Sir, You're Hot. -14

Magsimula sa umpisa
                                    

"Nothing, Sir," sinadya kong isagot.

He grinned. Lumapit siya sa kinatatayuan ko at isinandal ako sa likuran mismo ng pinto. "Are you challenging me, my dear student?" I heard him chuckled.

"Not really. Hindi lang ako sanay na tawagin kang 'Railey.'"

"Well, from now on, start training yourself to call me Railey. Ayokong isipin ng taong inaabuso kita."

"Eh ano pa nga bang ginagawa niyo sa akin?"

"Inaalagaan? Hindi pa ba halata?"

"How do you define inaalagaan, Sir?"

"This."

Like what he did yesterday, he placed a kiss on my lips. Damn. Kahit dampi lang ng labi ang ginawa niya, sobrang kinilig na ako. Nagiging bata ako sa ginagawa niya sa akin dahil kaya niyang paamuin ang isang tulad ko. Kung ganito lang naman ang mangyayari araw-araw, hindi ako magsasawang tawagin siya ng Sir.

"Dahil sa ginagawa mo sa akin, parang ayoko na lang umalis," banggit niya nang umupo siya sa sofa niya at sa tabi ng backpack ko. He is still biting his lips na para bang nang-aakit in a way na wala kang ibang choice kundi ang maakit.

"So anong plano mong gawin, S—este Railey?" muntik ko na ngang mabanggit ang Sir.

"Ulitin ko lang, 24 pa lang ako. I know you're 20. 4 years age gap, Rebecca. You don't have to emphasize it everytime. We're not in the academe. Just act as you are. I know how bad-tempered you are," this time, kinindatan niya naman ako. Damn this feeling. Hindi lang butterflies ang nasa loob ng tiyan ko. Parang meron ring tinadtad na flowers na hinaluan ng cinnamon at ilang pirasong honey.

"Whatever. Anon gang gagawin?" walang galang kong tanong. Ito naman ang gusto niya. "Aside sa let's-just-enjoy-this-feeling thingy mo?" dugtong ko.

Napangit siya ng slight. "Inaasar mo ba talaga ko?" at napatawa ko siya dahil sa sinabi ko.

"Nagtatanong lang, 'kaw naman," sagot ko naman. "How about movie? Anong meron ka?"

"Porn." He looked at me seriously. "Joke. Hanap na lang tayo from our cable channels."

"How about Disney movies?" excited kong sabi.

"So childish," he answered.

Umupo ako sa tabi ng bag ko. Actually, sa mahabang sofa ni Sir, tanging bag ko lang ang naghihiwalay sa amin. Napansin kong inusog niya ito at ibinaba. Kinuha rin ni Sir ang remote.

"Here," sabi niya sa akin. "Pumili ka na ng gusto mong panuorin," inabot niiya naman sa akin ang remote.

Nang hawakan ko ang remote na inaabot niya, hindi sinasadyang nahawakan ko rin ang palad niya. Ang lambot nito. Nang tinignan ko, mamula-mula pa. Para bang walang ginagawa kaya hindi mabahiran ng kalyo ang kamay niya.

"Sure," confident ko namang sagot.

Tumayo si Sir at nakita kong dumiretso siya sa kusina. Kahit pala nakatalikod siya ay napakagwapo niya pa rin. Ang perfect masyado ng hulma ng katawan niya at parang pinares ata kay Channing Tatum. Mas lalo akong naaakit sa mga balikat niya dahil akmang-akma ito sa laki ng braso niya. Bagamat magulo pa rin ang buhok niya, gwapo pa rin talaga siya.

Habang naghahanap ako ng pwedeng panuorin, may napansin akong isang makapal na photo album sa ilalim ng mababang lamesa niya sa tapat ko. Glass-made ang lamesa kaya kita ang nasa ilalim nito. Out of curiosity, kinuha ko ang photo album at binuksan. Kulay brown ang phot album na gawa sa recycled materials.

Nilapag ko ang remote sa lamesa at nagpokus sa nakuha ko ng isang passport at photo album. Mas pinili kong tignan ang photo album kesa sa passport.

"Railey... and Anna?" tanong ko sa sarili ko. Nakasulat kasi sa unang part ng photo album niya ang pangalan nilang dalawa. May date pa sa upper right portion na June 2010 siya isinulat.

Nang mailipat ko ito sa sumunod na pages, napansin kong puro larawan nila ni Ma'am Anna ang nakalagay roon. Puro magkayakap ang pictures nila. Bakas sa mukha nila ang ngiti na nangangahulugang masaya sila sa piling ng isa't isa. May quotes pa ngang nakasulat sa ibaba.

"I havefound the other piece of my heart which is keeping me alive," basa ko naman sa quote na 'yon. June 2010 pa rin ang date,

Sa mga sumunod na pages, napansin kong paunti ng paunti ang larawan nila. Nang makarating pa ako sa huling pahina, nagulat ako dahil kabaliktaran nito ang mga naunang larawan.

"Promises are not made to be broken; these are made in order to keep relationships much stronger. I'll wait, Anna. I am sure of that," mahinang basa ko. Tinitignan ko si Railey sa kusina, alam kong nandoon pa siya kaya nagpatuloy ako sa pagbabasa.

Hindi nga sila nagkakamali. May nakaraan nga si Sir Railey at Ma'am Anna. Para lang akong extra sa love story nila. Kaya pala nagseselos si Ma'am Anna ay dahil mahal niya si Sir. Eh kung mahal naman siya ni Sir bakit—

"Rebecca."

Tinawag ako ni Sir Railey. Naisara ko nang biglaan ang libro. "R-Railey?"

"Why are you holding that?" baritonong boses ang ipinantanong niya.

"O-out of curiosity?" patanong rin ang tono ng sagot ko sa kanya dahil sa sobrang kaba.

"Return it. Now."

Nang marinig ko na ang salitang 'now', nagmdali akong ibalik ito sa ilalim ng lamesa. Kinabahan ako sa expression ng mukha niya. Pero nawala rin ang kaba ko nang ngumiti siya.

"S-Sorry. Nadala lang ako. Nasanay kasi ako na walang ibang tumitingin niyan kundi ako."

"It's okay. Pwedeng magtanong? Kahit isa lang?" tumango naman siya kaya nagpatuloy ako. "Bakit hindi mo pa balikan si Ma'am Anna? And'yan na siya, 'di ba?"

"She broke her promise two years ago. I was expecting to see her para balikan ako. But then, nothing happened. I even waited for another year, but no Anna arrived."

"Sa'n ba siya pumunta?"

"She went abroad to study. Noong una, ayos lang sa akin, dahil sabi niya 2 years lang naman. Pero, after that time, wala na akong narinig na kahit ano mula sa kanya. And I was hurt. Si Anna lang kasi ang nakakapansin sa akin no'n. Minahal ko siya, sobra. Kaya lang, sa sobrang pagmamahal na ibinigay ko, kahit kakaunti, walang nakabalik sa akin."

"Baka naman naging abala lang siya?"

"No. She's not. If she wants to see me, she'll look for a way. She doesn't even call for years. How would I believe to her? Kaya simula nang iwan niya ako, sinabi ko sa sarili ko na kapag lahat ng babae nagkagusto sa akin, ni isa wala akong papansinin."

"Well, kaya pala na-challenge ka sa akin."

"Hindi lang challenged, nahirapan talaga ako. Ikaw lang ang babaeng nag-alis ng natitirang depression ko kay Anna for the last few months. You've challenged me enough to move on and forget Anna."

"Ginamit mo lang pala ako," sagot ko. Sinusubukan ko siyang hulihin kung ano ba talaga ang intensyon niya sa akin.

"No. You used me. I used you. We used each other. Remember your conflict with Stanley? I helped you because you helped me," lumapit pa si Sir Rye sa akin para ihanda ako sa susunod niyang sasabihin.

He leaned closer. Closer than what he did yesterday. "But you know what Rebecca, I always love the feeling of being inloved and being challenged at the same time. It seems that you unintentionally caught me off guard."

Napapikit ako sa sinabi niya. At sa pagpikit kong iyon, nakaramdam na naman ako ng pagdampi ng labi niya sa labi ko. That was soft kiss. Then, naramdaman kong unti-unti na itong gumagalaw. Halos maisandal na ako ni Railey sa sofa sa mga sunod niya pang ginawa.

Ako ata ang na-caught off guard sa mga ginagawa niya sa akin.

Sir, You're Hot. FINISHED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon