61. Team Evangelista

174K 4.4K 1K
                                    


Chapter 61

Never ko pang na experience ang family day. Wala naman kasing ganun sa school ko sa Astrid noong elementary pa ako. Kaya nga, halos hindi ako makatulog sa excitement. Nagpapasalamat nga ako dahil kahit papaano ay na ease up yung tension ko buhat sa nangyari kahapon sa ospital.

"We look so cute," nakangising sabi ni Arthur habang inaayos ang suot na shirt. Napatingin din tuloy ako sa suot ko pati na rin ni Venice.

Tila uniformed kaming tatlo sa suot na blue shirt na may printed na 'Mommy' para sa akin, 'Daddy' para kay Arthur at 'Daughter' para naman kay Venice. Sa likod naman ng shirt at may nakalagay na 'Team Evangelista'. Tama siya. We really look very cute.

"Mom," ani Venice habang tinitirintas ko ang buhok niya. "Are you done yet?"

"Almost done, baby..." sabi ko at ilang saglit lang ay natapos na rin. "There."

"Finally!" Hagikhik ni Venice at humawak na sa magkabilang kamay namin ng kanyang daddy. "Let's go now!"

Actually, kanina pa kami nasa campus ng E.H.U. We just stopped by the bench to braid Venice's hair. Pinapawisan na kasi ang bata. Baka naiinitan na sa kanyang buhok.

Nagpatangay nalang kami sa bata kung saan niya man kami dadalhin. Ang cute lang kasi, may carnival sa loob ng campus nila. Naiinggit tuloy ako. Hindi ko man lang naranasan 'to noon nung nasa Astrid pa ako.

Huminto sa paghila si Venice at nagpaalam saglit. Mukhang pupunta sa kanyang teacher kaya lumapit ako kay Arthur. Nilibot ko ang tingin sa paligid. There's the Ferris Wheel, Merry-Go-Round, and other rides that suit Venice's age.

"Ang bongga naman ng Family Day ng school na 'to," bumaling ako kay Arthur na nakatingin sa akin. "Annual ba 'tong event?"

Tumango siya. "Hmm, at ngayon lang ako um-attend. Usually, si Manang Betchay at 'yong driver ko ang umaattend para kay Venice."

I suddenly felt bad for Venice. Kaya pala ganoon nalang siya kung i-bully noon ng mga classmates niya na wala raw siyang Mama. Hayy...

"First time ko rin ito." I held his hand and his face growing warmer at the deed. "Kaya dapat manalo tayo sa games later. Itaas natin ang bandera ng 'Team Evangelista'."

"Ayokong sumali. Let's just watch..."

Umirap ako at may inilabas na hand made flag mula sa bag ko. Suminghap naman siya. "Oy, dapat sumali tayo! Sayang naman itong ginawa ko kagabi na flag para sa pamilya natin."

He burst out laughing as he took the flag from my grip. "What is this, Alison?"

"Flag! Pang cheer ko yan kapag naglaro ka with Venice. Pang-cheer mo naman kapag ako naman ang naglaro." Inagaw ko ang flag at inayos iyon. "'Wag mong okrayin ito, Arthur. Pinagpuyatan ko 'to."

"So, that's the reason why you stayed up late last night huh?" Humalukipkip siya habang may mapang asar na ngising naglalaro sa kanyang labi.

Umirap ako sa hangin. "Oo naman. First time ko 'to kaya kakaririn ko na." Natanaw ko sa likod ni Arthur si Venice na kumakaway sa akin at mukhang tinatawag ako.

"Mom! Dad!"

Nilingon na rin siya ni Arthur. Binalingan niya ako at tinanguan bago ako hinila palapit kay Venice na may kasamang babae. Mukhang teacher niya yata ito.

"Good morning, Teacher Josie..." anang Arthur at magalang na naglahad ng kamay para makipagkamay.

"Good morning, Mr. Evangelista. It's nice to see you here." Ngumiti naman ang ginang.

Let's Talk About Us [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon