"Kung di ka magsasalita wag ka na tatawag ok?At kung naghahanap ka ng pagti-tripan,please wag ako!"inis kong pinatay ang phone saka binalik sa bag.Di na naman iyon muli pang tumunog.Muli ko na lang binaling sa malayo ang tingin ko,di nagtagal ay naramdaman kong pag-upo niya sa tabi ko.

May dala siyang paper plate na my ibat-ibang street foods.Bahagya akong natigiln ng maalala ko siya.Siya ang palagi kong kasama tuwing kumakain ako nito,kahit noong unang beses niya ako inaya lumabas ito rin ang kinain namin...I miss him.

"Di mo ba gusto?"pukaw niya sakin,mabilis naman akong umiling habang winawagayway sa ere ang mga kamay.

"No,actually its my favorite."pinilit kong ngumiti.

"Natulala ka kasi."

"Im sorry,may naalala lang ako."sinikap ko pa ring pasiglahin ang boses ko.

Di na ako nahiya pang kainin ang dala niya ng alukin niya ito sakin

"I have a question."tawag niya sa pansin ko habang kumakain kami.

"What is it?"

"Do you think I need to tell her my feelings?"diretso ang tingin niya sa mga mata ko ng tanungin niya iyon.

"May dahilan ba para hindi mo gawin iyon?"sagot ko habang ngumunguya.

"She likes someone else."

"Luke,if you know that she's already happy with that someone else,maybe its better it di ka na papasok sa eksena..."

"What is she's not?"

"Then,ikaw lang makakasagot sa sarili mong tanong.But for me,its better to try and fail than to fail doing nothing at all."nakangiti kong sabi.Tumango naman siya ng bahagya sakin saka muling nagpatuloy sa pagkain.

Di ko lubos maisip na magsha-share siya sakin,at humingi ng advice,to think na ngayon lang kami nagkausap ng matagal.Di naman pala siya nakakatakot,mabait at magaan rin siyang kasama kahit pa nga di naman siya mahilig magsalita.

Di na rin kami nagtagal sa lugar at bumalik sa sa sasakyan.Kahit papano,kahit saglit,nakalimutan kong mga iniisip ko.

Tahimik lang rin kami pareho habang nasa bayahe,pero di gaya kanina mas magaan ng aura sa pagitan namin.Kahit lagi pa rin siyang seryoso at walang kibo di na ako natatakot kausapin siya.Abala siya sa pagmamaneho habang nakatuon lang ang tingin ko sa labas.

*Ringggg
Agad ko namang hinanap ang phone ko sa bag na nasa lap ko.

Incoming call...kuya...

"Hello kuya..."

"Saan ka na?"

Bahagya ko munang sinulyapan si Luke na tutok lang sa unahan ang tingin.

"Pauwi na kami kuya,may dinaanan lang kami sandali."

"I know,Luke texted me."

"Ah,ganon ba.Nasa bahay ka na ba?"

"Malapit na rin."

"Sige kuya,ingat ka pag-uwi."

"Thanks,ikaw din bunso.Regards to Luke.Bye!"

Agad niya rin namang binaba ang phone.Bahagya ko namang sinulyapan ang binata habang sinisilid sa bag ang phone ko.

"Kuya's asking you."nakangiti kong sabi,bahagya lang naman siyang tumango.

Di nagtagal ay inihinto niya ng sasakyan sa tapat ng gate namin,mabilis siyang bumaba para pagbuksan ako.

"Salamat."sabi ko matapos bumaba,lumapit ako sa may gate ramdam ko namang pagsunod niya.

"Salamat ulit Luke,sa paghatid saka sa oras mo na rin."nakangiti kong sabi ng humarap ako sa kanya.

"Thanks din sa pakikinig."tipid ang ngiti niya,tumango naman ako sa kanya.

"Sige uwi ka na,baka gabihin ka pa."tumango naman siya at agad ding bumalik sa sasakyan.

Ibinaba niyang glass window sa side ko saka muling tumingin sakin.

"I'll go now."

"Sige,ingat ka!"nakangiti kong sagot habang ikinakaway ang isang kamay.

Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa mawala na sa paningin ko ang sasakyan niya.Akmang bubuksan mo ng gate ng may mahagip ang tingin ko,isang bulaklak ng daisy sa bakuran namin.

Naupo ako sa harap noon saka hinawakan ang bulaklak,pinagmasdan ko iyon.This flower means so much to me.

*Flashback
"From now on,daisy ng favorite kong flower."nakangiti kong sabi sa kanya habang inaamoy ang hawak na pulang bulaklak.

"Hindi ba White rose ang favorite mo?"

"Second na lang yun,daisy na ngayon.Daisy kasi binigay mo sakin eh."malawak ang ngiti ko habang nakatingin sa kanya.

"Ikaw talaga.Pinitaa ko lang yan sa bakuran niyo."agad naman akong sumimangot.

"Panira ka naman eh,nagmo-moment na nga ako."pagtatampo ko sa kanya sak tumalikod na sa kanya.

Nakakailang hakbang pa lang ako ng muli ko siyang lingunin.

"Bigay mo pa rin to no."muli akong ngumiti ng sabihin ko iyon,sinagot niya naman ako ng matamis niyang ngiti.

'From now on,I love Daisy na!'
*End of Flashback

Pinunasan kong luhang di ko namanlayang pumatak na pala sa pisnge ko.Bahagya pa akong napangiti,what a a great memories we have.

Tumayo na rin ako,akmang bubuksan ko ng gate ko ng maramdaman kong tila may nakamasid sakin.Di ko alam kung bakit pero kusang lumipat ang tingin ko sa bintana ng harap ng bahay nila...I saw him.

Nakamasid siya sakin mula sa bintana,blangko ang muka niya.Di ko magawang magalit sa kanya sa kabila ng pagtalikod niya sakin,nas lalo lamang akong nananabik na makasama at makausap siya.

Ilang sandali rin kaming nakatitig lang sa isat-isa ng kumilos na siya.Binitawan niyang hawak na kurtina at tuluyan ng tumalikod.Di ko pa rin inaalis ang tingin ko roon kahit wala ng kahit anino niya.

Di ko alam kung gano ako katagal sa ganoong posisyon.Ng makumbinsi ko ng sarili kong di na siya muling sisilip pa,agad ko na ring binuksan ang gate saka pumasok.

'Nate...'

Nate's POV
'Im f*cking miss her!'

~~~~~
[Hello...dapat ba maging manliligaw si Luke or not?Ayaw ko kasi siyang saktan.😣Comment po.]

Im in Love with my Brother's Best-friendWhere stories live. Discover now