Sir, You're Hot. -9

39.4K 430 46
                                    

"Rebecca, ano pa palang ginawa mo kagabi sa Mall?" tanong sa akin ni Roxanne. Nandito kami sa school cafeteria while waiting for our next class. Mabuti na lang pareho kami ng schedule kapag Friday. Saktong maaga na ako pumapasok kaya may oras ako para maghintay.

"May tinapos lang," seryosong sabi ko sa kanya. Tinakot ko siya sa tono ng boses ko at tinignan ko pa siya ng masama.

"Kailan ka pa naging killer? Bec, alam kong brokenhearted ka pero hindi naman ata dahilan 'yun para—"

"Gagi. Ibig kong sabihin, may inasikaso lang. 'Wag kang mag-alala kasi simula sa araw na 'to, hindi na ako magbabanggit ng Stanley," putol ko sa sasabihin niya. Minsan kasi, overacting 'tong kaibigan ko.

"Wow, anong masamang hangin ang nasinghot mo?" muntik na siyang masamhid habang iniinom ang kanyang Milk Tea.

"Wala naman. Nakita ko kasi 'yung girlfriend niya kahapon. Confident akong mas maganda at mas sexy ako sa kanya. Kaya naman, wala na akong pakialam sa kanilang dalawa. Kahit magsama pa sila forever, wala akong paki forever."

Nang maubos na namin 'yung Milk Tea na order namin, nag-good-bye na kami sa isa't isa para pumasok sa kanya-kanya naming klase. Kapag kasama ko talaga si Roxanne, pakiradam ko ang bait ko ng estudyante.

Anyway, pagpasok ko sa room ko, unang bumungad sa akin ang isang payat na babae. Nakasuot siya ng red blouse at itim na palda. Kulay labanos siya at parang wala nang red blood cells dahil sa kaputian niya. May sinusulat siya sa white board kaya naman tahimik akong pumasok at umupo sa upuan ko.

Sampu lang kami sa klase. Medyo maluwag sa classroom namin. Buti na lang pumasok na 'yung adviser namin sa thesis. Kailangan ko na palang seryosohin 'to para maasikaso ko na 'yung graduation ko sa darating na October. Okay fine. Ako na ang late makatapos.

Tinitignan ko lang magsulat sa white board si Ma'am. Hindi siya katangkaran. Mapayat talaga siya. Favorite color niya ata ang red dahil pati ang 3-inch high heels niya ay kulay pula rin. Heels na lang pala ang nagpapatangkad sa kanya. May red din siyang wrist watch. Ang earrings niya naman ay kulay itim.

"Rebecca. Ngayon ko lang nakita dito si Ma'am, ikaw ba?" tanong ng katabi ko.

"Ngayon lang rin. Sino daw ba siya?" tanong ko naman sa kanya.

Sumingit naman ang isa pa naming classmate na nakaupo sa harapan namin. "Last week pumasok na siya. Binasa niya na 'yung draft at corrections ng thesis namin. Siya si Ma'am Anna, Anna Marie. Galing pa 'yan sa England, friends. Kaya siguro natanggap agad bilang teacher dito."

At pareho pa pala kaming may Marie sa pangalan. What a coincidence. Anyway, wala naman akong pakialam. Basta, kailangan kong matapos 'tong pesteng requirement na 'to.

"Grabe, ang puti ng legs ni Ma'am Anna." Ito ang paulit-ulit na naririnig ko sa katabi ko.

"Uupakan na kita sa paulit-ulit mong pagsabi niyan. Magtigil ka nga," singit ko naman.

Bago pa ako makapagsalita, nakita ko si Ma'am Anna na nakatingin sa amin. Wala siyang sinabi. Nakataas lang ang kaliwang kilay niya sa amin habang hawak ang libro na kinokopyahan niya ng sinusulat niya sa white board. Okay, 'wag naman sanang uminit ang ulo niya sa akin.

Nakahinga lang ako ng maluwag ng tumigil siya sa pagsusulat at lumabas siya ng classroom. Hindi niya naman kami pinagalitan ng katabi ko. Mabuti na lang. Ayoko namang maging pasaway sa lahat ng teachers ko. Dalawa na nga lang sila, magloloko pa ako.

Sir, You're Hot. FINISHED.Where stories live. Discover now