Sir, You're Hot. -14

36.2K 370 75
                                    

"Sayang naman ang one week suspension mo kung hindi tayo lalabas."

Sa unang araw ng suspension ko, nagulat ako dahil binisita ulit ako ni Sir Railey sa bahay namin. Tuesday ngayon, ibig sabihin, school day. Hindi ko lang sigurado kung may pasok rin si Sir Railey.

Nakaupo siya sa sofa ko. Nakasandal siya ng maiigi sa aking sofa. Siya nga pala, convertible sa kama ang sofa ko. Binili ko 'yun para mas makatipid ng space sa loob ng kwarto. Nakapatong pa pala ang magkabilang kamay ni Sir sa sandalan ng sofa. Damn. He's so cool knowing that he only wears plain white t-shirt and black pants.

"Sir, parang sinabi mo na ring boring sa apartment ko? Ano po?" nakatayo ako sa harapan niya. Sa mismong likuran ng t.v. para malayo sa kanya. Pero dahil nga malayo ako sa kanya, pinalapit niya ako.

"Come here," he said. Gamit niya ang hintuturo niya sa pagpapalapit sa akin.

Damn. Rebecca. Matapang ka. Sinumpa mo na dating hindi ka na lalandi. Sinumpa mo na dating iiwas ka na sa mga lalaki. Pero ano 'tong pinasok mo? Mas malala pa sa problema kay Stanley 'to.

Nang makalapit ako, hinila niya ako at iniupo sa tabi niya. Napalunok naman ako ng laway dahil amoy ko ang pabango niya. Napakatapang ng amoy nito at halatang panlalaki. Totoo nga ang sinasabi ng mga classmates ko tungkol sa kanya. Bakit ba ngayon ko lang na-appreciate?

"Stop calling me 'Sir.' Understood?"

"I will call you whatever I want, Sir," at binigyan ko pa ng diin ang salitang Sir.

"Everytime you call me Sir outside the school would mean you want a kiss.

"Yuck! Kadiri! If that kiss would just be from you, nevermind, Sir!"

And he did not say another word, instead he leaned closer to me. He held my chin and touched it. He pressed my lips using his thumb. Lumalakas na naman ang kabog sa dibdib ko. Gustuhin ko mang magprotesta ay hindi ko na nagawa.

Hindi na ako nagreklamo lalo pang naramdaman kong nakadampi na ang labi niya sa labi ko.

That was the sweetest kiss I ever have.

Kinabukasan, niyaya niya akong pumunta sa unit niya sa Makati. Sa totoo lang, niyaya niya pa nga akong mag-out-of-the-town. Pumayag naman ako. Siya na rin naman ang nagsabi na let's enjoy this feeling. Well, this is an opportunity so I grabbed it. Pero, pakiramdam ko, may isang part ko ang mas excited pa sa aking makapunta ulit sa unit niya.

Sumakay ako ng taxi papunta sa kanila. Nagsuot lang ako ng isang red shirt at shorts. I have black Jansport backpack at doon nakalagay ang mga damit ko for one week. Hindi niya kasi sinabi kung ilang araw ang lakad namin. I concluded that woud be good for one week.

Pinindot ko ang door bell nang makarating ako sa unit niya. Hindi na ako kinakabahan. Mas inisip ko kasing siya ang dapat kabahan sa akin. Ramdam ko namang nangangapa pa siya in all aspects of let's-just-enjoy-this-feeling thingy niya. Well, I am always ready for everything—including him.

"Good morning, Rebecca," he smiled as he greeted me. Naningkit na ang mata niya sa sobrang pagngiti niya sa akin. Kahit pa magulo ang buhok niya at parang bitak-bitak ang kanyang labi (dahil siguro sa lamig sa loob ng unit niya) ay ang aliwalas niya pa ring tingnan.

Pumasok ako kahit pa hindi niya sinasabi. Kinuha niya naman ang dala kong backpack at inilapag ito sa ibabaw ng sofa niya.

"Uhmm. Rebecca, do you want something?" napakamot siya sa ulo nang itanong ito. Napansin ko ring kinagat niya ang labi niya na para bang may pinipigilan siyang sabihin.

Sir, You're Hot. FINISHED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon