Chapter 10: Meeting

Start from the beginning
                                    

“Ayan! Mukha ka ng 18!!” sabi sa akin ni Jam at Mariel

“Tara na! Baka ma-late pa tayo sa meeting!” sabi ni Mariel habang hinihila ako papunta sa may kotse.

Ano ba sila! Natutuwa ba sila sa kahihila sakin? Ano bang nakukuha nila pag hinihila nila ako? hinde ba pwedeng sabihin na lang nila na tumakbo ako dahil nag mamadali kami?? Mahirap bay un?! Jusko po!

Sa loob ng kotse, nilagyan naman ako ng make-up ni Mariel. Sabi niya simple lang daw para lang magkaroon ako ng konting kulay dahil daw ang putla masyado ng mukha ko. Konting kulay ba yung may foundation, concealer, makapal na eyeshadow, blush on at lipstick?? Simple bay un? Konting kulay ba tawag dun?!

Nung huminto yung kotse, hinila na naman ako ni Mariel papasok ng isang building. Nakabangga kami ng isang tao na nasa tapat namin.

“Aray!” sabi ko

“Bakit ikaw pa yung may ganang mag aray? You’re the one who bumped on me.” Tumingin siya saglit sa akin tapos ay pumasok na sa loob.

Bakit parang… nangyari na sakin yun dati? Parang ganun rin yung sinabi sa akin nung taong yun. De javu?

“Pabayaan mo na yun! Tara na.” sabi sa akin ni Mariel

Pagpasok namin, ang dami ng tao sa loob. Puro mga estudyante sa S University. Ngumiti sa akin si Mariel tapos nag peace sign.

“Sorry!! Sabi sakin ni Ate Mariel wag ko raw sabihin sayo eh..” sabi ni Jam sa akin, “Nandito rin si Lucas! Chance mo na to!”

“Sigurado akong maraming lalapit sayo ngayon! Dati sinira ni Peter yung chance mo eh, pero ngayon, this is really it!” sabi ni Mariel habang nakangiti. “Alam kong magagalit ka.. pero kasi kinulang yung mga babae eh, ngayon lang ok??”

Tumango na lang ako dahil wala na akong magagawa. Nandito na rin naman ako eh, kelangan ko na lang ipakita na hinde ako interesadong magkaboyfriend, dahil meron na.

Tinuro ni Mariel yung table namin ni Jam. Nakita ko na yung likod nung limang lalaki. Nung umupo kaming dalawa napansin kong si Lucas yung nasa harapan ko. Katabi niya si Greggy at yung tatlong lalaki sa tabi n Greggy ay hinde ko na mga kilala.

Nagulat rin si Jam nung nakita niyang si Greggy yung nasa tapat niya. kinalabit niya ao sa may kamay kaya napatingin ako sa kanya.

“Bakit?” tanong ko sa kanya.

Umiling lang siya.

“Good evening everyone!!” napatingin ako sa may MC, “These are the rules: First, you should introduce yourselves to everyone in your group. Second, try to get to know the person you’re targeting to be your partner. Lastly, if you’ve decided on that person, it’s your choice if you want to take your chosen partner outside this room or stay here to have some fun. All you have to do is to get to know the people infront of you guys. Good luck to everyone! Let the party begin!”

Nagsimula ng kausapin nung mga babae yung mga lalaki sa table namin. Tumingin ako sa ibang table para tingnan kung ano na yung nangyayari sa kanila. Lahat sila ay naguusap na. Parang nageenjoy silang lahat.

Narinig ko sa lahat yung age nila, puro 18 at 19 silang lahat! Ako lang ba 22 dito?!

“Yumi turn mo na.” sabi sa akin ni Jam.

Nakatingin sila sa akin, iniintay na magsalita ako. Pano nga ba ulit to? Bahala na.

“I’m Yumiko Gala, a freshman at S university, taking up Business Ad. I’m…” napatngin ako sa kanila, “20 years old.”

Napatingin sa akin si Jam nung narinig niyang sinabi kong 20 years old tapos ngumiti siya habang umiling. Nag wink na lang ako sa kanya.

“Lucas Elizalde, studying at S University taking up Business Economics.” Napatingin ako kay Lucas nung narinig ko yung boses niya. May hint na lumaki siya sa mayamang pamilya. Tono pa lang ng pananalita niya mapapansin mo na kaagad.

Lie About UsWhere stories live. Discover now