51. Old Time's Sake

140K 4.5K 336
                                    

Chapter 51

Hindi ko na alam kung dapat ko ba siyang pakinggan o hindi. Will it make any difference if I give him a chance to explain his side? Wala. Ano pa bang dapat kong malaman? Niloko niya ako. Iniwan pa sa araw ng kasal ko. He humiliated me on my supposed to be my special day. Siya ang naging dahilan kung ba't ako umalis sa Astrid. Siya ang puno't dulo ng lahat ng mga nangyayari sa akin ngayon.

"Sh1t..." Napasinghap ako ng malakas nang may tumalsik na mantika sa kamay ko. Umatras ako. I am so stressed right now. Tinabihan ako ni Emma sa kitchen top at kinuha mula sa akin ang wooden spatula. "Maupo ka na nga dun. Ako na ang magluluto nito," aniya.

Kakauwi ko lang sa bahay mula sa office. Nag-half day lang ako. My second day at work didn't turn bad as I thought it would be. Hindi lang talaga ako kumportable kay Garrett. Sa tuwing titingin siya sa akin, sobrang seryoso ng mga mata niya. Tuwing pinaparamdam ko naman sa kanya na ayaw ko siyang kasama ay umiigitng agad ang panga niya't nilalayuan ako kaagad.

Naupo ako sa may dining area habang pinapanuod si Emma. I invited her over to have some light meal with me. Kailangan ko lang talaga nang makakausap ngayon. Stressed na stressed na ako lately.

"Emma," bumuntong-hininga ako. Nilingon niya naman ako kaagad. "Would it be unfair with Arthur kung sasabihin ko sa'yong naaawa ako kay Garrett?"

"Bakit ka pa naaawa? Akala ko ba kinalimutan mo na siya?" Her voice had a cut of sarcasm in it. "Sus, Alison. Alam mo, iba yung lumalabas sa bibig mo sa kung ano talagang nasa puso't isip mo e."

Natahimik ako. Bakit ba sa tuwing may ipapayo sa akin ang babaeng ito ay nasasapul ako?

Pinatay niya ang stove at humarap sa akin nang nakahalukipkip. "Alison, ano ba talaga? Naka-move on ka na ba o hindi?"

"Naka-move on na. Mahal ko si Arthur. Namimiss ko na nga agad siya ngayon. Kung pwede lang sumunod sa kanya sa Michigan ay ginawa ko na..." I replied warily.

Biglang tumunog ang phone ko sa ibabaw ng lamesa kaya sabay kaming napatingin du'n ni Emma. Inabot ko iyon para tignan ang nagtext.

Napasapo ako sa ulo ko nang makitang si Garrett iyon.

From: +639050100101

Scarlett, let's talk. Please.

"O, ba't busangot ang mukha mo?" puna sa akin ni Emma.

"Nagtext na naman siya."

Kinuha niya sa akin ang phone ko para basahin ang text. I saw her shook her head in disbelief. "Hindi ka titigilan ng ex mo hangga't 'di mo siya hayaang magpaliwanag..."

"What for? May mababago ba kapag nagpaliwanag siya? Wala na, Emma. So, why bother listen to his fvcked up explanations? It's just a waste of time."

Bumuga siya sa hangin bago lumapit sa akin ng ilang hakbang. "Waste of time but it's worth it," seryosong aniya. "Hindi mo ba naisip na unfair naman kay Arthur na hinayaan mo siyang papasukin sa buhay mo kahit na magulo pa 'yung nakaraan mo?"

Ngumiti siya sa akin. Her eyes were filled with genuine concern.

"Do the right thing, Alison. Ayusin mo muna ang kalat mo sa nakaraan bago ka magpatuloy sa bagong chapter ng buhay mo. Sige ka, dadalhin mo 'yang kalat na 'yan forever. Ikaw din ang mahihirapan."

Parang batang lumabi ako sa kanya. Things wouldn't be as easy as this if it wasn't for Emma.

"Emma..." aamba na sana ako ng yakap sa kanya pero hinarangan niya agad ako ng kamay niya.

Let's Talk About Us [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon