[22] Unang dinner ni Mico sa bahay ko.

Start from the beginning
                                    

Umakyat ako sa kwarto ko at ang unang comment niya..

"There's no picture of Enzo?!? What kind of stalker slash obsessed fan girl are you?!" 

ANO DAW?! Iyon na ba ang tingin niya sa akin?! Kaya ba gusto niya tingnan ang kwarto ko?! Sa loob ko gusto ko na siyang murder-in sa kwarto ko pero wala. Nandito lang ako. Nakanganga habang pinapanood ko siyang iinspect ang kwarto ko. 

"You're room is kinda boring. =__="

ANO BANG INEEXPECT MO?! May Zoo ako sa kwarto? O kaya mga clown na aaliw sa'yo?! 

"Bakit di ka nagsasalita.. Oh my.. Don't tell me you're having dirty thoughts about you and me.. In the same room."

At seryoso siya noong sinabi niya yan. Umatras pa siya sa akin ng onti. 

LITERAL NA NGUMANGA ANG BIBIG KO. 

Yon na ata ang pinaka--walang-word-ang-makakadescribe na sentence na sinabi niya!! 

"ANG KAPAL NG MUKHA MOOOOOO!!!!!" Tapos pinagbabato ko siya ng unan!  

"What?! Binuko ba kita?! Stop! Ouch! You're hurting me! Stop!!"

"Ang yabang mo! Ang kapal mo! Baka ikaw ang nagiisip ng ganun! Ni minsan ata hindi tumawid sa isip ko yun!"

"Bakit tatawid?! May bridge ba yan?!"

"AAAH NAKAKAINIS KA! Pati joke mo, corny!! Nakakainis ka! Bakit may ganyang tao?! Nakakainis ka!"

Pinagpapalo ko siya doon. Lahat ata ng murder plans ko nauwi dito. Sa pagbato at paghampas sa kanya ng unan. Ang sarap ilabas ng stress ko sa kanya! 

"Hope! Mico! Anong nangyayari dito?!" sigaw ni Ate.

Napatigil tuloy ako sa pagpalo, si Mico naman mukhang tuwang tuwa sa pagakyat ni Ate.

"Bakit mo sinisira ang unan natin?! Kung hahampasin mo si Mico gamitin mo yang kamay mo! Hindi yang maninira ka ng gamit!" 

100 Steps To His Heart [Published Book]Where stories live. Discover now