Si Kean.

"You say goodmorning, when it's midnight.

Going out of my head, alone in this bed"

Oo nga, nasaan na kaya yung lalaking yun?

Nakakainis naman.

Araw-araw pa naman akong naghihintay sa kanya.

Kahit isang "Hi" or "Hello" wala man lang ako natanggap galing sa kanya. Hindi niya man lang naisipang tumawag o mag-text. Kahit da Facebook, hindi rin siya naka-online. Para saan pa ba ang use ng technology ngayon?

"I wake up to your sunset

And it's driving me mad

I miss you so bad"

Ano ba yan, nagda-drama ako sa mga oras na dapat excited ako.

"Emi, gusto mo?"inalok sakin ni Marvs yung Piatos na kinakain niya.

"Ano ba yan! Wala pa ngang 20 minutes tayong buma-byahe kinakain mo na kaagad yung baon mo!" reklamo ni Aki. Etong dalawang to talaga ang laging magka-partner noh?

"Eh bat ba! Kaya nga binili to para kainin diba?"

"Oo tapos mamayang ubos na yan sa amin ka manghihingi ng pagkain, ganun?"

"Ewan ko sayo!" sabi ni Marvs para matapos na. "Ano Emi? Gusto mo ba?"

"Sige, thank you." kumuha ako ng mga apat na piraso lang ng Piatos.

"And my heart, heart, heart is so jet-lagged

Heart, heart, heart is so jet-lagged

Heart, heart, heart is so jet-lagged, is so jet-lagged"

Sumilip ako sa bintana at nakita ko ang magandang view ng kalangitan at mga puno.

Masyadong simple at normal lang ang view na to pero ewan ko ba, sobrang natutuwa ako kapag nakikita ko to. Nakaka-refresh kasi eh.

Eh paano kung matulog muna kaya ako? Matagal pa naman yung byahe eh.

Virginity ListWhere stories live. Discover now