!Invoker!

18 2 2
                                    

POV -~> Kael'a

Bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon na kaylangan ko gamitin ang kapangyarihan ko?

Gagawin ko ba talaga? Alam kong masisira ang buhay-estudyante ni Annaila kung malalate siya ng kahit isa sa klase ni Sir Moles. Big deal ang pagiging late kay Ms. Dorial at Sir Moles.

Wala namang mangyayari kung gamitin ko ang Amnesti Shot dahil mabubura lang din naman ang alaala nila at di nila malalaman ang tungkol sa kapangyarihan ko.

Kaya siguro... Okay lang naman.. Siguro.

"Gawin niyo nalang!" Tinignan ko sila ng isang tinging naghahanap ng tiwala.

Tumango sila.

POV -~> Jouhan

Nasa harapan na kami ng student's door. Bubuksan na ni Alex yung pintuan. Nakita kong nanginginig ang kamay niya habang hawak ang doorknob.

"Hindi ko alam pero gagawin natin?" Tanong sakin ni Alex na balisa.

Feeling ko may mangyayari. Hindi kaya isang attitona si Kael'a at may kapangyarihan?! Imposible. Last year naman walang kakaiba dito kay Kael'a!

Weird lang talaga siya minsan!

Minsan hindi niya alam kung ano yung pagkain niya. Nung nagfieldtrip, nabilib siya sa bus dahil malaki daw kaysa sa school bus. Sinamahan pa namin siya para lang bumili ng cellphone dahil wala daw siya non. Weird, sa panahon nga ngayon kahit 5 years old may sariling cellphone na eh!

Sigurado naman akong mayaman si Kael'a dahil nakapagenroll siya dito sa Rovieline Academy.

"Tara na!"

Binuksan niya na. Pumasok kami na hindi pinapansin kahit sino.

"Oh? Anong... GINAGAWA NIYO?! FAFASOK KAYO NANG GANYAN SA HARAPAN KO FA?!" Sumagaw na si Sir Moles. Sure na akong papatawag na kami sa POD. Mga kaklase ko naman nagpipilit iurong ang tawa dahil sa P-F na pagsasalita ni Sir. Tumingin ako sa likod ko. Wala si Kael'a! Pinaglaruan lang kami! Siya lang nakatakas! Pinagmukha lang kami ditong ewan!

Tumungo agad ako sa upuan ko. Si Alex naman naiwan sa likod at natatakot na.

"S-s-sorry sir! Hindi na po mauulit!" Hindi niya na ginawa yung plano at humingi ng tawad kay sir.

Hihingi na rin sana ako ng tawad nang biglang.... Pumasok si Kael'a....

WTF?

May hawak siyang....

Alam ko yung librong yun ah!

---

POV -~> Kael'a

Wala na talaga ako magagawa. Nandito na ako.

Nilabas ko na ang Invokelis, isang libro na ginagamit para makapaginvoke ako. Isa akong Invoker!

Hinanap ko na ang Amnesti Shot at nagpalabas na ako ng isang Electo at isang Aquo.

"Invoke!" Pinagsama ko ang dalawang Elements at nagkaron ako ng isang kapangyarihan, ang Amnesti Shot.

Pumasok na ako sa classroom.

!Feeler!Where stories live. Discover now