Chapter 3: Coincident...ally dating

1.8K 8 1
                                    

“YUKI~!!!!! Hinde ka pa ba babangon dyan?!?” Bigla niyang idinilat yung mga mata niya. Tapos tiningnan ako ng masama. Tinitigan ko lang rin siya. Nagsisimula na yung paglalaban naming ng titigan. Pero kelangan ko ng putulin yun dahil mamamalengke pa kami. “Anong tinitingin tingin mo dyan!? Pinapagising ka ni Papa!”

“BAKIT WALANG KUYA!!!” tapos bigla siyang sumimangot

“Eh ano naman? Sabay tayong pinanganak na una ka lang ng ilang minuto!” bumangon siya at bigla niya akong binato ng unan, “Anong problema mo???”

“DAPAT KUYA PARIN TAWAG MO SAKIN!! KAHIT NA SEGUNDO PA YUN DAPAT KUYA PARIN!! NAUNA PARIN AKO SAYONG LUMABAS!!”

“EDI KUYA!!!!” tapos binato ko pabalik sa kanya yung unan niya.

“BAKIT MO KO SINISIGAWAN?!” tumayo na siya sa may kama niya kaya naka tingala ako sa kanya

“HINDE KITA SINISIGAWAN!! NAGPAPRACTICE LANG AKONG TAASAN YUNG BOSES KO!! IKAW YUNG SUMISIGAW!” tumalikod ako sa kanya, “Pag ikaw sinigawan mo ulit ako, hinde na kita tatawaging Kuya habang buhay!!”

“ANO—Yumi~~!” naramdaman ko yung pag yakap niya sa akin, “Hinde na sumisigaw si Kuya~~ Hug mo na ko~”

Hay nako~~ iba talaga nagiging epekto ng hangover no?? Late na nga nagigising minsan may toyo pa! Akalain niyong hinde nila ako sinundo kagabi kasi nung umuwi sila nag inuman pa ulit silang tatlo!! Wala tuloy mag d-drive eh hinde naman nila pwedeng gising si papa kasi may pasok pa siya kinabukasan! Kaya ayan!! Nagtaxi ako ng hinde oras!!! Pffft. Sweet nga naman talaga nila.

“Kuya ano baaaa~!” Patuloy parin yung panghaharot niya sa akin.

Ano ba ‘tong kapatid ko! College na nga kami tapos sobra parin siyang attached sakin. Kaya tuloy yung mga nagiging girlfriend niya pinag seselosan ako!! Tama ba yun?? Hay nako. Kung hinde lang siguro ako yung nag iisang babae saming magkakapatid siguro hinde ganito kalalabasan namin.

Napalakas bigla yung pagtatawanan naming dalawa dahil biglang pumasok sa kwarto si Kuya Jin.

“Yuki, Yumi, ano ba nangyayari sa inyo? Bakit ang ingay niyo?? Ang aga aga tapos ang ingay niyong dalawa!” napatingin kami pareho kay Kuya Jin.

“Sorry~” sabay naming sinabi ni Kuya Yuki.

“Kayo talagang dalawa! Lagot na naman kayo kay Papa pag narinig niya kayo!!”

“Wala na kaya si Papa! Pumasok na kaya siya.” sabi ko kay Kuya Jin

Nanlaki bigla yung mata ko tapos nagkatitigan kami ni Kuya Yuki. Nagtakip ako ng bibig dahil nadulas ako sa sinabi ko. Yumi naman! Mag sisinungaling ka na nga lang bakit mag papabuko ka pa! Patay ka na naman ngayon sa Kuya mo!

“Pinapagising pala ako ni Papa ha!” inakbayan ako bigla ni Kuya Yuki tapos ngumiti siya sa akin.

‘He he he’ lang yung nasagot ko sa kanya.

“Oo pinapagising ka ni Papa! Turn mo samahan si Yumi mamalengke.”

Tumingin ako kay Kuya Yuki at nilabas yung dila ko. Nag kamot ng ulo si Kuya Yuki parang bang hinde siya makapaniwala sa sinabi ni Kuya Jin. Nung tumingin ako kay Kuya Jin nag ‘ok’ sign siya sa akin.

“Mag ayos ka na Yuki naghahanda na ng almusal si Kuya Micky mo. Ikaw naman Yumi bumaba ka na. Tulungan mo si Micky sa pagluluto.”

“Opo.” Naglakad na ako papunta sa may pintuan ng kwarto ko pero bago ako pumasok tumingin muna ulit ako kay Kuya Yuki, “YUKI BILISAN MO!”

Sabay sarado ng pintuan. Sumigaw siya ng ‘SINABI NG KUYA YUKI EH!’ habang kinakatok yung pintuan ko. Lumabas ako sa isang pintuan para tulungan si Kuya Micky. Pero pagkadating ko sa may hapagkainan nakahanda na yung kakainin namin. Nakahanda na rin sa may puwesto ko yung juice ko. Eto ang maganda sa mga Kuya ko. Kahit na sobrang pagod o matinding hangover ang meron sila, hinde parin nila nakakalimutan yung mga responsibilidad sa bahay na to.

Lie About UsWhere stories live. Discover now