Part 2

13.3K 398 4
                                    

Diretso bahay ako after ng work, wala ako sa mood mag dinner ngayon dahil hindi ko pa rin malimutan ung nangyari skeng kahihiyan kanina.

Pabagsak akong humiga sa kama at nag isip, pasukan na pala bukas at hanggang ngayon wala pa din akong pera pang enroll kahit sa isang public school lng. Pero since two months pa lang akong wala sa amin, hindi pa ako nkakaipon, madami din akng binabayaran, apartment ko, pagkain, kuryente. Walang-wala din nman ako nung mag layas ako. I just left unprepared.

Nami-miss ko na din sila mom and dad, pero hindi ako pwdng umuwi hanggat hindi nila tinitigilan ang kalokohang ipakasal ako sa hindi ko gusto.

Nakatulog na ako ng hindi ko namamalayan.

Nang umagang yun, nagising ako sa tawag ni mommy, nagaalala na ito sa akin, sobrang miss na din daw niya ako. Sinabi din nito na tanggapin ko ang offer ni dad na pagpasok sa Harter, pero sbe ko hindi ko gugustuhing pumasok sa eskwelahan na yun para lang masabing pumapayag na akong pakasal sa lalaking yun.

After ng call napatayo na ako sa kama at pumunta ng banyo, naghilamos muna ako para mahimasmasan.

"Bakit ba kailangang gawin nila sken to? Anak ako at hindi parang tuta na ipapamigay nlang nila para sa politika." Napapailing ako habang nakatingin sa salamin.

Naligo na din ako dahil may work pa ako.

Hindi ganun kadami ang customers kaya nakaupo lng ako sa sulok ng counter ng marinig kong may nag bell.

Agad akong tumayo at nagulat ako kung sino ang nsa counter. Si snob, at mas maganda siya ngayon sa suot na school uniform, taga Harter siya. Wala siyang ibang kasama. Ang ganda din talaga niya kahit anong style ng buhok or kahit among damit, mild lng ang make-up niya ngayong araw pero nka big curls ang buhok niya. Kahit naiilang ako dahil sa nangyari kahapon, trabaho ko to kaya inalis ko sa isipan ko ang ilang na yun.

"Good morning ma'am, what's your order?" Pinilit ko namang ngumiti ng hindi mukhang pilit lng.

"One frappe." Yun lng at hindi manlang ito ngumiti like other customers do.

Pagkatapos kong magprepare ay inabot ko na ito sa kanya.

Inabot na nito ang bayad after. "Here, keep the change, sigurado naman akong nasakop ng coffees na natapon mo ang sweldo mo yesterday. Pasalamat ka hindi ka na namin pinagbayad sa mga damit na dinumihan mo."

Pumunta lang ba siya dito para manginsulto? Nakakainis na siya ha. Sa tono ng pagsasalita niya, halatang matapobre siya.

Since trabaho to, I have to handle this nice and easy. "I really apologize for what happened yesterday maam." Nakatungong sabi ko.

"You should be sorry." Tumalikod na ito at nakita kong sumakay sa kotse nito.

"Intense." Nagulat ako ng marinig ko si Leslie sa likod ko.

"Ano ba yan bigla ka nlang sumusulpot." Naiinis na sbe ko dito.

"Sino ba yung magandang yun? Yun ba ung tinapunan mo ng coffee kahapon?" Tanong nito habng nagpupunas ng mga spill ng coffee sa counter table.

"Isa siya dun."

"Ang taray naman pala. Sayang, maganda pa naman."

"Let's just forget her and do our work."

Nagkibit balikat lng naman ito at tumalikod na.

Tapos nanaman ang maghapon na trabaho pero hindi pa rin nawawala sa utak ko ang mataray na babaeng yun.

Bakit ba hindi siya mawala sa utak ko? Maganda siya, oo, pero tama bng nkakaramdam ako ng ganito about her? Hayy... ewan.

Palabas pa lng ako ng shop after kong mag palit ng clothes ng may pumaradang black mercedes sa harap ko, alam ko na kung sino yun.

Lumabasa mula sa backseat ang mommy ko, at namiss ko siya ng sobra.

"Mom!" Patakbo akong pumunta sa kanya. "I've missed you so much." Niyakap niya dn ako ng mahigpit.

"I've missed you too honey. Umuwi ka na please." Naiiyak na sbi nito.

"Mom, not here, let's get inside the car."

Tumango naman ito at pumasok kami ng sasakyan. Baka kse may makakita sa amin na katrabaho ko at kung ano pa ang isipin.

"Mommy, hindi ko kayang pumasok sa school na yun dahil alam ko naman na hanggang dun e sarili pa din ni dad ang iniisip niya."

"No honey, gusto lang tlaga ng daddy mo mkapasok ka din sa school ngayong school year na to sa magandang eskwelahan."

"Eh mom, bkt hindi nlang niya ako ipinasok sa Montreal ulit? Bkt sa Harter pa tlaga, alam ko nmang nandun si Julius."

"Anak, why can't you just marry him?"

"Mom, pati ba naman ikaw? Hindi ko nga kayang magpakasal sa taong hindi ko kilala at lalong-lalo na hindi ko mahal!"

Lumabas ako ng kotse na hindi manlang nagpapaalam, masakit sa akin na sagutin si mommy ng gnun, pero hindi lng ako makapaniwala na pati siya e gugustuhin na din akong ipakasal sa kung sino lng jn without thinking about how I would feel. Alam kong mahal nila ako, minsan lang pakiramdam ko mas mahal nila ang negosyo at katungkulan nila sa lipunan.

"Pero paano na nga, ayokong tumigil sa school." Bigla akong napaupo sa isang bench at napaisip.

Kailangan kong makaisip ng paraan.

Bigla akong nagka-idea. Why not pretend na payag na ako sa gusto nila at payag na din akong pakasal kay Julius pero hahayaan ko lang na ma-turn off ito sa akin hanggang sa ito na ang umayaw sa kasunduan ng parents namin.

Tama. Ganun ang gagawin ko, titigilan na ako nila dad, nakapasok pa ako ngayong school year.

Kinabukasan pumunta na ako sa Harter at inabot ang papers na recommended ako ni Governor Anton Andrada. Syempre alam na nilang anak ako, hindi ko naman maiitago yun dahil sa pangalan ko. Ms. Daniella Andrada, pwede na po kayong pumasok ngayon, pumunta nlang po kayo sa clothing room para makuha ang uniform niyo para maisuot na din ngayon.

Meron silang already made uniforms, kaya wala ng hassle magpagawa pa. Sa loob din ng school, may isang malaking cafeteria na style 5-star restaurant, hindi din naman nalalayo ang itsura ng school na pinanggalingan ko dito.

Tumuloy na ako sa clothing room, ng maisuot ko ang uniforms, tumingin ako sa salamin, hindi ko maikakailang maganda din naman ako, 5'9 ang height ko na may long hair na color golden brown, and matangos din ang ilong ko na maliit, mana kay mommy, natural na maputi din ako na parang foreigner kahit pure filipino ako.

Kumuha na din ako ng shoes sa kanila, meron silang sariling store ng signatured shoes sa loob ng school, para itong may mini mall pero puro pang school uniforms lamang ang meron sila, lahat din ng makukuha mo ay automatically macha-charge sa parents ng students.

Feeling confident and pretty, naglakad na ako papasok ng assigned room ko. Tahimik sa loob ng kumatok ako, nadidinig ko din na nagtuturo na ung teacher. Nangpagbuksan ako ng pinto ay pumasok na ako, nag greet sken ang teacher ko at ngumiti naman ako, humarap na ako sa mga new classmates ko na ngayon ay tulala, at may iba pang nagkakantiyawan at may kumindat pa sken na cute guy, pero di ko siya type.

Nakaagaw naman ng pansin ko ang grupo ng mga babae na nagbubulungan ng makilala ko ang dalawa dun. Shit! Ung nabubuan ko ng coffee sa shop. At ang sama ng tingin sa akin nung isa, samantalang si ms. Snob, hindi ko maintindihan kung anong galit ang nararamdaman sa tingin ko sa mukha niya.

"Girls! Quiet! Let's welcome your new classmate." Saway nito sa mga nagiingay na babae sa likod. Tumingin naman ulit sa akin ang teacher at sumenyas. "Introduce yourself."

Nahihiya man ako ng konti, nagpakilala na din ako. "Hello, my name is Daniella Andrada, but you can call me Dani."

"Ms. Adrada, are you related to Governor Andrada?" Takang tanong ng teacher ko.

"No ma'am." Pagsisinungaling ko, ayoko lng na malaman nung mga babae sa likod na ung babaemg nakatapon ng coffee sakanila dahil sa kagagahan ay anak ni Gov.

"Oh, kapangalan mo lng. Sige, take your seat now."

Tumango naman ako at umupo sa may likod, di kalayuan kay ms. Snob. Ano kaya talaga ang pangalan niya. Di pa man nkakatagal, sinagot na ni G ang tanong ko ng tawagin siya ng teacher para sumagot. Siya pala si Bree. Cute name. Ang ganda niya talaga kahit side view. Ano ba tong naiisip ko. Natotomboy na ata ako.

My Echuserang PrincessDonde viven las historias. Descúbrelo ahora