Prologue

1K 41 4
                                    

[2] Advetures Of Exo: The Prophecy

Written by Jenn S.

All Rights Reserved © 2016.

No parts of this story may be reproduced or transmitted by any means without the author's consent. Plagiarism is a crime.

All the characters, places,events are merely fictional.

■■■

Prologue

"Eto ang huling misyon na ipakikiusap ko sa inyo na gawin natin ng sama sama." Mula sa pagkaka-yuko ay iniangat nya ang lanyang tingin sa mga kasama.

Ang iba ay nakatuon ang atensyon sa kanya habang ang iba naman ay iniiwas ang mga mata.

"Gawin nyo lang ito at ipinapangako ko na hahayaan ko na kayong bumitaw sa tungkulin ng isang itinakda at ako na ang aako ng lahat ng inyong responsebilidad."

Hindi makapaniwala ang ilan sa mga binata at ang iba ay tila hindi natitinag.

"S-Suho hyung.",sambit ni Chanyeol sa pangalan ng binata at nautal pa dahil sa pag-aalala.

Nginitian lang sya nito. Isang ngiting naniniguradong magiging maayos din ang lahat.

Isang mabigat na tungkulin na ang maging pinuno sa mga kasamahan, isama na ang pagiging pinuno ng buong planeta sa hinaharap.

Paano pa kaya kung iaatang pa ang lahat sa kanya nang iilang tao lang ang tutulong.

"At kung ayaw nyo pa rin. Ako na mismo ang magbibitaw sa pwesto."

Doon na sila natigilan.

Kung mangyayari nga ito. Siguradong magdudulot ito ng malawakang krisis.Magsisimula sa pag-alis ng lahat ng miyembro at wala nang matitira upang maging pinuno.

Magkakaroon ng panibagong kaguluhan.

Masasayang ang mga buhay na ibinuwis noong digmaan pati na ang buhay ng mga dalagang naglitas sa buong planeta.

Wala pa ring reaksyon ang iba. Tila mga naging bato na simula nang matapos ang gyera.

Ilang minuto pa ay napansin ni Suho na napa-pikit ng mariin si Kris.

Muli syang napangiti.

Alam nyang wala nang mas hihigit pa sa halaga nila pagdating sa kanyang mga kaibigan.

Ito nga siguro ang nagagawa ng pag-ibig.

[2] Adventures of Exo: The ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon