Chapter 7:

4 0 0
                                    

Chapter 7:

Ang init ah? Hm... Parang sinisinagan ng araw yung cheeks ko, hmm.. Ang sarap sa pakiramdam. Ang warm. Unti-unti ko ng dinilat mata ko at nakita ko na umaga na pala. Ang ganda ng sinag ng araw mula sa window ng room ko. Tinignan ko orasan.

“7:32 AM”

Haayyy. Ang aga pa pala. Walang pasok thank God! ^_^v It’s Sunday. Ano kaya pwede gawin? Syempre church mamayang 10am. Then what’s next for a girl like me? Hmm… Ah! Alam ko na! :D

Bumaba na ako ng room ko at naalala ko na nasa guest room parin si Chris. Gagawan ko na ng part 1 yung pakikipagbati ko sa kanya. Linis konsensya mga ganon? Yun kasi naisip kong gawin. After church, yayayain ko siya….

Yayayain ko siya…

Hmm..

Saan?

Oo nga, saan nga ba? Tsk! ‘Di ko pa pala naiisip, dibale. Mamaya na yan. Part 1 muna ng plan. Ipagluluto ko siya ng breakfast.

Pumunta ako sa kitchen at, imbis na siya ang isu-surprise ko, ako ang na-surprise. Nakita ko si Chris sa kitchen na ngluluto.

“C-Chris!”

“Uy, Ada.  Goodmorning.” Sabay kiss sa cheeks ko.

“O-Okay ka na ba Chris? Bakit nagluluto ka? Asan si ate Inday?” Nilagay ko yung palm ko sa noo niya na parang tinitignan kung mainit parin ba siya.

“Umalis si ate Inday. Nagbayad ng bills. Oo, ok na ako. Kaya nga nakilos na ako eh. 6am pa kasi ako gising and wala akong magawa. Kaya ito, pinagluto kita ng breakfast. At tamang tama ang pagbaba mo. Luto na siya. Tara kain na. J” Tumango na lang ako. Ang cute niya nung niyayaya niya ako, ang sweet nung smile niya.

Parang wala akong nagawang masama sa kanya kahapon? Parang nagka-amnesia siya at hindi na maalala mga nangyari. At ang sigla niya. Parang walang sakit.

“Chris, sorry.”

“Ha?” Napalingon siya sakin at halatang gulat na gulat sa narinig. Infernes kahit ako nagulat.

“Sorry. Sorry for what happened yesterday. Hindi ko talaga sinasadya na pakainin ka ng maanghang. Syempre in the first place hindi ko naman alam diba? So, yun nga. Sorry.” Tumungo ako dahil sa kahihiyan.

Lumapit siya sakin at hinawakan yun chin ko tapos tinaas niya yung muka ko.

“Ada, ever since naging tayo… Weyt, let me re-phrase that. Simula nung niligawan kita, ang init na ng dugo mo sakin. Hindi ko alam kung anong nagawa ko sa’yo for you to hate me that much. Ang dami kong pahirap na dinanas sa’yo. Ang daming pangi-insulto, pag-papahiya, at pagtataboy ang naranasan ko…”

“Hep! Stop nga. So, pinapalabas mo ba na masama akong tao? Shucks ah.” ‘Di ko nakeri sorry. Kelangan lang talaga sumabat.

“No! Ada. Hindi yun ang point ko. My point is, kahit anong gawin mo hindi ako nagagalit sa’yo. Siguro nga kahit patayin mo ako ngayon hindi ko hahayaan na kasuhan ka ng parents ko eh. As in wala talaga. Hindi ako nagagalit sa’yo. Actually, parang nai-inlove pa nga rin ako sa’yo everyday eh.”

“Masokista ka ba?” (Hindi po yan pick-up ah.)

“No Ada. I think ito na nga kasi talaga yung sinasabi nilang love. Na kahit ano gawin sa’yo nung taong mahal mo, hindi ka makakaramdam ng galit.”

Napatingin lang ako sa kanya. Grabe, ano bang nagustuhan sakin ng lalaking ‘to? Bakit ganyan niya ako kamahal? Ginayuma ko ba ‘to? He’s way to perfect for me. May babae na deserving sa pagmamahal niya. At obviously, hindi ako yung babaeng yun.

YAMRTL (Ongoing Series)Where stories live. Discover now