10. Us

152K 4.8K 355
                                    

10. Us


SCARLETT


"No." Isang malaking no ang sagot niya. Sumimangot tuloy ako. Curious lang naman ako sa anak niya. Kung ilan taon na ba siya o kung anong grade na. Ni hindi ko nga alam kung lalaki ba o babae ang gender niya pero who am I to know that anyway? Ako na nga ang naka-offend, ako pa 'tong makapal ang mukhang magtanong about his kid.

"Okay, pero sa akin na 'to, Sir." Inagaw ko mula sa kamay niya ang isang libo. Wala akong pamasahe. Ayoko namang umuwi ng palakad!

"'Ge. Bye."

Yun na yung hudyat ko para lumabas ng kotse niya. Halos mapatili pa nga ako nang kumaripas ng takbo ang kotse niya pagkalabas na pagkalabas ko.

"Bye, Sir!!!" sigaw ko while waving my hand pa. Aalis na sana ako para sana ipagpatuloy ang job haunting adventure ko nang may maisip ang wise kong utak. Sakto pang may nahagip na taxi ang paningin ko kaya naman pinara ko iyon. At dahil maganda ako, huminto agad siya sa harapan ko. Sinamaan tuloy ako ng tingin nung mga ibang pumaparang pasaherong nilagpasan ni kuyang taxi driver.

Pumasok agad ako sa backseat. "Kuya, diretso ka lang. May susundan tayong kotse," sabi ko.



Nakita ko nalang ang sarili ko na pinagmamasdan ang itim na Ford Expedition ni Sir Arthur mula sa loob ng taxing sinasakyan ko. Feeling ko, para akong stalker sa pinag-gagagawa ko ngayon. Curiousity is bugging me. I just feel like knowing about his kid. Marahil ay mahal na mahal niya ang kanyang anak para mag-hire ng mommy para dito.

Napadungaw ako sa saradong bintana sa backseat nang makita kong lumabas na ng gate si Sir Arthur karga-karga ang isang batang babae. Mahaba ang buhok nito na naka-pig tail na medyo kulot ang dulo. Maputi ang kutis na medyo pinkish ang pisngi at singkitin pa ang mga mata na parang Instik. Ang cute!! Pero... bakit siya umiiyak?


Hindi ko alam pero bumagabag na sa isip ko ang nakitang eksena ng mag-ama hanggang sa pagtulog ko. Hindi ako mahilig sa bata pero naawa talaga ako sa anak niya. Nakaka-touch pa dahil siya mismo ang nagsundo dito. My Dad never did that to me. Masyado kasi 'yong busy sa work, but I must that the attention of my parents are on me.

Kinabukasan, maaga akong nagising. Nagtaka pa nga si Emma dahil mas nauna pa ako sa kanya. Naabutan niya kasi akong nagkakape sa sala.

"Ba't ang aga mo yata ngayon? Mag-aapply ka ba ulit?"

Umupo siya sa tabi ko. Nilapag ko naman sa center table ang tasa ng kape ko. "Hindi ko alam. Nawawalan na ako ng pag-asa e."

"'Yan ka na naman."

"I can't help it, Emma. Kahit saang trabaho, hindi ako matanggap. May utak naman ako, hindi naman ako pangit. Bakit ayaw nila sa akin?"

Tinapik niya ang balikat ko para i-comfort ako. Parang gusto ko nang umuwi sa Astrid. Buti pa dun, masarap ang buhay ko. "Sobrang hirap. Lahat nalang yata ng kamalasan ay nakakapit na sa akin."

As if on cue, may nag-doorbell mula sa labas. Tumayo si Emma para tignan kung sino iyon. Kinuha ko naman yung remote at binuksan ang TV. Ang kung inaasar ka nga naman ng tadhana, ang palabas ay isang talkshow na may guests na father and son.


"Mahirap bang maging single dad?" tanong nung host.

"Mahirap, pero kinakaya ko naman para sa anak ko," sagot naman nung guest kaya napainom ako sa kape ko.

Let's Talk About Us [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon