Chapter 20: Slightly smitten

1.6K 4 0
                                    

“Ano nag-aaway pa ba kayo ni Lucas?” Tanong sa akin ni Mariel.

“Hinde naman kami madalas mag-away eh. Pag tinopak lang siya dun lang kami nagkakagulo. Pero minsan lang yun.” Sagot ko naman.

Humarap si Mariel sa laptop niya at nagsimulang magtype ng kanyang report. “Mabut naman. Tatlong buwan na rin kayo kaya dapat nababawasan na yang mga away away niyo.”

“Hinde kami.” Nilinaw ko yung sinabi niya. “Pero parang.. parang lang.. gusto ko na ata siya.”

Biglang nagring yung landline. Agad akong inangat yung phone, “Hello?”

“Parang pa ba tawag dyan?” Sabi ni Mariel habang nakangiti sa akin.

“Yumi ko! Paalis na ko dito, susunduin na kita.” Sabi ni Lucas sa kabilang linya.

“Tumawag ka para lang sabihin yun?? Sige. Magreready na ko.” Sabi ko sa kanya bago namin ibaba yung phone. Kinalabit ko si Mariel, “S.O.S! Anong susuotin ko?!”

Ok naman yung takbo ng buhay namin ni Lucas. I mean, hinde kami nag-aaway, except pagdating sa pananamit ko. Ewan ko ba kung bakit damit yung lagi naming issue! Tuwing lalabas kami, lagi niyang pupunahin yung damit ko. Eh para kanino ba yung mga sinusuot ko? Minsan hinde ko talaga maintindihan kung ako yung insensitive o siya eh. Hay.

Simpleng damit lang yung napili niya, yellow babydoll na dress tapos high heels. Mabuti na lang at kakatapos ko lang maligo kung hinde baka maghintay pa siya sa akin ng mga kalahating oras.

Nung dumating na si Lucas ay dumeretso na kami sa bahay nila Paul. Hinde sumama sa amin si Mariel dahil may tatapusin pa raw siyang report. Ayaw niya na raw kasing ipagpamamaya yung mga bagay na pwede naman daw niyang tapusin. Ahem. Ako ata nagturo sa kanya nun.

“Ang ganda mo ngayon ah.” Napatingin ako kay Lucas dahil sa comment niya. “Pero hinde naman date ang pupuntahan mo eh. Bakit ganyan suot mo?”

Tataas talaga BP ko dito sa taong to eh! Hinde ba pupwedeng sabihin niya na lang sakin na maganda ako? Palagi kasing may ‘pero’ yung comments niya eh! Nakakairita. Hinde ko nga alam kung bakit hanggang ngayon nakakatiis ako sa mga sinasabi niya.

“Birthday yun ng mom ni Paul. Nakakahiya naman kung naka t-shirt at pantalon lang ako,” Ginawa kong excuse ung party para hinde ko na kelangan pang sabihin na gusto kong mag mukhang presentable sa kanya.

“Eh ano naman masama kung naka shirt ka lang at pantalon? Bakit ka mahihiya?  Bakit nakahubad ka ba!?” Sarcastic niyang sinabi.

Hinde ko talaga maintndihan kung bakit lahat ng suotin ko kinokontra niya. Dapat ba tawagan ko muna siya at itanong kung ano ang dapat ‘kong isuot?

Nakasimangot na siya pagdating namin sa bahay ni Paul. Binati muna namin yung mom ni Paul bago namin lapitan sila Jam. Syempre obvious na naman na badtrip siya kasi hinde siya tumabi sa akin. Nung tinanong siya kung sinundo niya raw ba ako ang sinagot niya ‘nagkita lang kami sa kanto’. Nakakapikon talaga ‘tong taong to eh. Siguro kung hinde ko lang siya slightly gusto sinuntok ko na to siya!

Nung nagkayayaan na silang kumain nagkatabi kami bigla ni Lucas sa may buffet table.

“Sakto, nandito mga pinsan ni Paul. Worth it pala yang pag suot mo ng dress.” Sabi niya sa akin habang kumukuha siya ng pagkain.

So ang translation dun sa sinabi niya, ‘ayan yung mga lalaking pinsan ni Paul, pwede ka ng magpa-cute’! Bakit ba yung damit ko lang yung nakikita niya? Si Jam rin naman naka dress eh! Bakit hinde niya inaaway si Jam?!

“Sa tingin mo, para kanino ‘tong ginagawa ko? Sa tingin mo nagsusuot ako ng ganito para magpaganda sa kanila? Hinde mo ba naisip na baka nagpapaganda ako para sayo?! Baka lang naman eh, diba?” Umalis na ko at bumalik sa may table namin.

Lie About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon