Chapter 16: Friends with Benefits

1.6K 4 0
                                    

“…kung gusto mong tumira dito kasama ko, ok lang sakin.”

Paulit-ulit yung linya ni Lucas sa ulo ko.

Ano daw?! Ako?? Titira dun kasama niya? Pangarap ko nga na tumira sa isa sa mga condo dun sa the Fort pero hinde ko pinangarap na makasama ang isang lalaki sa iisang bahay. Well, nag daydream ako na kasama ko si Peter.. pero matagal na yun! Hinde na rin yun counted kasi wala na kami! At kahit kami pa.. ok lang kasi kami naman!

Ano pa bang ineexpext niyang isasagot ko sa kanya?! Malaang hinde ako pumayag! Anong akala niya sakin, easy to get?? Ano kami, KAMI?! Nababaliw na ba siya?! Kahit na wala akong nanay, pinalaki naman ako ng maayos ng tatay ko! Hinde ako basta basta nakikitira sa bahay ng iba!

Syempre, nung tinurndown ko yung offer niya, sinimangutan niya ako buong gabi. Nung kumain kami, hinde siya masyadong nagsalita. Lahat ng pinapasagot ko sa kanyang examples, sinagutan niya ng walang tanung-tanong. Nung natapos na yung oras namin, hinde siya nag-offer na ihahatid na lang nya ako pauwi!! Dumiretso siya sa lugar na pinagpapraktisan nila ng banda niya!

Kumatok ako sa kwarto ni Mariel bago ako pumasok. Dumiretso kaagad ako sa kama niya at humiga. Napahinto siya sa pag cocomputer niya at tumingin sa akin. Nagtitigan kami saglit tapos nauna na siyang nagsalita.

“L o P?” Tanong niya sa akin. Tiningnan ko lang siya tapos ay huminga ng malalim. “Malamang L yan. Pag P kasi kukunot yung noo mo eh. Oh anong nangyari?”

Nakatingin lang ako sa kanya pagtapos ay gumulong-gulong sa kama.

Paano ko sasabihin sa kanya yung tungkol sa pagtira ko sa condo ni Lucas? I mean, madamadaling sabihin kasi hinde ako pumayag and if ever pumayag ako, ok lang rin. Si Mariel yan! Mas maramisiyang ginawang kabalastugan kesa sa akin! Hinde sa gusto kong tumira dun, pero parang gusto ko lang i-share sa kanya. Pati… hinde niya alam na may something sa amin ni Lucas.

“Yumiko Gala!!” Sigaw ni Mariel

Huminto ako kakagulong. Nakaharap yung likod ko sa kanya at kumukuha ny tyempo para sabihin yung nasa isip ko.

“Friends kami ni Lucas..” Simula ko

“I know that already.”Sabi naman ni Marel

“…with benefits.”

“Ano?!” Tumalon bigla si Mariel sa kama niya. Naramdaman ko yung baba niya sa may braso ko. “Si Yumiko the Great?! May FWB?!”

Hinde siya makapaniwala sa sitwasyon namin ni Lucas.

Naiintindihan ko naman talaga yung naging reaction niya dahil nung simula pa lang, ako yung medyo mabait sa amin. Ako yung tipong stick to one at hinde basta basta papasok sa isang relasyon. Tingin ko kasi pag mag boboyfriend ka, feeling ko sasabak ka sa isang gyera na hinde mo alam ung magiging takbo. Tapos nakasalalay yung buhay mo dun sa boyfriend mo. Kung paanoyung takbo ng magiging laban niya, kung paano yung strategies niyo at kung paano niyo proprotektahan ang isa’t isa.

Ayoko kasi yung susugod na lang ako ng basta basta tapos hinde ko kilala yung makakasama ko sa laban. Natatakot kasi ako na baka matalo lang ako kaagad dahil wala kaming koordinasyon.

“Ang weird ba? Ganun ba talaga kaweird na may FWB ako?” humarap ako sa kanya

Seryoso yung mukha ni Mariel  habang tumatango, “Hinde ko aakalaing papatulan mo yung ganung laro! I mean, si Yumi ka. Pangmatagalan, hinde pang lokohan.”

“Matagal na rin naman kaming ganun eh.. hinde naman parang iisang linggo pa lang kaming naglolokohan..” paliwanag ko sa kanya. “..matagal na rin naman yun diba?”

Lie About UsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora