Chapter Fifty Nine- Day 2

Start from the beginning
                                    

"Ang twist ng game, kapag ang partner niyo ay nahulog sa banana boat, you should fall too and help him/her. At kapag nalunod ito, ang partner niya lang ang may karapatang i-cpr. If ever na may lumabag sa rules....kailangan niyang maghanap ng 20 big fishes na kakainin natin buong magdamag. Let the games begin!" Magrereklamo na sana sila ng biglang umandar ang banana boat kaya napakapit ako sa hawakan. Doon lang siguro nila napansin na wala silang suot na life vest except sa boys... Ang mga girls lang ang wala.

Wala pang isang minuto biglang nahulog si Abigail kaya mabilis siyang iniligtas ni Ivan, naramdaman kong tatalon na si John pero I looked at him na parang nagbabantavkaya natigilan siya. Nauna nang pumunta sa maliit na barko sila Abigail, boba kasi. Kaso, nagfail, mabilis na nakaahon si Abigail kaya hindi siya nalunod. But, mabuti na siguro 'yun? I guess..

I immediately put an oil sa may legs ko kaya mabilis akong nadulas and I fell into the water. "Oh my ghad, ahhh!!" I shouted and everyone saw me there, noong nandoon na ako sa water mas binigatan ko pa ang sarili ko. Yeah, I know how to swim but I want John to save me kaya I pretend innocent.... Until, I can't breathe, where the hell is John? He should be here and help me--oh, there he is. I close my eyes and I felt nothing.

-Jasper's PoV-

Noong nahulog si Tiara. Nakatingin ako sa kanya sa ilalim ng tubig. Ramdam kong nakatingin sa akin si Abigail, still waiting kung gusto ko bang i-save ang pinsan niya, 'yung bestfriend naman niya nakahawak sa braso niya, tss... Hindi naman siguro ko aso para kunin siya, Tsk. I looked at Jaime and Uncle, nakatingin sa akin...pareho nila akong binabantaan. Si Uncle sinasabing i-save ko, while Jaime sinasabing huwag. Tss, no choice. Sorry Abigail.

Tumalon ako sa tubig at nakita si Tiara na nakapikit. I think, nawawalan na siya ng hininga. Kinuha ko siya at ipinunta sa boat. Sumunod sa amin si Uncle at Jaime. Tsk. Tinignan ko ang pisngi niya at hinawakan, inalog ko siya para magising but still not working. "Cpr her" Request ni Uncle, mabilis akong napatingin kay Abigail, nigla siyang nag-iba ng tingin sa tubig. Sorry Abigail, I really do not want to hurt you so badly, pero....ito lang ang paraan para lumayo ka muna sa akin.... Abigail, huwag mo na kong mahalin.

Abigail, huwag mo kong mahalin, masasaktan ka lang.

Paulit-ulit 'yang pumapasok sa isip ko habang papalapit rin ako ng papalapit sa pisngi ni Tiara. Shit, I can't do it, Gusto kong tumalon nalang sa tubig, si Uncle tumabi kay Abigail, mukhang sasadyain niyang ihulog si Abigail kapag hindi ko c-nipr si Tiara. What a jerk, tss.. -____-

"Sorry, Abigail" Bulong ko saka idinikit ang labi ko sa labi ni Tiara.

Makaraan ng ilang segundo...

"*cough* *cough* *cough*" Mabilis na bumangon si Tiara at nang makita niya ako, niyakap niya ko bigla. "T-Thank you, for....for saving my life. I thought mamamatay na ko" Rinig kong umiiyak siya, I hugged her back.
*SPLASH!*

"ABIGAIL!" Rinig kong sigaw ni Ivan. Bumitaw kaagad ako kay Tiara at tumingin sa tubig. Nakita namin si Abigail na lumangoy pabalik sa Resort. Napabuntong hininga ako, at tumingin kay Uncle. Tumango lamang siya sa akin sabay ngiti. Hindi tama, nasaktan ko si Abigail....

"Abigail!" Sigaw muli ni Ivan. Lumingon siya sa akin na galit na galit.

The next thing I knew, I was on the floor, with full of blood in my mouth.

"G*go ka pala eh!! Sinaktan mo si Abigail, sinaktan mo Bestfriend ko!! Pu****ina mo! Akala ko ba nangako ka!? Sinabi mo sa akin, na hindi mo siya sasaktan! Na aalagaan mo siya at mamahalin mo siya! Tapos sa away niyong 'yan, kailangan paselosin sa harap niya!? Anong klaseng lalake ka!?" Kinwelyuhan niya ako at muling sinapak. Sige lang, tama lang naman na sinasapak niya ko ng ganito, hindi ako lumaban at hinayaan lang siyang suntukin ako. "G*go ka! Sana ako nalang pala ang pinili ni Abigail, hindi ikaw!!" Pinigilan ni Papa si Ivan at inilayo sa akin. "Stop this nonsense!!!" Tiara shouted at pumunta sa akin. Si Jaime naman tinulungan akong makatayo.

My Boyfriend Is A KillerWhere stories live. Discover now