kong updates dito. Natigil kse talaga ako pag di ko madugsungan. I need inspiration. :))

Thank you!

My Echuserang PrincessWhere stories live. Discover now