Part 26 = Undiscovered Love?

263 5 0
                                    

 Hit vote and see what happens to the text. 乂⍲‿⍲乂

█║║█║▌║█║▌█║║█║▌║█║▌█║║█║▌║█║▌█║║█║▌║█║▌

July 09, 2011

Saturday

6:32 pm

Weather: Cloudy 

Location: Chesa Peake St.

Ngayo'y papunta na kami sa ospital. Nakasakay kami ni Kyle at ng iba pang mga tumulong sa amin sa isang ambulansya. 

*Brrrrt! Brrrt! Brrrt! Brrrt!

"Hello?" sagot ni Kyle sa cellphone niya.

"Hoy ano na?! Nasaan ka na?! Para' ka namang ewan ngayon  na nga lang tayo nagkita ulit!" boses ng babae ang narinig kong kausap niya. 

Parang pamilyar yung boses na yun. Konti na lang matutukoy ko na kung sino nagmamay-ari nun! Kailangan ko na lang makinig kahit konti na lang talaga!

Umusog ako kaunti papunta kay Kyle. 

"Huwag ka nga masyadong maingay!"

"Bakit parang may naririnig akong tunog ng ambulansya?! ANO NANGYARI?!"

Si..si...si DANICA?!

"Mamaya, ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat so you'd better listen ok?"

Hindi pa man nakakasagot si Danica ay binabaan niya na ito.

"You...you've got a lot to explain." sa dami ng gusto kong sabihin ay yun na lamang ang nasabi ko sa kanya.

"I know, I know. Ipapaliwanag ko ang lahat sayo mamaya."

Nang makarating na kami sa ospital ay madali naming dinala si Chris sa emergency room. Doo'y di na kami pinapasok syempre. Umupo na lamang kami sa may mga upuan sa labas ng emergency room. 

Ang daming dugo nitong damit ko.

Kung kakailanganin ni Chris ng blood transfusion, pwede naman siguro akong magdonte kasi Blood type O naman ako. Pero paano kung kulang? Hmmm... AB si Danica, A positive si Martin at Fatalis, si Cloudia ay O din. :D  Susubukan ko siyang pakiusapan mamaya kung sakali. ^_^

Lumipas ang ilang oras.

Inaantok na 'ko.

Magkaharap lamang kami ni Kyle at walang kibuan. Maya-maya'y bigla siyang nagsalita.

"Hindi ka pa ba kakain?"

"Wala akong gana."

Umalis siya bigla at pagbalik niya'y may dala-dala na siyang burger galing sa burger machine at softdrinks. Iniabot niya sa akin ang pagkain ko at tinabihan ako.

"This isn't the hospital I'm working on kaya hindi ako pinapapasok. Hindi ako makatulong sa operation."

"I know."

"Unahin mong kainin yung softdrinks para hi---"

"I know." nagbuntong hininga ako at nagsimulang kumain. "Bakit hindi mo na lang i-explain sa akin yung tungkol sa conversation niyo kanina ni Danica?"

RCG : Decipher Love [DL] ⌨ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon