Chapter 23: Back to Square One

1.6K 4 0
                                    

Habang naglalakad ako palabas ng buiding ay nakasalubong ko si Daryl.

Nagkatinginan kaming dalawa.

Bakit ba sa lahat ng pwede kong makasalubong, siya pa?!

“Saan ka pupunta?” Tanong niya sa akin pero hinde ako sumagot at tuluy-tuloy pa ring naglakad.

So friends na kaming dalawa? Bakit hindi na lang niya ako dedmahin katulad ng ginagawa niya sa akin dati?? O kaya siraan niya na lang ulit si Lucas sakin. Dun naman siya magaling diba? Sabihin niya na lang sakin na kahit anong gawin ko, hindi niya ako magugustuhan.

Hinawakan niya ko sa may braso, “Sabi ko saan ka pupunta?”

“Uuwi na. Bakit, may problema?”

Dahan-dahan niya akong binitawan. Medyo nagulat siya nung nakita niyang seryoso yung mukha ko.

“Ihahatid na kita.” At nauna na siyang naglakad.

Mga bata ngayon, nakakatakot na. Hindi marunong gumalang sa mga nakakatanda sa kanila eh. Nakakalimutan niya bang mas matanda ako sa kanya?! Siguro mas matanda siya kay Lucas pero mas matanda ako sa kaniya!

Kinuha niya yung cellphone niya sa bulsa niya at inilagay ito sa may tenga niya.

“May ihahatid lang ako. Babalik rin ako agad.” Tapos niyang sabihin yun ay ibinulsa niya na ulit ang cellphone niya.

“Hindi mo naman ako kelangang ihatid eh.” Sabi ko sa kanya pero patuloy parin ang pagsunod ko.

Tumigil siya sa paglalakad. Nakahinto siya sa tapat ng isang itim na kotse. Nag-alarm ito at binuksan niya yung pintuan ng driver’s seat.

“Pumasok ka na.” Sumunod na lang ako sa sinabi niya at hindi na kumontra pa. “Hindi ko alam ung saan ka nakatira, kaya ituro mo na lang ang daan.”

“Thank you.” Sinabi ko ng pilit.

Mabagal at tahimik siyang nagdadrive. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.

“Sabi nila nagbago ka na daw. Nagiging madaldal ka na daw pag kasama kami,” napatingin ako sa kanya. “Pero bakit ang tahimik mo?”

“Wala lang,” tumingin ako sa may kaliwa ko. “Wala lang ako sa mood.”

“Wala ka bang gustong itanong sakin?” Tanong niya.

Tumingin ako sa kanya, “Bakit ka nagsinungaling sakin?” hindi ako nagdalawang isip itanong sa kanya yun.

“Hindi ko alam. Siguro para hindi ka masaktan?”

“Akala ko para pahiyain ako.” Agad ko namang sinabi sa kanya at hindi pinansin yung sagot niya.

“Ano bang nagustuhan mo sa kanya?” Napatingin ako sa kanya dahil sa tanong niya. “Dahil ba mayaman siya?”

“Hindi nga kami mayaman pero hindi naman kami ganun kahirap. Hindi ako magkakagusto sa taong pera lang ang habol ko.” Napatigil siya sa pagmamaneho at tumingin sa akin. “Nakakagulat ba? Hehe. Professor yung tatay ko sa isang college sa may alabang, eh may elementary at high school dun, edi ayun, scholar kami. Nabigyan naman kami ng magandang edukasyon ng magulang ko kahit na di kami mayaman.”

“‘Kami’? Ibig sabihin, madami kayo?” Tumango ako.

“Apat kaming magkakapatid. Lahat kami nakagraduate sa school na pinagtatrabahuhan ni Papa. Syempre, pinaghirapan namin yung grades namin gaya ng paghihirap ni Papa sa pagpapalaki saming apat.” Ngumiti ako. “Kaya gaya ni Papa, pagsisikapan kong kumita ng pera, kesa ang gumamit ng ibang tao para lang sa pera.”

Lie About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon