Chapter 2

10.2K 177 15
                                    

Weekend ngayon wala naman masyado ginagawa sa kumpanya.

Nagpaalam ako kay Daddy na di muna ako papasok dahil gusto kong magkaroon ng quality time kay Alonzo.

Gusto ko magpunta kami sa Mall. Matagal din namin di nagagawa ito.

Ayokong maranasan niya ang naranasan ko dati.

"Alonzo wake up!" ang gising ko sakanya

"Hhmmm.... later" ang sabi nito

"Alonzo i want to talk to you. Wake up"

"Dad please mamaya nalang masakit ulo ko" ang sabi niya sa akin.

Meron siyang hang over. Gusto kong malaman bat siyang uminom at sino kasama niya at saan siya nagpunta.

Di din nagtagal ay tumayo na ito pero dinadaing niya na masakit ang ulo niya.

Nagpunta kami sa kusina doon kumuha ako ng ice pack at inilagay sa ulo niya.

Nakahain na din ang pagkain sa lamesa. Habang kumakain kami ay kinakausap ko siya.

"So tell me saan ka nagpunta kagabi?" ang sabi ko sakanya.

"Sa bahay nila Geo" ang sabi nito

Kilala ko si Geo isa sa mga kaibigan niya. Di ko personally kilala si Geo dahil isang beses ko palang nakita ang barkada ng anak ko.

"Ano pa?" ang tanong ko sakanya.

"Yun nagkayayaan maginuman. Hinatid ako ni Hans dito and that it" ang sabi nito.

"Wag ng mauulit yun. Naiintindihan mo ba ako?" ang seryosong tanong ko sakanya.

Tumango lang siya at pinagpatuloy niya ang pagkain. Sinabi ko din sa kanya na lalabas kami at pupunta sa mall pumayag naman ito.

Pinainom ko na din gamot para mabilis itong maalis ang hang over nito.

Habang hinihintay kong matapos magbihis si Alonzo ay napangiti nalang ako ng maalala na ni minsan ay di nagawa ni Daddy sa akin itong ginagawa ko sa anak kong si Alonzo.

"B-bakit???!!!!!" ang sigaw ko sakanya.

Alam kong nagulat siya sa pag sigaw ko sakanya. Kakauwi ko lang namin galing sa hospital. Sumasakit pa ang hiwa ko sa braso pero mas masakit ng malaman ko na may relasyon sila ni Jordan.

Di ko alam kung ano ba ang mas nasasaktan ako. Na malaman na may relasyon sila o may mahal ng iba si Jordan?

"Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin! Bakit ka pumatol kay Jordan na bestfriend ko pero hindi yun ang masaklam isa siyang Callboy!!!" ang sigaw ko sakanya isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kanya.

"I-im s-sorry Albie!" ang sabi nito akmang lalapit siya sa akin.

"Wag kang lalapit sa akin!!! Nakakadiri ka! Sarili kong ama pumatol sa isang lalaking bayaran!!!!" ang galit na galit kong sabi sakanya.

"Albie pakinggan muna ako" ang pakiusap nito.

"S-sige papakinggan kita" ang sabi ko sakanya.

Nagsimula siyang magkwento. Habang sinasabi niya kung paano silang nagkakilala ni Jordan ay parang akong pinagsasaksak sa puso. Sobrang sakit di ko maintindihan ang nararamdaman ko. Nandidiri ako sakanila. Galit na galit ako kay Jordan.

All this time magkakilala na pala sila ni Daddy.

All this time may nangyayaring nakakadiri sa kanila.

Its All About One ManWhere stories live. Discover now