Chapter 6: Revealed

1.7K 4 0
                                    

The subscriber cannot be reached…

Nilapag ko yung cellphone sa may hita ko. “Hanggang kelan mo ko iiwasan, Peter Lo?” sabi ko habang naka titig sa cellphone.

Hinde ko na alam ang gagawin ko sa kanya. Limang na araw na niya akong hinde kinokontak at anim na araw ko na siyang hinde nakikita. Kahit masulyapan ko man lang yung mukha niya wala parin. Sa school kasi pareho kami ng oras ng pasok pero hinde kaya hinde kami nagkikita. Nung Monday sinubukan kong puntahan siya after nung class ko pero sabi nung isa niyang kaklase hinde niya pa raw nakikita si Peter simula nung Monday.

Kahit sa trabaho hinde pa rin siya pumasok. Yung Tito niya pa yung tumatawag para lang sabihin na hinde makakapasok si Peter dahil masama raw yung pakiramdam. Tinatanong na nga ako nila Anna kung ano na raw yung nangyari kay Peter, wala naman akong maisagot. Hinde ko nga alam kung ano yung sakit niya eh… hinde ko nga alam na may sakit siya eh!

Ano bang klaseng sakit yung nakuha niya at kahit ang pagtext sa akin hinde niya magawa? Kahit wrong send wala eh! Ang masama pa dun, pinatay niya yung cellphone niya! Lowbatt? Hinde ba pwedeng i-charge niya yun? Gaano ba kahirap mag charge ng cellphone? Hinde siya masyadong sweet… nako hinde!

Habang nakatulala ako sa may bintana ng kotse, naramdaman ko yung pag kalabit sa akin ni Mariel.

“Hinde pa rin ba nagpaparamdam si look-a-like?”

Tiningnan ko siya ng masama, “Peter.” Sabi ko sa kanya.

“Niloloko ka lang eh.” Ngumiti siya tapos tumingin ulit sa daan. “So hinde pa nga nagpaparamdam?”

“Fifth day, my friend.” Sabi ko sa kanya. “Isipin mo nung sabado tatlong text lang nareceive ko sa kanya. Ang masakit pa dun sinabi niya lang na hinde na kami matutuloy sa lakad namin! Dalawang beses niya pa yun sinned tapos yung last text niya sinabi niya lang yung excuse niya, na may kailangan lang siyang gawin na project kaya hinde siya pwede.”

Tumango si Mariel, “Sinabi mo nga sakin yan ilang beses na.”

“Nakakafrustrate kasi siya eh. Bakit ba kasi bigla na lang niya akong iniiwasan?! May nagawa ba akong mali para pagpatayan niya ako ng cellphone?! Diyos ko, kahit nga isang text sa kanya wala na akong natanggap eh.” Napatingin ulit ako sa may bintana ng kotse, “Kung ayaw na niya, kung nag sasawa na siya, sabihin niya lang sa akin.”

Nag brake bigla si Mariel, “Hoy Yumiko! Ano bang pinagsasasabi mo dyan!? Alam mo naman yung dahilan kung bakit nagkakakaganun si Peter eh. Bakit hinde mo kausapin? Bakit hinde mo i-explain sa kanya yung kay Miguel?”

Umiling ako, “Hinde ko ata kayang ikwento sa kanya si Miguel..” tumingin ako sa kanya, “Umandar ka na. Ok lang ako.”

“Nandito na tayo.” Pinatay na ni Mariel yung makina ng kotse, “Kumain na muna tayo dito bago umuwi.”

Bumaba kami ni Mariel sa kotse at pumasok sa Tides. Umorder kami ng barbecue with rice ni Mariel at syempre, isang pitcher ng red tide after ng dinner namin. Kung wala lang siguro akong pasok kinabukasan siguro hinde lang isang pitsel ang inorder namin! Kung sino man yung nag banggit kay Peter kung sino si Miguel lumubog na sana siya sa kinatatayuan niya! Pati yang Peter na yan, nakaka stress na siya! Kahit isang text lang… kahit isang sulyap lang… hinde ko na kaya ‘to. Gusto ko na lang sumuko bigla. Gusto ko na lang bumitaw.

“Yumi, gusto mo ba si Peter as Peter, o dahil nakikita mo sa kanya si Miguel?” tanong sakin ni Mariel habang inaabot yung inumin ko. “I mean, nakikita mo sa kanya si Miguel, so possible na gusto mo siya dahi—”

Pinutol ko yung sasabihin niya, “Gusto ko siya. Oo, may hawig sila ni Miguel, pero mag kaiba sila. Iba siya kay Miguel…” pagtapos ay ininom ko yung shot ko.

Tumango si Mariel. Naiintindihan niya siguro yung ibig kong sabihin. Kahit na hinde ko na explain ng mahaba yung sasabihin ko, alam kong naiintidihan niya ako. Kilala niya ako masyado, kaya lahat ng gawin ko alam niyang sigurado ako sa ginagawa ko. Kahit na may masaktan pa akong tao, hinde niya ako pipigilan o pagagalitan dahil sa mali yung ginagawa o nagawa ko. Instead na sermonan niya ako, ay susuportahan niya na lang ako. Sisiguraduhing masaya ako sa ginawa kong desisyon. In short, konsintidora.

“Ikaw, kamusta ka? Namimiss ko na yung quality time natin. Minsan na lang tayo magsama simula nung naging kami ni Peter,” huminga ako ng malalim, “makipag break na lang kaya ako sa kanya? Hinde na rin naman niya ako pinapansin ngayon eh. Natiis niya ko ng limang araw… kaya niyang hinde ako makasama, makita pati makausap ng limang araw…”

Naglagay na naman ako ng red tide sa baso ko tapos ininom to. Bakit kasi ngayon pa kami nagkaganito ni Peter? Kung kelan may importante akong sasabihin sa kanya tsaka pa kami nagkagulo.

“Oo nga pala Yumi, nasabi mo na ba kela Tito yung offer sayo ng S University?”

Tumango ako, “Tanggapin ko raw yun. Sayang daw kasi. Pagnalaman raw kasi ng company na dun ka nag aral tatanggapin ka kaagad nila. Kaya bakit ko daw tatanggahan yung ganung offer.”

“Oo noh! Pati sayang yung scholarship! Maganda at mahal sa S University!” sabi ni Mariel habang nginunguya yung barbecue niya.

“Oo nga eh. Nagulat na lang talaga ako nung tinanong ako nung Dean namin kung interesado daw ba akong mag aral ulit sa S University eh. Full scholarship daw pati kahit anong course daw pwede kong kunin, basta lang daw hinde bababa yung grade ko sa 92 percent.”

Natawa bigla si Mariel. “Hinde ka ba nila kilala?! Si Yumiko Gala ka ata!!! Pag wala ka sa mood mag aral, lowest mo na ang 93 o 92 percent! Pag ganado naman, tagustagusan sa 100! Hay. Anong utak ba meron ka?!” sabi niya habang tinuturo ako gamit yung barbecue stick.

Tumawa na lang kaming dalawa at sabay uminom.

Nagbayad na kaming dalawa para sa inorder namin. Masyado ata kaming nag enjoy dahil nakadalawang pitsel kami ng red tide. Palabas n asana kami ng Tides pero biglang may pamilyar akong lalaking nakita. Yung kalbong kaibigan ni Peter (hinde parin niya alam yung pangalan nung lalaki).

Hinawakan ko yung kamay ni Mariel at hinila siya sa may gilid.

“Bakit?” tanong niya sa akin

“Saglit lang…” sabi ko sa kanya habang nakatingin sa may entrance.

Bakit ganun, ineexpect ko ba na kasama niya si Peter? Pero possible yun diba? Kaibigan niya si Peter. Pero ang sabi ng Tito niya masama pakiramdam ni Peter kaya hinde siya nakakapasok. Imposible naman na nagsinungaling sa akin yung Tito niya, lalo na’t alam niyang kami. Imposible talagang kasama nila si Peter ngayon. Maya maya ay isa-isa ng nagpasukan yung mga kasama nung kalbong kaibigan ni Peter. May dalawang babae silang kasama. Syempre, wala si Peter. Panatag na loob ko. Hinde niya ako tinataguan, may sakit talaga siya.

“Diba yun ung kaibigan ni Peter?? Yung Carl!” Sabi sa akin ni Mariel.

“Carl pala pangalan niya..” Sabi ko ng mahina kay Mariel.

Tumango siya, “Carl!!” at biglang isinigaw yung pangalan nung Carl.

Napatingin sa amin yung Carl kaya kumaway na lang ako para hinde niya sabihing isnabera ako. Kumaway rin siya pero parang hinde siya sigurado kung matutuwa ba siya o hinde. Bigla siyang napatingin sa may kaliwa niya, napatingin din ako sa direksyon na yun. Biglang pumasok si Peter Lo habang may naka hawak sa may braso niyang babae.

“Uy si Pet…er” biglang napatingin sa akin si Mariel.

Napansin kong tinuro ako nung Carl kay Peter kaya napatingin siya sa may direksyon namin. Hinde ko alam kung ano yung sinabi nung Carl, pero habang nakatingin sa akin si Peter ay parang wala lang ako sa kanya.

“Yumi..” hinawakan ni Mariel yung kamay ko, “umuwi na lang tayo~ pabayaan mo na lang muna si Peter~ tara na~!” sabi ni Mariel habang hinihila ako papalabas ng Tides.

Nung nagkatabi kami, bigla siyang nagsalita. “Bakit ba hinde mo masabi sa akin yung tungkol dun sa Miguel na yun?” napahinto ako sa pag lalakad. “Mahal mo pa ba siya? Gusto mo bang bumalik sa kanya? Sige, magsama na kayong dalawa.”

Napatingin ako sa kanya. Hinde siya nakatingin sa akin nung sinasabi niya yung mga salitang yun.

“Wala kang karapatang sabihin yan kay Yumi!” biglang sabi ni Mariel kay Peter, “Hinde mo alam kung anong tunay na nangyari sa kanila ni Mig—”

Pinutol ko yung sasabihin ni Mariel. “Siguro nga dapat magsama kaming dalawa,” Napatingin siya sa akin, “ipagpatuloy mo yan. Wala na akong pakialam.”

Tumalikod na ako at hinila si Mariel papalabas ng Tides. Wala na akong pakialam. Nagawa niyang tiisin ako ng ilang araw, nambabae pa siya, lolokohin ko lang sarili ko pag pinagpatuloy ko pa yung pag hahabol sa kanya. Walang nakapagsalita saamin hanggang sa makarating kami ng bahay namin.

“Dito ka matulog.. kailangan kita ngayon.. Wala ka namang pasok bukas diba? Di na lang ako papasok bukas, kaya dito ka na lang matulog.. kailangan kita ngayon..” Tumango si Mariel at niyakap niya ako. “Ano bang alam niya~ ano bang alam niya~ ano bang alam niya~! Wala siyang karapatan sabihin yun~”

Tinanggal ni Mariel yung pagkayakap niya sa akin. Hinawakan niya yung balikat ko at inalog-alog ako ng mahina, “Kung gusto mong umiyak… umiyak ka! Wag mong pigilan! Pagod na kong makita kang nahihirapan, Yumi.”

Umiling ako. “Hinde ako naiiyak. Hinde ako iiyak. Bakit ako iiyak?”

“Akala mo ba hinde ko alam na pinipigilan mo lang yang sarili mo?! Halos walong taon kitang kilala… pero sa walong taong yun, hinde kita nakitang umiyak! Kahit nung panahong niloloko ka na hinde ka parin umiyak!” bigla akong binitawan ni Mariel,

“Anong pinagsasasabi mo…”

“Nung nalaman mo yung kay Miguel, kahit isang patak ng luha wala akong nakita sayo.. Kahit kinabukasan nun, normal parin yung mata mo. Walang bakas na umiyak ka o nag patak ka ng luha para sa kanya. Akala mo ba di ko alam na nasasaktan ka na? Akala mo ba hinde ko alam na sobra na yung sakit na nararamdaman mo? Yumi, kahit hinde mo sabihin sa amin nila Yuki, alam naming nasasaktan ka…”

“Kasalanan niya yun... kaya bakit ko siya iiyakan?”

“Sorry~ hinde ko na ioopen pa yung topic na yun. Ang ayoko lang, ay yung iniipon mo yung lahat ng sakit mo dyan.” Tinuro niya yung kaliwang part ng dibdib ko. “Kung nasasaktan ka sa mga sinabi at ginawa ni Peter, ok lang na umiyak ka.. Kung nasasaktan ka pa rin sa mga nangyari dati.. ok lang na umiyak ka. Normal ka pa rin pag ginawa mo yun.”

Ngumiti ako sa kanya, “Masaya ako ganito. Masaya ako’t abnormal ako.”

Ngumiti rin si Mariel, “Gusto mo uminom? Tutal wala akong pasok, at sabi mo hinde ka papasok bukas… mabuti siguro kung lunurin mo na lang yang Peter Lo na yan dyan sa puso mo!”

Nagustuhan ko yung idea ni Mariel kaya bumili kaming dalawa ng maiinom namin sa convenient store. Pagkabalik namin sa bahay ay niyaya namin yung mga kuya ko na uminom, syempre, pumayag sila ng hinde nag dadalawang isip. Nawala kaagad sa isip ko yung mga nangyari sa akin kanina, nung bigla kong nakita yung mga kuya ko.

“Yumiko~ wala ka bang pasok bukas?” tanong sa akin ni Kuya Yuki.

Niyakap ko siya, “Wala po~”

Syempre tuwang tuwa siya nung bigla ko siyang niyakap. Minsan lang daw ako ganun sa kanya. Minsan?! Eh madalas kaya kaming nag huhug kasi nagrereklamo siya sa akin na wala na raw kaming skinship! Ok lang siya?!

“Bakit siya lang~?!” sabi ni Kuya Jin habang nakatayo.

Tumayo ako bigla at niyakap si Kuya Jin. Nung napatingin ako kay Kuya Micky, nakasimangot na siya sa akin tapos bigla akong inirapan.

“Kuya Micky~~ kiss!!” tumingin siya bigla sa akin ng nakangiti at naka pucker na yung lips. Lumapit ako sa kanya at kiniss niya ako sa may pisngi.

“Haay~ ang saya talaga pag may mga kuya ka.” Sabi ni Mariel.

Lumapit sila kuya kay Mariel at niyakap siya.

“Ano ka ba! Para ka namang others nyan eh! Kuya rin naman tawag mo samin ah!? Edi parang kapatid ka na rin namin!” sabi sa kanya ni Kuya Jin.

“Oo nga! Kung gusto mo, tawagin mo na rin akong kuya~~” sabi ni Kuya Yuki kay Mariel.

Binatukan ni Mariel si Kuya Yuki, “Mas matanda kaya ako sayo ng anim na buwan! Hello!!” tapos ay nagka titigan sila ng masama. Syempre natalo si Kuya Yuki dahil una, nakakatakot ung tingin ni Mariel, pangalawa, binatukan siya bigla ni Kuya Micky.

Habang kinocomfort nila si Mariel, hinde ko mapigilan yung sarili ko sa pag ngiti. Ngayon ko lang narealize na masaya naman ako kahit na wala akong boyfriend. Hinde ko kinakailangan mamroblema tungkol sa ibang tao kung hinde ang sarili ko lang. Hinde ako masasaktan, hinde ko kailangan umiyak.

“Masaya naman ako kahit ako lang eh… ang kailangan ko lang sila.” Sabi ko ng mahina.

Hinde ko alam kung paano natapos yung gabi namin. Pagkagising ko na lang ay nasa kwarto ko na ako pati katabi ko si Mariel. Hinde ko nga matandaan kung sino yung nag buhat sa amin eh.

“Wild night… wild night.” Sabi ni Mariel habang nakahawak siya sa ulo niya. “Pag silang tatlo talaga nakakasama natin laging ang wild ng gabi ko eh.”

“Makipag sabayan ba naman kasi kayo sa mga lalaki eh! Malamang malalasing kayo nun!” sabi ni Kuya Yuki kay Mariel, “Ano ba kasing meron at nagaya kayong uminom!?”

Sabi ko na nga ba. Ngayon nila itatanong kung ano yung okasyon at nagyaya kami ni Mariel uminom. Handa na ko sa isasagot ko sa tanong na yan.

Ngumiti ako kay Kuya Yuki, “Kasi magqquit na ko sa trabaho.”

“TALAGA?!” Excited na tanong ni Kuya Yuki. “Hinde nga?!”

“Oo nga. Napansin ko kasing parang wala na akong time sa inyo eh. Pati mas mahalaga kayo kesa dun sa part time ko.” Sabi ko kay Kuya Yuki.

“AYOWN! Edi ako na mag susundo sayo pagtapos ng class mo???” tanong kaagad ni Kuya Yuki.

“Overprotective twin brother.” Sabi ni Mariel ng mahina pero narinig parin ito n Kuya Yuki kaya tiningnan siya ng masama, “Pwede namang sumabay na lang sa akin si Yumi eh. Bakit kelangan mo pa siya sunduin? Gastos lang yun.”

Nagsimula na naman silang magtalo. Minsan magkasundo sila, minsan hinde. Pag hinde sila nag kikita ng mga dalawang linggo ang bait bait nila sa isa’t isa. Pero pag madalas silang nagkikita, nag tatalo naman sila! Madalas natatalo ni Kuya Yuki si Mariel pag nag dedebate sila. Pero pag titigan, si kuya yung talo.

Natapos na kami sa pagkain at lahat, nag tatalo parin silang dalawa. Minsan nagtataka ako kung bakit hinde sila nagkakatuluyan. I mean, usually ganun diba? Madalas kayong nag tatalo, maiinlove yung isa dun sa isa. Tapos ayun na. pero sa kanilang dalawa, wala eh! Parang manhid sila sa isa’t isa.

Simula ngayon, kelangan hinde ko na siya isipin. Ilang araw niya akong tiniis, ilang araw akong nagtiis. Masaya na ako sa isang tawag, pero hinde parin niya ako tinawagan. May sakit?! Talaga lang ah! Madalali lang sabihin sa akin kung ayaw na niya. Hinde yung gagawa siya ng excuse like magsama kami n Miguel or whatever. Kaya hinde ako naniniwala dyan sa ligaw ligaw na yan eh. Sa una lang mabait kasi sinusuyo ka, pero pag tumagal-tagal na babaliwalain ka na niya.

Hinde niya ata nakita effort ko eh. O baka hinde pa sapat yun para sa kanya. Anong gusto niya? Yung tipong pupuntahan pa siya sa bahay niya para lang makausap ko siya? Hinde ako ganun. Pinatayan niya ako ng cellphone. Pag tumatawag ako sa landline, laging sasabihin sa akin na tulog siya. Ineexpect ko na makikita ko siya sa school pero wala parin. Bigo parin ako.

Kaya simula ngayon, kakalimutan ko na lang yung ilang buwan na pinag samahan namin. Siguro nga hinde magiging madali para sakin na kalimutan siya kasi may hawig sila ni Miguel, pero it doesn’t mean na hinde ko kayang subukang gawin.

“May sister complex ka talaga!” narinig kong sabi ni Mariel kay Kuya

“Anong sis…ter.. com..plex..” tapos biglang nakatulog si Kuya Yuki sa may sofa.

Napailing na lang kami ni Mariel.

Tinanong ako ni Mariel kung totoo ba raw na mag reresign na ko sa part-time job ko. Sinabi ko sa kanya yung totoo. Tumango lang siya, siguro alam na niya. Sumang-ayon na naman sa naging desisyon ko si Mariel. Sabi niya, siguro daw mas makabubuti yun sa akin, na hinde muna makita si Peter para unti-unti ko rind aw makalimutan si Miguel. Nakikita ko nga sa kanya si Miguel… pero si Peter Lo parin siya para sakin.

Nung gabing yun ay tinawagan ko yung boss ko. Sinabi ko na magreresign na ko at kailangan makahanap na sila ng kapalit ko sa biyernes. Oo, gagawin ko ang lahat para maiwasan ko siya. Siguro sasabihin ni boss yun kay Peter. Wala na rin naman yun sa kanya. Hinde na kami. Siya nag umpisa, tinapos ko lang.

Pagkauwi namin ni Kuya Micky galing sa palengke ay bigla naming nadaanan yung grupo nila Peter Lo. Napatayo siya bigla nung nakita niya ako. Tiningnan ko lang siya saglit tapos ay tumalikod na ako. Inakbayan ako bigla ni Kuya Micky. Hinde niya pa naman din kilala si Kuya Micky, baka mamisunderstand na naman niya.

“Ok ka lang ba?” tumango lang ako, “Gusto mong umalis mamaya?”

“Sige. San tayo pupunta?” tanong ko sa kanya habang nakangiti

“Kahit san mo gusto! Kahapon pa kasi kita napapansin na parang may problema ka eh,” napatingin ako bigla sa kanya, “hinde mo naman kelangan sabihin sa akin eh. Kaya ok lang.”

“Ok lang ako, promise.” Sabi ko sa kanya.

Pagdating namin sa bahay ay hinanda ko na ung mga kailangan na sahog para sa uulam namin. Habang hinihiwa ko yung patatas ay biglang tumunog yung cellphone ko. Nung nakita kong tumatawag si Peter ay pinatay ko ito. Habang iniintay maluto yung ulam ay nagring naman yung landline namin, si Kuya Yuki yung nakasagot. Nung tinawag niya ako sinabi ko na sabihin niya ay may ginagawa ako at tatawagan ko na lang siya ulit. Syempre, nagsinungaling ako.

Nakaalis na kami lahat lahat at nakabalik ng bahay pero hinde ko parin tinatawagan si Peter. Hinde naman siguro siya nag eexpect ng tawag ko. Alam naman niay siguro na hinde ako tatawag sa kanya. Ginawa niya yun sa akin, I’m just returning the favor.

Binuksan ko yung cellphone ko para tingnan kung may message ako galing sa classmate ko regarding sa project namin pero imbis na yung pangalan ng kaklase ko yung makita ko, puro Peter yung lumabas.

From: Peter Lo

Anong oras ka tatawag?

From: Peter Lo

Di ka pa ba tatawag? Dalawang oras na ah…

From: Peter Lo

Kanina pa ko tumatawag dyan pero walang sumasagot… iintayin ko tawag mo..

From: Peter Lo

Magiintay ako kahit anong oras…


Dinelete ko lahat ng messages niya sa akin. Parang ganyan din ung ginawa ko sa kanya nung iniiwasan niya ko. Siguro maiisip niya rin na nagmumukha na siyang tanga kakahintay sa wala. Last test niya sa akin ay 9:45 pm, 11:21 pm na, siguro hinde narealize na niya na hinde ako tatawag sa kanya. At siguro, hinde na siya tatawag ulit ngayong araw.

Nagring bigla yung landline, nakakatatlong ring na pero wala paring sumasagot ng telepono. Naisip ko na siguro hinde naman si Peter yung tatawag kaya walang problema kung ako yung sumagot. Baka si Mariel lang yan, magyayaya mag speed dating.

“Hello?”

“Yumi…” narinig ko bigla yung boses na yun.. yung boses na hinde ko narinig sa telepono ng matagal. “Iniintay ko tawag mo eh. Kanina pa kasi walang sumasagot dyan. Nakatulog ako kakahintay, buti na lang pala tumawag ako ulit.”

“Makinig ka ng mabuti. Hinde ko na to uulitin,” sinimulan ko ng sabihin, “si Miguel, patay na siya. Naaksidente siya, kasama ng ibang babae.” Tumawa ako ng mahina na parang ok lang ang lahat. “Siguro nga mas ok kung ako na lang yung kasama niyang namatay. Siguro wala kang pinoproblema ngayon.”

“Yumi~ yung sinabi ko kagabi—”

Pinutol ko yung sasabihin niya, “Ok lang. Hinde mo naman alam na wala na si Miguel eh. Ay hinde. Ilang beses ko sinabi sayo yun. Pero hinde ka naniwala sakin. Maypinalit ka narin naman eh, kaya siguro itigil na lang natin to.”

“Ayoko. Hinde! Nagkakamali ka Yumi~”

Binaba ko na yung telepono. Hinde ko na siya kaya pang kausapin.

Magkaiba sila? Si Miguel…? Si Peter…?

Pareho lang sila.


Lie About UsWhere stories live. Discover now