!Elmae!

36 1 0
                                    

POV --~> Jouhan

~4:30 AM

Tiktilaok!
Habang ika'y inaantok!
Meow meow!
Kinalmot nang natanaw!
Tuko! Tuko!
Late na! Late na ang loko!
Kokak! Kokak!
Normal na umaga'y nawasak!
Pasalama't kang wala kang aso.....
Pero ngayon meron na. Hohoho!
ARRFFF! ARRRFF! AARRRFF! AAARRFFTT! AWHOOO! AWWHOOO!

Buwiset na alarm clock to. Kaabnormalan! Sino ba namang hindi gigising sa ganyang klaseng alarm clock. Kahit ata kapitbahay naaabala sa ingay. Hahaha! Sanay na akong magising ng ganito kaaga pero sana naman hindi ngayon. Automatic tuloy yung tayo ng mga batang kasama ko dito sa bahay-ampunan.

Feeling ko 1 hour lang yung tulog ko sa sobrang pagod ko kagabi. Di ko mafeel na nakatulog ako ng halos 7 hours. Kulang talaga!

Hindi ko magalaw yung likod at balakang ko sa sobrang bigat ng katawan ko. Mataas pala talaga ang gravity force pag umaga. Hindi ko madilat ng matagal ang aking mga mata. Sadyang mabigat at di mabuhat ang talukap ng mga mata ko.

Pero dahil nga sa will kong mapatay yung hinayupak na alarm na hindi pinatay ng hinayupak na mga bata kasi hindi nila abot dahil nasa taas ng kabinet at kaylangan ay ako pa ang magpapatay, nag ala goku ako! Alam mo yung kahit alam mong hindi mo kaya pero gagawin mo kasi may goal kang gustong magawa. Tumayo ako at pinatay yung alarm clock.

Pagkapatay ko dun sa maingay na alarm clock. Dumilim yung paningin ko at biglang nahilo. Nabigla yung utak ko. Nabigla yung katawan ko. Para akong nakadrugs at naghahalisuneyt. Napahawak ako sa gilid ng kama. Napahawak nalang ako sa ulo ko ng ilang sigundo at nang nawala yung pagkahilo ko humiga agad ako sa kama ko.

Natulog ako. 30 minutes palang may nag-gising sakin. Si Dianne, isang scholar sa Rovieline Academy. Grade 5 palang siya pero parang pang highschool na yung isip neto. Parehas kami ng school kaya syempre siya lang yung magtatanong sakin. Wala naman kasi si Eldri dito sa bahay.

"Kuya Jouhan, di ka papasok? Ipapaalam na kita kay Mame Adels?" Inalog-alog yung katawan ko. Ako naman tong sirang-sira yung araw. Pero pasensyahan ko na to. Di naman niya kasalanan tong pagkasakit ng katawan ko.

"Magpapalate nalang ako ng kaunti. Sabihin mo kay mame. Salamat Dianne. Sabihin mo masakit yung katawan ko. Hindi na ako makagalaw kahit kaunti."

Nagpaalam na siya at gumayak papuntang school. Ako naman tinitignan yung orasan. Nagiisip ako kung ilang oras ako puwedeng matulog.

Napagpasyahan kong 2 hours. Bale 7:00 ako magigising! Tama! At makakapunta ako dun mga 7:15! Siguro okay na yun. Hindi pa naman subject ni Ms. Dorial yung time na yun. 9:30 yung time niya. Si Sir Moles naman ay 1:30 PM pa! Safe ako sa lahat ng terror.

----

7:00

Nagising ako na naantok parin at kulang parin ang tulog. Kaya napikit ko ang aking mata. Pagnapikit mo na, hindi mo na yun madidilat. Kaya natulog ulit ako.

----

Nagising na ako. Umupo ng saglit sa kama at tinakpan ang aking mga mata. Nagstretch ako ng katawan. At pagkakita ko sa orasan ay natigilan ako ng ilang sigundo at biglang takbo sa banyo. Mabilis akong naligo at kumain ng malamig na pandesal sa lamesa.

!Feeler!Where stories live. Discover now