xMCB 27x

103K 1.4K 65
                                    

Happy 9k readers! :)

Twenty Seven

September 10

Saturday

-3RD POINT OF VIEW-

"Just wanna tell you na, there are rumors that I heard from some Tourism students about Sofia and Kiejan. Sabi ng iba, nagbreak na daw." sabi ni Kim habang hinihintay ang order nila.

Nasa Restaurant sina Jan, Yhanna, Mich at Kim. Nagkukwentuhan sila habang kumakain.

 

"Yeah I know. Sinabi na sa akin nina Mich. Bakit daw ba?"hindi na napigilan itanong ni Jan. Sa masyado na siyang na-curious e.

"Hindi ko din alam eh. Pero Jan, sa tingin ko, kailangan mo ng sabihin kay Nate ang tungkol sa pagkalat ni Sofia sa pictures para aware siya. Kilala ko si Sofia, ayaw niyang nalalamangan siya ng iba. Gusto niya siya lang ang may hawak ng korona pero dahil nakuha mo ito, gagawin niya ang lahat mabalik lang sa kanya ang spotlight."

Haaaay. Iyan na naman ang usapan nila. Lagi na lang bang pag-uusapan? Iritadong saad niya sa kanyang isipan.

"Babae! Kelan ba sila mag-uusap?"pag-iiba ni Yhanna nang magpasya si Kim na magcr muna.

 

"Tinatanong pa ba 'yan?"sagot niya habang nakatingin sa dalawang taong kapapasok ng restaurant.

"Uy girl, sigurado ka ba sa ginagawa mo?"kahit kelan talaga walang kwenta ang mga kaibigan ko saad ni Sofia sa isip niya.

"I know what I'm doing, ok? Trust me."may namuong ngiti sa labi niya at lumabas na ng kotse.

Magkikita sila ni Nathan sa restaurant na lagi nilang kinakainan dati.

As usual, nanduon na agad si Nathan sa may bench. Mukhang mas mapapadali ang lahat ah. nakakalokong naisip niya.

"Sofia..."tumayo siya at lumapit kay Sofia. Oh gosh. He really likes her.

"Hi Nate."binigyan lang naman siya ng napakatamis na ngiti ni Sofia. You know, no one can resist her beautiful smile. SABI NIYA.

"Let's go?"tumango ito at pumunta na sila sa restaurant.

"Sofia.. Totoo bang break na kayo?"sabi na nga ba't itatanong niya 'yan e. Huminto sa pagkain si Sofia at itinuon kay Nathan ang tingin.

Yes, hindi na siya sikat so, aanhin ko pa siya?pero syempre hindi iyan ang sinabi ko niya.

"Ahh oo. M-May m-mahal na daw siyang iba kaya napagdesisyunan na naming maghiwalay."wari'y yumuko ito dahil nalulungkot pero ang totoo'y natatawa siya sa sinabi niya. Nagkunwari pa kasi siyang nauutal.

My Contract Boyfriend [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon