Decipher Love II

177 0 0
                                    

 {play multimedia}

⌦  Nathalie's POV  ⌫

Tiningnan ko sa salamin na nagrereflect ng maputla at halatang pagal na pagal na mukha ko ang sarili ko. Sabi sa'kin ng lalaki kanina, two-way mirror daw iyon at pinasadya ni Krishna. Iba nga naman talaga ang nagagawa ng mayayaman.

Nagpupumiglas pa rin ako habang nalalanghap ko ang usok likha ng apoy sa may paligid ko. Ramdam ko ang matinding init pero panginginig ang dulot nito sa buong katawan ko. Sunod-sunod ang pag-ubo ko. Sinusubukan kong pauntiin ang paghinga ng hangin para di mabilis makapasok ang usok sa baga ko. Kahit kaunti ay meron paring parte sakin na umaasang maililigtas ako at hindi ngayon ang araw ng kamatayan ko.

Tila isang makinang sobrang bilis sa pagtibok ang puso ko. Ilang hakbang na lang ang layo sa akin ng apoy. Pilit kong iniiwas ang paa ko at ng inches na lang ang distansya nito sa apoy ay napapikit na lamang ako.

Lord, please po. Kahit masabi ko man lang kay Chris ang matagal ko nang gustong sabihin. Please... our hearts has been attached for years but we're never able to express them because of this stupid virus na patuloy na humahadlang sa amin. Please let us Decipher Love which is long hidden within us!

*kssshhh

Napadilat ako ng may maramdaman akong tubig na pumapaligo sakin. Tumingala ako, nasaktuhan pala ng isang fire sprinkler ang kinauupuan ko! Maya-maya pa'y namatay na ang apoy sa buong kwarto. Ramdam ko ang pagdaloy ng tubig sa buong katawan ko. Basang-basa na rin ang dress ko.

Napayuko ako at nakahinga ng malalim. Kahit papano, atlis alam ko na hindi pagkasunog ang ikamamatay ko.

Thank you Lord dininig niyo po ako. :')

May narinig akong ingay sa labas. Parang tunog ng truck ng mga bumbero.

Napalingon ako ng padabog na bumukas ang pintuan sa bandang kanan ko. Tumambad sa akin si Chris. Putlang-putla ang mukha niya at may kampanteng ngiti na umukit sa mga labi niya ng magtagpo ang mga mata namin. Napansin kong may malaking pula sa may kaliwang paa niya.

Dugo ba yun?

Paika-ika siyang lumakad papunta sa akin. Nakatitig lamang ako sa kanya. Gamit ang kaliwang kamay niya'y sinimulan niyang alisin ang tape sa akin, ang kanang kamay naman niya'y humawak sa pisngi ko. Umiiyak siya kahit nakangiti. Dahan-dahan siyang yumuko at hinalikan ang noo ko. 

Umiiyak lamang kaming dalawa. Wala kaming sinasabi sa isa't-isa. 

Pagkatanggal ng lahat ng tape ay kinarga niya ako. Pinalupot ko ang mga kamay ko sa leeg niya at sumandal sa balikat niya..

Tapos na ba? Ngayong kasama ko si Chris?

Ah! Teka!

"Si Krishna?" tanong ko gamit ang paos kong lalamunan. Basa na rin ang damit ni Chris dahil sa dami ng sprinkler na dinadaaanan namin.

"Danica got rid of her. Pinatay ni Krishna si Martin para makuha ang Furnace O'Schwartz."

Nanlumo ako sa narinig ko.

"M-m-martin is dead? What do you mean by 'got rid'?"

"Don't worry about Danica. Sigurado akong considered yun as self-defence dahil sinubukan din siyang patayin ni Krishna. Sana nga, nagawa nila yun way before she was able to upload the file and even put you to danger." humigpit ang hawak sa akin ni Chris.

Nanahimik na lamang ako. Nagsimula na namang pumatak ang mga luha sa mata ko. 

Parang ganito lang rin ang nangyari years back. Ang kaibahan lang, walang apoy. Tubig ang kasama naming lumabas ng gusali. 

I think now's the time.

Pinunasan ko ang luha ko. Bahagya kong inilapit ang ulo ni Chris sa akin. Bumagal ang lakad niya.

"You're so light. Kumain ka ng marami pag-uwi natin sa bahay."

Naudlot ang sasabihin ko.

"Opo. Hindi ka dederetso ospital?"

"Nope. Sinabihan ko si Anthony kanina na gamutin ako sa bahay. Besides hindi ako sanay na ginagamit ng mga doktor sa ospital. Hindi rin naman 'to ganun kalala. Teka... kailangan ba kitang dalhin sa ospital?!" napatingin siya sa akin. Nanlaki ang mga mata niya sa pag-aalala. Natawa lang ako sa kanya.

"Hindi na. Kakain lang ako ayos na. Maliliit na sugat lang naman nakuha ko eh."

Huminga ako ng malalim. Nang ibubuka ko na ang bibig ko ay bigla nanaman siyang nagsalita.

"I love you Nath."

Naramdaman ko ang mabilis na pag-init ng mukha ko. Agad naman akong sumagot sa kanya.

"I love you too, Chris."

Namula ang buong mukha niya at halatang nagpipigil ng saya. 


"Being able to see your face, feel your presence, and hear your voice everyday... but unable to stand close to you. What could hurt more?" 

"For so many years, I had loved you. But we never got the chance to express ourselves because of you, hiding yourself from me for a reason that you think you have no right to be close. But now that I know you're identity..." 

"Now that you know my identity..."

'Together, we shall decipher love that was long hidden within us.'

"Hindrances don't stand a chance in breaking our relationship anymore. That's a fact."

Pagkalabas namin ay nakita ko kaagad si Danica na umiiyak. Pinilit kong ibaba ako ni Chris at inalalayan niya ako papunta kay Danica. Agad ko siyang niyakap. Humahagulgol siya.

"He took the bullet for me Nath! He...he...took the bullet for me... I was the one meant to die! Not him Nath! Not him!"

Napaiyak ako lalo habang cinocomfort siya. "Shhh...shhh it's okay Danica. Alam kong naging masaya siya sa desisyon niya."

"I was never able to tell him...that... I love him so much." 

Natigilan ako. Parang kami lang ni Chris. 

God gave me a chance to live. I should not waste it.

RCG : Decipher Love [DL] ⌨ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon