Nagmulat ako ng mga mata at napatulala sa kawalan. Pero tama si Garrett. Hindi dapat ako magpadalos dalos. Selfish na kung selfish pero ayoko ring mawala sila sa akin.

"Please give me a sign, oh Lord. . ." My hoarse whisper to myself betrayed my relief.

Gusto ko pa silang makasama. Gusto ko pang makitang lumaki't magdalaga si Venice kasama ko. Gusto kong maging nanay sa kanya kahit hindi ko siya kadugo. Gusto ko pa siyang tulungan sa bawat assignment at project niya. Gusto ko pang ipagluto siya ng baon kahit na hindi ako gaanong marunong magluto. Gusto kong matulog katabi niya tuwing siesta. Gusto kong mayakap siya ng matagal at marinig mula sa kanya na tawagin akong. . . Mom. Oh, Lord. I want to be with her all through my life.

I rolled to the side of the bed and wiped the tears from my cheek. Hindi lang si Venice ang gusto kong makasama kundi si Arthur. I'm gonna miss half of my life if I make the wrong decision.

Mahal ko siya. . . sobra. Give me a sign if I should still stay or not. Kahit mahirap, gagawin ko. Kahit masakit, kakayanin ko.

***

Warm touch brushed my cheek lightly. Tila naalimpungatan ako sa naramdaman at napabangon. Napahawak ako sa aking pisngi habang palakas ng palakas ang tibok ng puso ko. Mabilis akong tumayo sa kama nang mapansing umaga na. Fvck dreams! I thought it was real. I fvcking thought it was him.

Muli akong napabagsak sa kama at napaisapo nalang ang aking mukha sa dalawa kong palad. The heck! I miss Arthur so much that it hurts to the deepest core.

Nag-angat ko ng ulo nang marinig kong may kumatok sa pinto ng kwarto ko. "Alison!" boses ni Emma. I quickly got up and opened the door. Nangunot ang noo ko nang makitang nakaayos siya ng presentable. "Good morning, Ali. Pasensya na kung ginising na kita—"

"Emma, tell it to her already!" Napatingin ako sa likod ni Emma nang marinig ko ang matigas na boses ni Jake.

"Oo na!" Emma replied in frustration and turned to me. Halata sa kanya ang pagkataranta. "Teka, paano ba 'to..."

"Ano ba 'yon?"

Napasapo siya sa noo nang titigan ako ng ilang segundo. "Umiyak ka na naman ba? Namamaga yung mata mo e. Naku, mahirap 'to—"

"Emma, make it fast!" Jake appeared with his black tuxedo on. Tumaas na ang isang kilay ko sa kanilang dalawa. What the hell's going on?

"'Wag mo kasi akong i-pressure!" singhal ni Emma at napairap nalang si Jake sa kawalan. "Alison, kasal kasi ngayon ni Toffer."

Nalaglag ang panga ko sa narinig. Gaano na ba katagal nang umalis ako sa poder ni Arthur at 'di ko namalayan na dumating na pala ang araw ng kasal ni Toffer?

"Ngayon na ba 'yon?" wala sa sarili kong tanong.

Nabigla ako nang may padaskol na inabot na paper bag sa akin si Jake at sinenyasan ako na kumilos na. "Late na tayo," aniya.

"11am ang kasal. Alas diyes na," natatarantang sabi ni Emma habang hinihila ako papasok sa kwarto. She pushed me to bed and touched my messy hair. "Huwag ka nang maligo. Iboblower ko nalang yung buhok mo tapos diretso make up na."

"I'll give you 30 minutes. Dapat matapos niyo yan," ani Jake bago tumalikod.

Nanlaki tuloy ang mga mata ko sa nangyayari. Dammit! For the love of mankind, kagigising ko lang! "I'm not coming with you. Sige na, pwede na kayong umalis. Baka matraffic pa kayo—"

Mabilis akong nilingon ni Jake. Pumameywang naman si Emma sa akin. "Anong hindi sasama, Alison? You're hella' invited," he said, glaring at me. "Hindi mo ba na receive ang text namin kagabi?"

Let's Talk About Us [Completed]Where stories live. Discover now