Chapter 25: Right decision?

3.5K 41 48
                                    

Nagulat ako sa sinabi ni Lucas. Hindi ako makapaniwala sa nasabi niya. Kelan lang, si Cherry kasama niya, kelan lang nakita ko sila sa condo niya tapos ngayon, eto?! Hindi ba parang ang gulo niya? Nagsawa nab a siya sa girlfriend niya?

"Nagbibiro ka ba?" Tinanong ko siya. "Hindi kasi nakakatawa eh."

"Mukha ba akong nagloloko?" Naging seryoso lalo yung mukha niya. "Isipin mo nga, bakit ako magpupumilit kausapin ka? Bakit ako magpapakahirap pumunta dito?! Sumakay ako ng taxi para sayo. Alam mong hinding hindi ako nagcocommute."

"Kasi gusto mo ng sex?" I bluntly said. "Sorry to say, pero you won't get any."

Sinubukan kong isara yung pintuan pero masyado siyang malakas. Hinarang na niya yung buong katawan niya sa pinto.

"Kung sex lang habol ko, edi sana sa ibang babae ako pumunta! Madami akong makukuha dyan, bakit ipagpipilitan ko pa sarili ko sayo!? Bakit pa kita sasabihan ng 'I love you' kung sex lang ang habol ko sayo?!" Medyo sumisigaw na siya pero pinipigilan niya parin yung sarili niya. "Sabihin mo nga sakin, kelan ba kita binastos? Kelan ako naglakas loob na hawakan ka ng hindi mo gusto? Ang laki ng respeto ko sayo."

"PERO BAKIT MO GINAW YUN?! Bakit kelangan mo pang iparinig sakin!? Bakit kelangan mo pang ipakita?!" Nanlaki bigla yung mga mata niya. Nagulat siya sa mga sinabi ko pero hindi ako tumigil dun. "Magkasama naman tayo nung gabing yun diba? Pero bakit kelangan sa iba pa?"

"Narinig!? Kelan mo narinig? Pati nung nasa condo si Cherry, wala lang yun. Dun lang siya natulog. Kahit itanong mo pa kela Bryle!" Hinawakan niya young dalawa kong kamay, kinukumbinsi na wala talagang nangyari. "Ano yung narinig mo? Kelan yun!? Walang nangyari!"

"Sa bibig mo mismo nanggaling. 'We'll just do it and then we'll go there after.' Akalain mong memorize ko parin? Alam mo ba kung ilang araw akong hindi makatulog ng dahil sa punyetang linyang yan?! ALAM MO BA KUNG GAANO KALAKI YUNG PAGDURUSA KO DAHIL DYAN?!"

"Ikaw yung tumawag? Pero si B-Bryle yung kausap ko eh.." Unti-unti niyang binitawan yung mga kamay ko. "Sorry... Nafrustrate lang ako nung araw na yun. Hindi ko alam gagawin ko nung mga oras na yun."

"Bakit? May nagawa ba akong mali?" Natawa ko bigla. "Pagsinabi mo nga lang sakin na gusto mong gawin yun, papayag ako eh. Pinagbibigyan naman kita palagi diba? Kasi mas matanda ako sayo eh kaya pilit kitang iniintindi. Hindi pa ba ako sapat?"

"Hindi ba pera lang ang habol mo sakin? Diba kaya mo ginagawa yung mga yun kasi pera lang habol mo sakin?" Nakakatakot bigla yung itsura niya. Parang pinipigilan niya yung sarili niya, pero in the end hindi niya nagawa. Na-provoke ko siya. "Sinabi mo pa nga kay Mariel diba? Nandun ako nung nag-uusap kayo. Nandun ako nung sinabi mo yung mga yun."

Naalala ko bigla yung araw na umamin ako kay Mariel. Yung araw na nalaman kong mahal ko na si Lucas. "Kung nandun ka talaga, kung nakinig ka talaga, sana hanggang sa dulo nakinig ka. Kung pera lang habol ko sayo, edi sana umpisa palang, pera na hiningi ko. Edi sana, wala akong pakialam kahit na makipagsex ka sa ibang tao basta. Edi sana hindi na lang ako nakipag break kay Peter para lang para lang makasama ka."

Nagulat siya bigla. Hinawakan niya ulit yung kaliwang kamay ko, "Break na kayo? Dahil sakin? Look, I'm really sorry. Please, forgive me. Akala ko talaga pera lang habol mo sakin."

"Sorry rin, akala ko kasi mahal kita eh." Hinila ko yung kamay ko at isinara yung pintuan.

Pumunta ako sa kusina at uminom ng tubig. Hindi ko alam kung tama ba yung ginawa ko o mali eh. Nagsorry na siya, sinabi niya pa yung mga salitang gusto ko marinig. Bakit hindi ko na lang siya tinanggap at pinapasok? Natatakot lang ba ako nab aka pag nakapasok siya, bumigay ako bigla?

Lie About UsWhere stories live. Discover now