32. Bar

154K 4.8K 492
                                    

32. Bar

The fact na may sumusunod sa akin kung saan man ako magpunta, hindi niyo ako masisisi na matakot. Wala pa naman ako sa sarili kong bansa. Kapag humingi ba ako ng tulong dito, to think na hindi ako tourist ay may tutulong ba sa akin? I doubt. The heck! Gusto ko na tuloy umuwi sa Pinas!

Mahigpit ang pagkakakapit ko sa shoulder bag ko habang palabas kami ng hotel. Kache-check out ko lang a few minutes ago, at heto ako, nag-iisip kung saan pwedeng lumipat. Aba, nang malaman kong katabi ko lang pala ng hotel suite yung stalker ko e, parang ayaw ko nang bumalik sa suite ko. Paano kung pasukin ako nu'n? Oh sh1t! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kasalanan kasi ito ni Arthur e! Hindi nga ako napahamak sa paglayas ko sa Astrid, dito naman ako mapapahamak sa pagpapalayas sa akin ni Arthur! Darn him!

"Troy, sa tingin mo ba tama 'tong desisyon ko na lumipat ng hotel?"

Humarap sa akin si Troy at saka ako nito tinignan na para bang sinasabing; 'ilang beses mo na yan tinanong'. Aba, seguridad ng isang Scarlett Alison Ramirez ang nakataya dito. I just want everything to be sure!

"Alison, mas safe na lumipat ka. Ikaw din, babae ka pa naman at nag-iisa. At least, kahit papa'no, magiging secured ka ngayong may kasama ka na," sabay ngiti niya.

In fairness, cute din naman 'to si Troy e. Sa katunayan, wala pa kaming 24 hours na magkakilala pero ang gaan-gaan na ng loob ko sa kanya. Para kasing kung makipag-usap siya sa akin ay matagal na kaming magkakilala. That's what makes me comfortable with him. Hindi katulad ng iba dyan na. . . never mind.

I let my arm bump onto his like a normal friendly gesture."Troy, thank you talaga ha? Kung hindi mo sinabi sa akin, hindi ko pa mapapansin na may sumusunod pala sa akin. Pero hindi mo naman kailangan na lumipat din ng hotel. Nakakahiya naman."

"No, it's fine. Actually, lilipat talaga ako ng hotel," he laughed while taking out his phone from his pants' pocket. "Nagtext kasi yung mga kaklase ko na sa Fullerton Hotel sila magchecheck in. Might as well, du'n nalang din dapat ako. Ayoko namang lumayo."

I smiled widely at what he said. What a relief, then! Mas ayos nang may kasa-kasama ako kaysa sa wala. I only have 6 days left here, tapos babalik na ako sa Pinas. Kaunting tiis nalang, Alison. Magiging ayos din ang lahat.

"Edi mabuti. Akala ko, malaking abala ako sayo," I replied shyly.

"Of course not. Kung gusto mo, sa Fullerton ka na lang din. Mas secured ka dun. Yun nga lang, medyo expensive. Ayos lang ba sayo?"

Nung marinig ko ang salitang 'expensive' ay pasimple akong sumilip sa loob ng bag ko. Chineck ko yung laman ng purse na binigay sa akin ng nagpalayas sa akin sa Pinas. Medyo makapal pa naman. "Hindi naman siguro aabot ng 100, 000 pesos a day yun kung icoconvert sa peso diba?" panigurado ko. Mabuti nang sigurado.

He immediately shook his head as a reply. "Hindi ah. So, ano, let's go?" he said and to hell with the timing, may humintong cab sa harapan namin. He opened the door on its backseat, still smiling.

"Well, then. Let's go. . ." I replied before I hopped in.

Fullerton Hotel was just a walking distance from where I previously stayed in. Sa katunayan, pwede talagang lakarin. Ewan ko ba kay Troy at nag-cab pa kami. By the looks of him, mukhang rich kid naman kasi siya.

Sa labas pa lang ng hotel, makikita nang mala-five start hotel ang peg ng Fullerton. I glanced at my wrist watch and found out that it's quarter to 6. Kaya pala medyo orange na ang kalangitan. Palubog na rin kasi ang araw.

"Nakikita mo yun?" may tinuro si Troy sa itaas ng hotel, specifically sa top floor ng Fullerton, nang makababa kami mula sa cab. There were varieties of colorful lights up there. Parang may party-party. nakakaexcite tuloy! I suddenly miss my college days. Ghad, I miss Astrid.

Let's Talk About Us [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon