Part 9 - Collide

11.4K 315 15
                                    

"Thank you po sa masarap na lunch." Sabi ko knila tito Edie.

"You're welcome hija."

"Thank you so much. And nice to see you again." Paalam nila mommy knina tito Edie at tita Miriam.

"Nice to see you din, sana maulit to."

"Oo naman! Masarap ang mga pagkain dito eh." Nagtawanan sila at muli ay nagpaalam.

"Til we meet again Bree." Nagpaalam na ako at tumango naman ito ng may ngiti.

Ayaw ko pa sanang umalis pero hindi ko din alam ang gagawin kung mag stay pa. Maybe some other time.

Nakaalis na kami pero ang mukha pa din ni Bree ang nasa isip ko, sobrang ganda niya, pero hindi yun eh, may kakaiba akong nararamdaman sa puso ko. Sino ka ba talaga Bree sa buhay ko?

Ilang araw na din ang lumipas na hindi ko pa ulit nakikita si Bree. Everytime na may nag uudyok sa akin ng kung ano na bisitahin siya eh may pumipigil din naman, para bang may mali.

Naisipan ko na munang lumabas isang araw, para makalanghap ng sariwang hangin sa park. Madami ding tao kaya medyo hindi peaceful, lumayo ako sa karamihan at nakita ko ang isang bench na walang tao, naisipan kong umupo dun. Pinilit kong may maalala manlang kahit konti, pero wala talaga. Gusto kong tawagan si Julius para magtanong pero baka kse kulitin lang niya ulit ako.

Nang wala talaga akong maalala, naisipan ko ng umuwi. Naglalakad ako sa may parking lot ng hindi ko mapansin ang medyo mabilis na takbo ng isang kotse, papalapit na saken ang kotse ng biglang may mag flashback sa utak ko.

Yung mga oras na mababangga na ako ng sasakyan, may nag flashback din na mga mukha, mga galit na mukha, nakita ko din ang sarili kong sumisigaw sa kanila bgo tumakbo papalayo.

Beep!

"Ano ba miss hindi ka aalis jn? Nagpapakamatay ka ata eh! Idadamay mo pa kami!" Sigaw ng driver ng kotse na muntik ng makabangga sakin.

Aba! Siya na nga tong hindi nag iingat, ako pang inaaway? Tsk!

Umalis nalang ako at baka lumaki pa ang gulo.

I saw Bree in that flashback! Maybe it's time to ask her, wala namang ibang makakasagot nito kundi siya.

Imbes na sa bahay namin, sa bahay nila Bree ako dumiretso. Pagdating ko sa kanila, katulong ang nag entertain sken, wala daw si Bree at ang parents niya, nasa meeting daw ang mga magulang, samantalang si Bree ay lumabas kasama ang mga kainigan.

Naisipan ko nalang na hintayin ito hanggang sa makauwi. Hindi na din kasa maipapagpabukas ito. Gusto ko ng malaman. Sa sobrang tagal niyang dumating nakatulog na pala ako habang nakaupo.

"Hey..."

May yumuyogyog sa katawan ko.

"Wake up Dani."

Nagmulat ako ng mga mata ko at nasilayan ko ang isang napaka gandang diyosa. Ah, este si Bree pala.

"What are you doing here? At bakit jn ka natulog? You could've asked a maid to take you into a room."

"I should do that, yes please."

"Wait! Since gising ka na, sa bahay niyo nalang ikaw matulog."

My Echuserang PrincessWhere stories live. Discover now