Bumangon na rin ako,"Kung gusto mong maligo ay gamitin mo na lang ulit yung damit ko" Lumabas na siya ng kwarto. May nasabi ba akong ikinagalit niya? Maganda naman ang gising niya pero bakit bigla na lang siyang hindi namamansin?

Pagkatapos kong maligo ay lumabas ako para hanapin siya. Nakita ko siyang nasa kusina,"Anong gusto mong kainin at ipagluluto kita."

Alam kong narinig niya ako pero hindi man siya lumingon. Hindi ba niya ako titingnan?

"Ikaw na bahala,Sandra." Balik na naman sa Sandra ang tawag niya. Akala ko ba 'baby' ang tawagan namin.

Nagtungo na ako sa ref. niya para maghanap na pwedeng lutuin. Kumuha ako ng bacon, hotdog at itog para iprito. Minsan ay tumitingin ako sa gawi niya pero hindi pa rin siya nakatingin sakin. May nagawa ba akong ikinagalit niya?

Natapos na akong magluto at nilagay ito sa lamesa. Nagtimpla na rin ako ng kape at orange juice dahil hindi ko alam kung ano ang iniinom niya sa umaga. Ayaw naman niya akong pansinin baka hindi rin niya ako sagutin kung magtatanong ako.

Nagsimula na kaming kumain pero wala akong gana. Hangga't hindi ko alam kung anong problema namin.

"Clyde-"

"Baby, pwedeng dito ka na lang tumira?" Nagulat ako sa sinabi niya. Akala ko hindi siya seryoso sa sinabi niya kanina.

"Clyde, alam mong hindi pwede ang gusto mo."

"Bakit hindi pwede,Sandra? Akin ka naman di ba? Bakit hindi ko pwedeng angkinin ka at tumira dito kasama ko?" Nakakunot na ang noo niya. Hindi niya ba makita ang problema.

"Boyfriend lang kita, Clyde. At hindi ko kayang ibigay ang gusto mo." Natahimik siya at hindi na muling tumingin sakin.

Kahit mahal ko siya ay hindi ko kayang makipagleave-in sa kanya,"I have a better idea how we are going to solve this  problem, Sandra."

"What is it?"

"Let me change your name with mine. In that case, there are no restrictions or limitations when we are together and you will be officially mine." Nabitawan ko ang hawak kong kutsara. Nagpopropose ba siya?

"What do you think, baby?"

Napatayo ako sa upuan ko at hindi makapaniwala sa sinabi niya,"Nagpopropose ka ba, Clyde?"

Tumayo rin ito at lumapit sakin,"Yes. Kapag tinanggap mo ang proposal ko ay magiging akin ka na talaga. You can't run away from me and you will stuck with me,baby"

Hindi ako makatingin sa kanya. Hindi ko akalain na ganito siya kaseryoso sa relasyon namin. Mahal namin ang isa't isa pero hindi pa ako handa."I c-can't."

Hinawakan niya ang pisngi ko para tumingin sa kanya, "I thought so. I know that you are not ready to face another stage of our relationship but remember this, your future is to be my wife and to be the mother of my child, baby"Then he kissed me. This man will be my partner someday and I know that I can't love anyone else but him.

Humiwalay ako sa kanya,"Bakit ayaw mo akong pansinin kanina?"

"Sa tingin mo ba kaya pa kitang tingnan pagkatapos mong maligo at suot mo pa ang damit ko. Hindi mo lang alam kung gaano ko kinokontrol ang sarili ko na pigilan itong nararamdaman ko."

Nagtaka ako sa sinagot niya, "Ano ba ang nararamdaman mo?"

"Its a guy thing. Only man can understand what I've been through when a girl went out of the shower wearing their clothes" Ano yun? Itanong ko kaya kay Brix para malaman ko naman kung ano ang pinagdadaanan niya.

Tumunog ang cellphone ni Clyde. Tinitingnan ko lang siya habang kinakausap niya yung tumawag sa kanya.

"Is he okay?" Hindi kaya si Lance yung pinag-uusapan nila.

My So Strict Boss (Bachelor Series)Where stories live. Discover now