Mukang sa first class ko rin ang tungo niya dahil iisa lang kami ng binabagtas na daan.Ng makarating siya sa harap ng klase ko kusa siyang tumigil at bumaling sa direksyon ko.

Di ko mapigilang mapayuko habang papalapit ako sa kanya.Huminto naman ako ng makalapit ako sa kanya.

"Th-thank you Luke."mahina kong sabi habang nakayuko.

Agad naman siyang humakbang papalayo kaya't nasundan ko na lang siya ng tingin.Bakit ganon yung lalaking yun?Masyadong seryoso tapos magbibitaw ng mga salitang di ko maintindihan.

Pumasok na rin ako ng room ng makalayo na siya at nagtungo sa sariling upuan.Di pa man ako natatagalang nakaupo ng may marinig akong nagsalita.

"Grabe siya girl!After ni Nate,si Luke naman."

"She's such a flirt."

"Yeah right,di na nahiya!"

Nasa harapan ko lang sila,are they aware that Im clearly hearing them?Pinilit ko na lang di pansinin ang mga sinasabi nila.Wala silang alam pero bakit ang dali sa kanilang mang-judge?

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko.I should focus to my studies,in order to be distracted sa mga issues nila sakin.

Naglalakad ako ngayon papunta sa CR,break time pa naman kaya't sandali kong aayusin ang sariling muka.Mabagal ang mga hakbang na ginagawa ko,di pa rin maalis sa isip ko si Nate!

Kusang tumigil ang mga paa ko sa paghakbang ng makita ko siya...walking towards me.Biglaan ang pagbilis ng tibok ng puso ko,excitement and kaba ang nararamdaman ko habang iniintay ko lang siyang makalapit sakin.

Di siya sakin nakatingin,blangko ang mula niyang diretsyo ang tingin.

"Nate..."tawag ko sa kanya ng halos isang hakbang na lang ang pagitan namin.Halos manlambot anh mga tuhod ko ng tila di niya ako napansin.

Mabilis kong hinawakan ang kamay niya bago pa man siya tuluyang makalayo,dahilan para mapahinto siya.

"Nate,let's talk!Please!"mahina kong sabi,halos nagmamakaawa ng boses ko ng sabihin ko iyon.

Di niya ako nilingon.Lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kamay niy ng maramdaman kong babawiin niya na iyon.

"Nate,please.We need to talk.Wag naman ganito."di ko maitago ang pagkabasag ng boses ko,dalawang kamay ko ng nakahawak sa braso niya.

"I dont deserve you!"mahina niyang sabi saka pilit inalis ang pagkakahawak ko sa kanya.

Naiwan akong nakatulal ng maglakad na siyang papalayo.Di ko na pinigilan ang luhang nagpipilit kumawala.Wala na akong pakialam kung may nakakakita sakin o wala.

Bago siya ganon?Yun lang ang kaya niyang sabihin?Di niya ba sasabihin kung gusto niya ba ako,kung ginusto niya ba ako kahit sandali!Bakit kailangan niya akong iwan sa ere ng walang kahit na anong nalalaman about sa totoong nararamdaman niya.Di ko na alam ang gagawin.Di ko na alam ang dapat isipin.Dapat ko bang ipilit ang sarili konsa kanya?O kaya niya piniling lumayo na rin ay dahil sa wala lang sa kanya lahat ng ipinaramdam niya sakin.

Pinahid kong mga luha sa pisnge ko saka nagtungo sa CR.Sandali kong pinagmasdan ang sarili ko.Malungkot ang mga mata ko.At di ko rin alam kung kailan ako muling sasaya...kung kailan magiging maayos ang lahat.
***

Mabigat ang mga hakbang ko habang palabas ng room matapos ang last class ko.Halos ayaw ko ng kumilos dahil sa pagod na nararamdaman ko.

"Aray."nasapo kong sariling noo ng bumangga ako sa nasa harapan ko,nag-angat naman ako ng ulo para tignan kung sino ito.

"How will you be able to manage yourself in that attitude?"seryoso niyang sabi,muli naman akong napatungon.

"Sorry."tumalikod na naman siya at nagsimulang humakbang,sumunod na lamang ako sa kanya.

Halos doble ata ang oras na nakain namin bago makarating sa parking area dahil sa bagal kong maglakad.

"Luke..."Tawag ko sa kanya ng nasa harapan na kami ng sasakyan niya,tinignan niya lang ako ng seryoso.

"Nagmamadali ka bang umuwi?"kunot-noo naman ang sinagot niya sakin.

"Ayaw ko pa kasi unuwi."

"Where do you want to go?"napayuko maman ako ng magtanong siya,san nga ba!

"I don't know!"mahina kong sagot,tumalikod naman siya sakin saka sumakay na,sumunod na lang ako sa kanya.

Napapagod na ako,isang buong araw na puno ng sakit ang nangyari ngayon.Sinandal kong sarili sa upuan saka tumuon sa labas ng bintana.

"Umuwi na lang tayo,pagod ka na rin."

"But I want...I want to breath."mahina kong sagot saka pinikit ang sariling mga mata.

Rinig kong pagbuntong hininga niy bago muling nagsalita.

"Ok then,just rest."

'Nate,nasaan ng someday na sinasabi mo?'

~~~~~
[Dapat ba may so-kind-so-perfect na third wheel?Ayaw ko kasi na may nasasaktan kahit sa story lang.
Comment po...]

Im in Love with my Brother's Best-friendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon