[22] Unang dinner ni Mico sa bahay ko.

En başından başla
                                    

Nanlaki ang mata ko. 

"Huh?! Bakit?!"

"Dinner. Tomorrow. My house." 

Nganga + Nanlaking Mata = (O)o(O)

"Go down! Faster!" Binuksan ko naman agad ang pinto at bumaba na agad. 

Nakita ko siyang bumaba at papasok na sana sa may gate namin kaso binlock ko ang way niya tapos nagawkward smile, lumipat siya sa may kanan para lumusot tapos pumunta din ako sa kanan at nagpaulit ulit pa yun hanggang sa..

"MOVE! STUPID!"

Halos napaatras ako. Ano ba! Galit na galit?! Pinindot niya ang doorbell at si Ate ang bumulaga sa amin. 

"Oh.. Mico? Saan si.. Hope? Bakit kayo magkasama? Aba gabi na ah." Sumingit naman ako sa dalawa. 

"Sinundo lang po ako at inihatid, uuwi na din po yang si Mico. Hindi ba, Mico?" Tinaasan ko siya ng kilay na sinasabing umoo kaso..

"Sabi mo papakainin mo ko sa bahay mo dahil gabi na at hinatid kita? Ate sinabi niya yun." 

"ANONG SINABI--" 

"Hope naman, sige na pakainin mo na yang si Mico at hinatid ka pala. Pasok ka na!" sabi ni Ate! Tapos dumila sa akin si Mico! Aish! Higitin ko yang tenga mo eh! 

Pumasok lang kami naghello siya kay Lola na nagaayos ng table tapos lumapit sa akin.

"Where's your room?" 

"Bakit?!" 

"I want to see your room."

"At bakit?!"

"Less talk, More show. Okay? Move!" Nakakainis talaga umasta 'to! 

Laging naghahari harian! 

Pero ang pinagtataka ko lang.. Hindi ako makaangal sa bawat utos niya. :/ 

100 Steps To His Heart [Published Book]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin