Part 5

11.3K 403 11
                                    

Naging normal ang buhay ko everyday kasi di na nila ako ginugulo, nagkikita-kita kami pero tahimik na sila, siguro sabi nanaman ni Bree yun. Bakit kaya? May balak siguro saking masama yun.

Lumipas ang isang linggo, tahimik akong nakakapasok, yun balak ko kay Julius, hindi na ako sigurado. Siguro next school year, hindi na din muna ako papasok. Aalis na din ako dito. Tatapusin ko lang ang taon, and i have lots of days ahead. Iisipin lang naman nila daddy na may progress na ang relationship namin kahit wala.

===========================

Pauwi na ako isang araw, nang may pumarada sa harap kong beautiful red car. Inaninag ko kung sino, pero di ko makita dhl sobrang tinted ng window ng kotse.

Hindi naman mukhang kanila mommy to.

Bumaba unti-unti ang salamin ng kotse, nagulat ako ng makita kung sino, si Bree.

Tumalon ang puso ko. Hindi ko maintindihan ang nangyari, kung bakit nagustuhan kong makita siya ng araw na yun, pero syempre hindi ko pinahalata.

"Dani, hop in." Nakangiti itong inaya akong sumakay ng kotse niya.

Himala!

"No thanks. Baka ipahamak mo lang ako." Tanggi ko dito kahit sa totoo lang ay gustong gusto ko.

"Don't worry, pag may nangyari sayo kasama ako. I just wanna be friends with you."

"What? Gusto mong mkipag kaibigan sken? Eh diba pobre ako?"

Narinig ko nalang ang mahina niyang pagtawa. "Hindi naman talaga ako masama, may pinagdadaanan lang. So, sumabay ka na sakin please."

Nagpupumilit ka ha.

"Sige."

Pumasok na ako ng kotse niya, ang bango sa loob, amoy perfume niyang lagi kong naaamoy.

"Buti naman pumayag ka."

"Eh ano pa nga ba magagawa ko? Sayang din naman yung libreng pamasahe."

Tumawa ito ulit, and this time, nakakaakit na ang tawa niyang yon.

Nag drive na ito palabas ng parking lot ng school.

"San nga pala ang bahay mo?"

"Ibaba mo nalang ako sa may Baclaran, maglalakad nalang ako papasok."

Hindi ito nagsalita. Tahimik lang ang biyahe namin kaya di ko maiwasang tingnan ito ng palihim. Nasakit na nga ang eyeballs ko dahil sa todo tingin ko sa gilid habang nakaharap ako sa unahan.

Ang ganda talaga ni Bree. Ang tangos ng ilong, ang haba ng eyelashes niya, bagay ang kulot sa dulo na buhok niya na may highlights na yellow gold sa dulo. Ang puti at ang kinis din nito. Grabe. She's perfect. Lahat ng pwedeng hanapin ng isang lalaki sa kanyan meron siya. Kung lalaki siguro ako, niligawan ko na siya.

I still can't believe na gusto niyang makipag kaibigan sken.

"We're here." Biglang sabi nito pag hinto ng kotse sa gasoline station sa Baclaran.

Bumalik nanaman ang malay ko. Kanina ko pa pala siya tinitingnan, di ko tuloy namalayang nandito na kami.

"Ahh... Thanks ha. Una na ako."

Pagbaba ko ng kotse, nagulat ako dahil bumaba din ito.

"Oh, may kailangan ka pa?"

"Wala naman, gusto lang kitang samahan pauwi."

"Huh? Wag na. Umuwi ka na. Baka hindi mo magustuhan ang mga madadaanan natin."

Madami din kasing magiinom sa lugar namin, masukal din, yun lang kasi ang kinaya ng budget ko, ano lang naman ba ako noon? Sa coffee shop lang naman ako nag wo-work.

My Echuserang PrincessWhere stories live. Discover now