Chapter Sixty- Day 3

Start bij het begin
                                    

"Let me talk to him nalang" Tumayo si Tiara at hinabol si John. Sumunod naman sa kanya ang kapatid nito. "Pamangks, habulin mo din" Utos ni Tita. "Okay na po, Tita" Sabi ko nalang. "Anong okay dun pamangks, eh tignan mo nga si Tiara, dapat ikaw ang humahabol sa boyfriend mo hindi siya. Kung makahabol, akala mo siya 'yung girlfriend ang sarap kalbuhin ng impaktang 'yun eh dapat sa kanya pinapakain sa aso, parang siya....habol ng habol. Hahahaha" Sinamaan naman siya ng tingin ni Mama. "Jaime, nakakahiya, kumain na tayo"

"Eh bakit totoo naman ah, napakalandi at napakaselfish ng babaeng 'yun. Dapat sa kanya ipakain rin sa ahas. Tutal, ahas naman 'yung Tiara na 'yun eh" Napatigil kami sa kakakain ng makita namin si Gretchen na sobrang sama ng tingin kay Tita. Oh no.

"Anong sinabe mo sa kapatid ko? How dare you!" Napatayo si Tita at pagkaharap niya mabilis na siyang nasabunutan ni Gretchen. Huwa!

Lahat kami napatayo. "Tama na po, tama na po!" Sigaw ko. "Ano ba! Bestie, Gretchen stop this!" Pigil rin ni Mama at humarang siya sa gitna nila. Kinuha naman ni Bea Jane at Eve pati ni Tita Lex ang nagpipigil na si Gretchen, habang ako, si Mr. Nate at Kennard, pinigilan naman si Tita Jaime.

"Alright, Alright! Nandito tayo for family and friends...okay? Hindi tayo pumunta dito para magsabunutan at mag-away lang. I reserve this whole Beach Resort for US! Hindi ko ito irereserve kung hindi naman kayo important sa akin at kung walang dahilan! Naiintindihan niyo?" Natahimik naman ang lahat. "Sorry Gretchen for my bestfriend's attitude, sasabihan ko nalang siya later"

"Bestie, wag mo ngang kampihan 'yan!! She and her haliparot sister ay dapat--"

"Jaime!!!" Sigaw ni Mama kay Tita kaya natahimik ito. Pumiglas siya kay Kennard at kay Mr. Flee saka nagmamadaling umalis. Hayyyy, away na naman .____.

"Okay! Aalis rin naman ako. But, I will never forget this scene! And before I leave, I'm gonna tell this to my sister immediately" She said and walked out. Pag-kaalis na pag-kaalis ni Gretchen tsaka naman dumating si Tiara. "Ohhh-kay? What are we guys doing here? Are we playing here or not?" Wala namang sumagot at bumalik lang kami sa kanya-kanya naming pwesto at kumain muli.

***

Pagkatapos kumain, as usual nag-swimming na naman kami....sa pool at hindi na sa beach, napagisipan kasi nilang maiba naman... Pero hindi ako nag-swimming dahil napagisipan kong panoorin na lamang sila.

"Bakit ayaw mong mag-swimming?" Nagulat naman ako ng may magsalita sa tabi ko kaya napalingon ako "Ivan! Anong ginagawa mo dito?"

"Why? Hindi ba dapat ako magtanong niyan, anong ginagawa mo dito? Aren't you enjoying this swimming?" Oo nga. May punto naman si Ivan kaso lang...parang ayaw ko talaga mag-swimming. "May mga tao talagang minsan, ayaw na sa tubig....like cats?" Bigla naman siyang tumawa. Eh? Anong Nakakatawa dun?

"Hahahahaha, nag-joke ka? Kelan pa naging tao ang pusa?" Doon naman ako napaisip. Oo nga, hayyyy!! Abigail ang t*nga mo parin. Napahampas nalang ako sa mukha ko. "Mukhang malungkot ka, still can't move on sa problem niyo ng boyfriend mo? Ano ba 'yun, at bakit hindi man lang kayo nagpansinan?" Hinila ko kaagad siya at pumunta kami sa may beach... Umupo kami sa may sand.

"Uhm, sa totoo lang Ivan nag-usap kami kaninang umaga" Pag-aamin ko. "Great, ano namang napag-usapan niyo?" Bigla niyang tanong. "Saglit lang kaming nag-usap at about 'yun sa nangyare kagabi. Mahabang storya kaya iba nalang ang sasabihin ko. Siguro about dun sa problem namin?"

"Go on" Sabi niya. Lumunok muna ko bago magsalita.

"Alam mo kasi, noong mga nakaraang araw ang wierd ni John" Tumingin naman siya sa akin ng diretso. "Wierd? Paano mo naman 'yun nasabi, Abigail?" Ugh. "Kasi, niyaya ko siya sa beach na magswimming and then... Nginitian niya lang ako at naglakad paalis, nilambing ko siya kahit papaano pero pumipiglas siya, tinanong ko siya if may problem ba siya pero wala daw, pero pakiramdam ko naman meron. Tapos sinigawan nalang niya ako. May binanggit siya ng hindi ko maipaliwanag, tapos nag-sorry naman ako....at tinalikuran niya lang ako. Tinanong ko siya kung bakit siya nagkakaganun saka ako umalis"

My Boyfriend Is A KillerWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu