Chapter 10: Meeting

Magsimula sa umpisa
                                    

Tumango siya. “Di mo maalala?”

Umiling ako, “Sabagay, isang linggo lang siya sa class mo eh, tapos lumipat na ng 8-10.”

“Ahh. Kaya pala.”

“Close sila ni Greggy, yung lalaking katabi niya. Bata pa lang sila sobrang close na nila.” Sabi sa akin ni Jam habang nakatingin dun sa Greggy. “Gusto mo pakilala kita? Sikat yan sobra! Nung high school kami, may mga college students na pumupunta sa school namin at hinahanap siya. Di ko nga lang alam kung may girlfriend siya ngayon.. Alam ko meron eh, pero nasa ibang bansa na kaya hinde ko alam kung sila parin. Pero dati papalit-palit kasama niyang babae.”

“Babaero!?” Tanong ko Jam. “Wala palang kwentang tao yan eh. Tss. Mga katulad niya wala ng karapatan mabuhay!”

“Hinde siya babaero. May dahilan siguro kaya siya ganun. Lucas Adrian A. Elizalde. Mabait si Lucas, nagbago nga lang siya simula nung nasa grade 12 kami. Pati kung hinde siya mabait, hinde siya magugustuhan ng mga tao sa Southville High diba?”

Lucas Adrian A. Elizalde~ pamilyar sakin yung mukha niya. Nagkakilala na ba kaming dalawa? Kung oo, saan naman?

Hinde na ako nagkainteres pa sa ibang lalaki simula nung naging kami ni Peter. Kuntento na ko sa kung anong meron ako nung panahong yun. Pero hinde ko alam kung bakit hinde ko matanggal yung mga mata ko kay Lucas. Merong something sa kanya na gusto kong malaman. Kung anu man yun, hinde ko alam. Tuwing nakikita ko sya, lagi niyang hawak yung gitara niya. Lagi niya ‘tong nilalaro, akala mo ay tao yung gitara dahil sa pag trato niya dun.

Ilang taon na ba siya? Siguro kung 20 years old siya, papatulan ko pa siya. Ayoko naman itanong kay Jam yung age ni Lucas, baka bigyan niya pa ng meaning yung pagtanong ko, although may meaning talaga.

Napailing ako. Epekto ba to ng pagka desperado? Nagkakaganito lang siguro ako dahil wala si Peter sa tabi ko. Wala lang to. Nasa phase lang ako ng depression, lilipas rin to.

Pagkapasok ko sa condo sinalubong kaagad ako ni Mariel. “Bakit ngayon ka lang! Kanina ka pa namin hinahanap ni Jam! Maligo ka na tapos mag bihis ka. Magsisimula na yung event in 1 hour and 30 mins! Kaya bilisan mong kumilos! Wag mo na akong galitin!”

Tumango lang ako. Sumunod ako kay Mariel na parang aso. Ayoko siyang galitin, kakaiba siya pagnagagalit. Wag niyo ng isipin kung paano. So naligo nga ako ng mabilisan at pagkatingin ko sa may kwarto ko ay nakita ko yung bistida at sapatos na inihanda sa akin ni Mariel. Sinuot ko na kaagad yung damit. Nung lumabas ako ng kwarto ko ay nakita ko silang dalawa sa may harap ng pintuan ko. Hinila nila ako pareho palabas ng unit namin. Hila hila parin nila akong dalawa hanggang makasakay kaming tatlo ng kotse.

“Teka san ba tayo pupunta?!” tanong ko sa kanilang dalawa. “Pinagbihis niyo ko ng ganitong damit tapos hinde niyo naman sasabihin sakin kung saan tayo pupunta!”

“Diba sabi mo gusto mong magpagupit? Ayaw mo lang kasi ayaw mong gumastos! Ako na bahala sa gupit mo! Ok??” sabi sakin ni Mariel.

Napangiti ako bigla nung narinig kong lilibre niya ako ng pagupit. Pero bakit biglaan yung pagoffer niya?

“Hoy. Bakit biglang galante ka ngayon?? Akala ko ba nagiipon ka?” tanong ko kay Mariel, “Sagutin niyo naman tanong ko!”

“May meeting tayo ngayon!”Simpleng sagot sa akin ni Mariel.

Hinila nila ako papasok sa parlor. Si Mariel yung kumausap dun sa hairstylist. Siya rin yung nagsabi kung anong style yung gagawin sa akin. She washed my hair then rinsed it. Sa sobrang biglaan ng mga pangyayari, nakita ko na lang yung finished product. Ang mahaba kong buhok… maiksi na ngayon. Hinde ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Kelan lang kinulayan ni Mariel yung buhok ko ng cool blonde, tapos ngayon pinagupitan niya ng maiksi. Para akong teenager sa buhok ko ngayon. May bangs pa ko! Pero hinde ako makaangal dahil gusto ko siya.

Lie About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon