19. Baby Sister

159K 5K 496
                                    

19. Baby Sister


SCARLETT


Naramdaman ko nalang na may humaplos sa buhok ko kaya unti-unti akong nagmulat ng mga mata only to find out it's Arthur. Nabigla tuloy ako. "Arthur-"

"Sshhh..."

Tinignan ko si Venice sa tabi ko. Nakahilig siya sa kabilang direksyon at mahimbing ang tulog. Bumangon na ako at nang makatayo na ay nag-unat ako ng mga braso. Pagtingin ko sa orasan, fvck, ala-singko na!!

Tinignan ko si Arthur. Hinahaplos-haplos niya ang buhok ni Venice, then he pecked on her cheek. Aww, ang sweet naman niya. Hindi kaya ginanun niya rin ako kanina?

Okaaaay, Alison. Sumosobra ka na. Ano ka, bata? I shook my thoughts off my head. Naalala ko tuloy bigla si Arthur kanina. OMG! Hasn't he eaten yet?

"Arthur, kumain ka na?" bulong ko.

Umiling lang siya pero hindi naman mukhang galit. "Tara, kain muna tayo."

Lumabas na ako sa kwarto ni Venice na kasunod ni Arthur. He was still wearing his coat and tie and should I say he looks hot when he finally untied his tie?

"Kanina pa kayo ni Venice dito?" he asked when we reached the kitchen. Buti nalang, nandun pa rin yung pizza sa ibabaw ng mesa na nabawasan na ng tatlong slice.

"Oo. I'm sorry. Hindi na ako nakabalik sa office. Tumawag kasi si Venice e," I explained while opening the box. Pinag-serve ko siya ng pizza. Pambawi lang kasi dahil sa akin, hindi siya nakakain ng lunch. It was all my fault.

He feigned a smile that literally took my breath away. Joke. Pero seryoso, ang gwapo niya kapag ngumingiti. Sana lagi nalang siyang ganun. "It's okay. Tara, sabayan mo ako."

Naupo naman ako sa kaliwa niya at nakikuha na rin ng pizza. Nakakatatlong kagat na ako nang magsalita siya.

"Nakakagulat na malaman na tinawagan ka niya. Did you come to her school to fetch her?"

Para namang may switch na nabuksan sa akin dahil may naalala ako. "Hmm! Oo nga pala..." Nilunok ko muna yung nasa bibig ko bago ko pinagpatuloy ang sasabihin ko. "Tanggap niya na ako, Boss."

His brows creased while shaking his head. "Wala na tayo sa office."

"Babe..."

He grinned like a fool. "Venice's not around."

Eh anong gusto niyang itawag ko sa kanya? I was kinda hung by the moment. "Edi Boss Babe!" Magsasalita pa sana siya pero inunahan ko na. "Ayun nga, she introduced me to her classmates as her pretty mom."

"Well, that's a good sign."

"Sinabi mo pa. Sabi pa nga niya..." I trailed off. Bigla kasing sumanggi naman sa isip ko yung litanya niya kanina.


"I got a handsome dad, a pretty mom and a baby sister."


Nasamid tuloy ako. Takbo naman ako sa fridge para kumuha ng tubig at ininom yun ng isang gulp lang. How could I forget that?

"What did she say?"

Nilingon ko si Arthur. Nakatingin siya sa akin habang kumakain ng pizza. He seems very curious about what Venice said to me or maybe curious talaga siya palagi pagdating sa anak niya.

"Uh..." Bumalik ako sa puwesto ko pero mas pinili kong tumayo nalang sa upuan habang nakahawak ang dalawang kamay ko sa sandalan. Ghad, ang awkward naman kasing pag-usapan nito.

Let's Talk About Us [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon