Tumingin ako kay maid. Nagsisimula na syang sagutan ang assignment ko. Bigla ko naalala kung may alam ba sya sa subject na pinapasagutan ko. Di bale ico-correct ko na lang mamaya.

"Hoy maid bukas samahan mo ako sa Tagaytay." tumingin sya sakin na nagtataka. "Wag kang umangal, gumawa ka lang dyan." sabagay pipe naman sya at hindi sya makakaangal. "Maaga ka gumising bukas para maghanda ng makakain. Magdala ka ng gamit mo for two days. Pagkatapos mo dyan umalis ka na. Matutulog na ako." sabi ko at pumikit.

Kinabukasan. Alas tres ng umaga ako nagising at inihanda ang mga gamit ko na dadalhin sa Tagaytay. Magre-relax lang ako sa Tagaytay at magpapatanggal ng stress.

"Maid." tawag ko sa kanya. Nagluluto sya ng pagkain. Napadako ang tingin ko suot nya. Dark blue Navy shirt with hoodie, maong short above the knee at nakatsinelas lang sya. But still, she's hot.

Umiwas ako ng tingin nung lumingon sya sakin.

"Hindi pa ba tapos yan? Nagugutom na ako." sabi ko at umupo sa upuan.

Binasa ko ang nakasulat sa white board nya.

Malapit na po.

"Good." nagsimula ulit sya magluto kaya napadako ulit ang tingin ko sa legs nya. Napalunok ako.

Bakit biglang uminit ata ang paligid? Umiwas ulit ako ng tingin nung humarap sya sakin. Inilapag nya sa lamesa ang pagkain.

Paalis na sya nang hawakan ko kamay nya.

"Sumabay ka na." hinila ko sya paupo sa tabi ko. Hindi na sya nakaangal pa. "Subuan mo ako." nagulat sya sa sinabi ko. Tinaasan ko sya ng kilay. "Ano? Tutunganga ka na lang?"

Mabilis pa sa isang segundong sumandok sya ng ulam at kanin. Napangiti ako. Binubuka ko ang bibig ko sa tuwing sinusubuan nya ako. Kumakain din sya pero hindi kami share sa kutsara kung iniisip nyo.


"Ma'am! Nakakagulat naman po ang pagdating ninyo. Sana sinabihan ninyo po kami na dadating kayo para po naghanda kami." sabi ni Manang. Ang katiwala ng bahay namin dito sa Tagaytay.

"Okay lang Manang. Nakakain na din naman po kami."

"Ah ganon po ba?" tumango ako at ngumiti. "Sino naman itong kasama mo Ma'am? Kaibigan nyo po ba?"

Tumingin ako kay maid.

"Maid ko po sya." nagulat si Manang sa sinabi ko. Sabi ko nga, ayoko ng maid at alam nila iyon. Tuwing nandito ako sa Tagaytay, umaalis din agad sila pero babalik sila para maglinis dito. Sa laki ng bahay namin dito hindi ko kayang linisin na mag-isa lang ito. Maabutin ako ng gabi bago matapos.

"Akala ko'y..."

"Sila po ang may gusto." naintindihan nya agad kaya hindi na sya nagtanong pa.

"Sya, magpahinga na kayo. Mahaba ang binyahe ninyo papunta dito at sigurado ay pagod na kayo." sabi nya. Ngumiti ako at pinadala kay Manong ang mga gamit namin sa kwarto ko.

Nilingon ko si maid dahil kinakalbit nya ako.

Iisang kwarto lang po ba tayo?

"Kahit na malaki itong bahay walang guestroom dito. May kanya-kanya kami dito ng kwarto kahit yung triplets kaya hindi mo pwede gamitin ang iba. Sanay ka naman siguro na sa sofa ka hihiga 'di ba?" nauna na ako naglakad papunta sa kwarto ko.

Tumingin ako kay maid na kakapasok lang ng kwarto at mukhang hindi alam ang gagawin.

"Ayusin mo ang mga gamit ko. Maliligo lang ako." utos ko at pumunta sa banyo.

Natapos akong maligo at lumabas na nakatapis lang dahil naiwan ko ang susuotin ko. Nadatnan ko si maid na nakaupo sa kama. Tapos na siguro mag-ayos.

Napatingin sya sakin. Napansin kong napalunok sya ng ilang beses at nakatulalang nakatingin sa katawan ko. Napangisi ako.

"Enjoying the view, baby?" doon lang sya natauhan. Namula ang mukha nya at nagmadaling pumunta sa banyo. Natawa ako.

Grabe pulang pula ng mukha nya.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina. Bigla akong ginutom.

"Manang, ano pong pagkain?" tanong ko kay manang na naglilinis ng kusina.

"Nagluluto ako ng spaghetti. Alam kong paborito mo ito eh." bigla nagliwanag ang mukha ko. Sa tagal kong hindi nakakakain ng spaghetti ay na e-excite akong matikman ang luto ni manang.

Nagkwentuhan kami ni manang tungkol sa iba't ibang bagay habang hinihintay namin maluto ang spaghetti. Sabay kaming napatingin kay maid nung pumasok ng kusina. Napayuko sya nung makita nyang nakatingin kami sa kanya. Napangiti ako dahil ang cute nya.

"Ah anong nga pala pangalan mo iha?" tanong ni manang. Tumingin sya sakin tapos nagsulat sya sa white board nya. Nakita kong nagtaka si manang kung bakit nagsusulat si maid.

"She's muted, manang." sabi ko. Saktong tinaas ni maid ang white board.

Nissan po.

"Ah Nissan gutom ka na din ba? Halika dito at malapit ng maluto 'tong pasta." sabi ni manang. Tumango naman si maid at dahan dahan na lumapit samin.

Hinila ko ang upuan sa tabi ko.

"Dito ka." sabi ko. Agad naman syang lumapit sakin. Napansin kong ngumiti si manang na pinagtaka ko.

"Ito na." sabi ni manang at nilapag sa lamesa ang pagkain. Pagkalapag agad akong kumuha ng madami. Halos maubos ang spaghetti. Bigla ko naalala si maid. Konti lang ang natira sa spaghetti kaya binigyan ko sya pero konti lang.

"Hay nako ang kalat mo talagang kumain." sermon sakin ni manang. Nginitian ko lang sya at kumain nang kumain.

Tumigil ako sa pagkain dahil hinawakan ni maid braso ko at pinaharap sa kanya. Walang pakundangan ay pinunasan nya ang mukha ko. Nginitian ko sya pagkatapos nyang punasan ang mukha ko at kumain ulit.

Pagkatapos kumain kami na lang ni manang ang natira sa kusina.

"Sure ka bang maid mo lang si Nissan?" tanong ni manang habang pinupunasan ang lamesa.

"Opo naman manang. May iba pa ba?" Nakataas ang kilay ko na tanong kay manang.

"Girlfriend?" napabuga ako ng tubig. Agad naman pinunasan ni manang ang lamesa.

"Manang anong pinagsasabi nyo?" Girlfriend? What the heck.

"Eh bakit ang sweet ninyo kanina habang kumakain?" Kumunot noo ko. Sweet ba kami?

"I don't know what are you talking about, manang. Gutom ako kanina kaya wala akong pakialam sa paligid." isinama mo pang paborito ko ang kinakain ko kanina.

"Weh?" Aba nakiki-weh din si manang.

"Manang kung ano ano napapansin ninyo." sabi ko. "Hindi ako magkakagusto sa isang maid lalo na pipe pa." napaaray ako nang hampasin ako ni manang.

"Ikaw ah. Sinabi sakin ni Ma'am Letti na may phobia lang si Nissan at hindi sya pipe." nagkausap na pala sila ni Mama.

"Kung hindi sya nagsasalita, pipe sya yun yon, manang" nailing na lang si manang sakin.

"Matigas talaga ulo mo." tapos iniwan nya ako dito sa kusina.

Bakit ba? Pipe naman talaga si maid.




-------------

Mi Amore Series#1 My Mute MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon