Chapter 58 (October 12, 2011)

Magsimula sa umpisa
                                    

Hwag kang maduduwal please. Hwag kang mahihilo. Ang galing galing mo grabe mas magaling ka pa doon sa bruhang palakang Elisa na kaderder naman kung umarte. Pag iyon arte arte talaga, pero Fibboy! I'm so proud!!!!!

"Friend ko yan! Friend ko yann!!"

Halos lahat ng mapapadaan ay sinasabihan niya na kaibigan siya ni Phoebe dahil sobrang proud talaga siya.

Ohh diba? Buntis pa yan ng lagay na yan ang sexy sexy pa! Buti hindi pa masyado malaki tyan niya! As in hindi pa talaga maumbok. Wahaha. Buti na lang talaga Fibboy! Ang galing-galing mo din tumayming eh! 3 weeks palang ba talaga yung tyan niya? 3 ba? Or 4? Nakalimutan ko ah.

"Ang gwapo ni Harley nuh?" biglang nagsalita si Janina. Yung isang crew ng play na nakilala na ni Jhone dahil sa palaging pagsama niya kay Phoebe tuwing may practice.

"Oo nga eh!" sangayon naman niya. Gwapong-gwapo naman kasi si Harley sa damit nito kahit farmboy lang ito nung una. Ngayon si Westley naging si Dread Pirate Roberts, mas lalo itong naging simpatico.

"Bagay pala sila nuh?" sabi na naman ni Janina.

"Ohhh? Ooh aha Pero mas bagay sila ni Kent." Segunda kaagad ni Jhone. Boto siya siyempre sa asawa ng kaibigan.

Aysus! Mas bagay sila ng asawa niya kasi nga may anak na sila kaya sila ang compatible! Bleh! Gusto niya sanang sabihin sa kausap pero siyempre, sinarili niya na lang.

"Oo nga pero para sa akin mas bagay sila ni Harley. Maganda pala yang kaibigan mo? Kasi hindi naman siya gaano palaayos kaya hindi masyado pansinin. Pero in fairness maganda talaga siya. Kaya hindi na nakapagtatakang nagkagusto sina Kent at Harley sa kanya. Haba ng hair niya. Pero mas bagay sila talaga ni Harley oh. Tignan mo ang chemistry oh. Galing!" umiiling-iling pa ito.

Gustong sabunutan ni Jhone si Janina. Kanina pa ipanagpipilitan na mas bagay si Harley at si Phoebe. Humahaba na ang nguso niya.

"Err! Hindi nga eh! Mas bagay sila ni Kent. Kahit nasasaktan pa yang si Harley na yan, KENT pa rin ako!!!" nasabi niya tuloy dito.

"HUH?" clueless ang crew.

"Wala!"

"Aysos manuod ka na lang diyan. Malapit ng mag-kiss, papaalalahanan ko lang yung lighting technician papasok muna ako."

Nakahiya si Jhone ng maluwag ng hindi naman nagtanong pa si Janina.

"Phew!"

"NGA PALA!"

"AY PUTEK! Jusko kagulat ka naman!"

Lumabas kasi ulit si Janina.

"Nandyan na pala sila Kent at Elisa. Narinig ko lang kanina pinaguusapan nung mga estudyante, Nandyan daw nakaupo sa may likuran."

"Sige maiwan na kita diyan!!"

Shit? Kissing scene! Malapit na. Nandiyan si Kent??? Hala hindi nasabi ni Phoebe diba? Ang alam ko hindi niya nasabi eh! Aysowwws tatlo pa naman ang kissing scenes dito! At yung isa ay malapit na! Kent san ka banda nakaupo??? Phoebe wag kang eengot eengot at biglabiglang pagttripan si Harley ah! Nandito asawa mo eh. Hindi niya alam na naglilihi ka na at ang napili mo pa ay si Harley. Please fibboy lalakad ako ng paluhod sa corridor kapag naintindihan mo ako at nagkaroon tayo ng mental telepathy. Boogsboogs Phoebe!!!! Umayos ka!!!

***

"Gosh? Are you sure you want to see this? Cool!" nagsalita na naman si Elisa.

Di lang nagsalita si Kent. Alam kasi nila ang script bilang dating Buttercup at Westley. Di lang siya nagsasalita pero unti-unting bumibigat ang kalooban niya.

Kissing scene?Kissing na shit. Darn wala pa pero nababaliw na ako. Now alam ko na kung anong pakiramdam ni Phoebe dati? Kung anong pakiramdam ng ganito, nakatingin ka sa taong mahal mo tapos wala kang magawa. Ang lame pala ng reason na ginagawa lang to dahil trabaho lang siya. Play lang nga siya but hell ano na ba?

"Tayo dapat yan eh. To portray the  most passionate and the most pure kiss since its invention? Natatandaan mo pa ba ang nakalagay sa two-column script ng play na yan?"

"Tumahimik ka na nga." Nagpipigil na nga siya kung anu-ano pang sinasabi ni Elisa.

"KENT!!!" napalingon siya sa gilid. Si Jhone.

"KENTTT!!!! HALIKA!!!" malakas na sabi nito

"Shhh!!!" may sumaway na namang teacher mula sa likuran.

Maya-maya lumapit na lang si Jhone sa may upuan niya.

"May sasabihin ako sayo. Tara labas na tayo!"

"Bakit? Sabihin mo na dito."

"Oo nga sabihin mo na? Ano ba yun?" Sabat naman agad ni Elisa

"Errr pwede sa labas na kasi? Please. Sige na bilisan na natin labas na tayo!!!"

"Ano ba kasi yun? Bakit lalabas pa?" paangil niyang sagot. Ayaw niya kasing lumabas dahil binabantayan niya nga si Phoebe kahit nasasaktan siya sa nakikita niya.

***

Pinatay ni Phoebe ang lapel mic niya. They are gonna kiss. Pero bago iyon, may gusto siyang sabihin dito na hindi niya na kayang ipagpaliban dahil alam niyang hindi na naman siya kakausapin ng normal ni Harley kapag tapos na ang play.

"Harley please... " bulong niya.

Nagtataka naman si Harley. Hindi nito alam na pinatay niya ang lapel. Nagtatanong ang mukha nito.

"Hwag ka namang ganyan." Sabi niya pa ulit.

Nakita niyang lumandas ang kamay ni Harley sa likuran nito. Alam niyang pinatay din nito ang sariling lapel.

"What are you doing? Let's just kiss and go to the backstage." Mahinang sabi nito na bahagyang hindi bumubuka ang bibig. Hinawakan din siya nito sa beywang.

"Hey! Hey!!! Anong ginagawa niyo? Just kiss already!!!" sabi ng stage manager na nasa gilid lang ng stage at natatakpan lang ng kurtina.

"Isabelle..." sabi ni Harley dahil clueless na rin ang audience sa nangyayari. Kanina pa sila nagtititigan ni Phoebe.

"Please... I-promise me kakausapin mo pa rin ako even after this. H-hindi ko kayang mawala ka." Hindi niya alam kung bakit nasabi niya yun. Baka tama nga si Jhone sa sinasabi nitong paglilihi.

"What are you talking about? Hey? Are you crying?" napansin na ni Harley na naluluha na siya.

Matagal-tagal na ring dinidibdib ni Phoebe ang nararamdaman. Masyado na rin kasi siyang nagiging emosyonal nitong mga nakaraang araw.

"Promise me you'll not be so distant. Please??"

Naramdaman niyang bumuntong-hininga si Harley.

"I love you." sabi ni Harley bago siya hinalikan.

Hinagkan niya rin ito. Namiss niya si Harley.

***

Hindi malaman ni Jhone kung buburahin niya na lang ba ang mukha niya o susuntukin niya na lang si Kent para mawalan ito ng malay. Kaninang-kanina niya pa gustong sabihin dito na buntis na si Phoebe para maintindihan nito ang sitwasyon pero hindi niya naman iyon masabi sa harap ni Elisa.

"Whewww That was hot!" comment ni Elisa na lalong nagpagigil kay Jhone.

"KENT KASI!" naibulalas niya na lang, pero napansin niyang nanginginig na ng kaunti si Kent. Kanina pa ito bumubuntong-hininga.

Fibboy Fibboy!!!Fibbs naman!  Panay ang kamot ni Jhone. May mga ilang pumapalakpak pa sa eksenang nagaganap ngayon sa stage. Help me! Hindi ko na alam ang gagawin ko dito. Ikaw kasi bakit si Harley pa ang napaglihian mo???  Tama na yan!!!

*later*

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon