Chapter Fifty Five- Trap

Start from the beginning
                                    

Tama nga siya. Sila dapat ang pinaka kailangan mag-ingat. Ano mang oras, maaari niyang patayin si Jasper, at maaari rin namin mapatay si Abigail.

"Tito, aalis na ko. Bye po" Pamamaalam ni Lexy. Tumingin ako sa kanya habang naglalakad palayo at nagtatali ng buhok. Hinawakan naman ako ni Ma'am Zedekiah sa balikat. "Pumasok ka na, huwag kang mag-alala. Babantayan ko siya 24 hours. Trust me" Nginitian ko lang si Ma'am at saka umalis narin.

-Ken Salazar's PoV-

Hayyss. Kanina pa umalis si Tropapits, nais niya kasing sunduin si Abigail sa bahay niya. Langya talaga, mukhang tinamaan na talaga siya. Kaaalis lang ni Bossing at ni Lexy. Habang si Ma'am Zedekiah naman ay nagaayos rin ng mga baril. "S-San po kayo pupunt--"

"Susundan ko si Lexy. Delikado buhay niya ngayon. Hindi ko sinabi sa kanya dahil baka mangamba lang siya at hindi pumasok. Baka paghinalaan pa siya ni Jarvie" Suno-sunod niyang sagot. Ang galing nga eh, alam na niya 'yung itatanong ko.

"Ahh, sige po" Aakmang aalis na ko ng magsalita siya. "Untied her"

"Huh?"

"Ibig kong sabihin, pakawalan mo si Tiara" Ano?

"B-Baka magalit po si--"

"Sinabihan ko na si Robert about dito.." Sabi nito sabay zipper ng bag niya at sinuot. "Sabay na tayong pumunta sa Scarlett's House. Takutin mo 'yung babae at utusan mong nakatakas siya sa atin. Doon mo lang siya iwan sa labas para mas akalain nilang nakatakas siya, before you do that thing..."

Natahimik naman ako at hinintay ang susunod niyang sasabihin. "....make her suffer first"

ANOOOOOO?!?!?!

SA GANDA NIYANG 'YUN? GAGANUNIN KO SIYA?

"Why? Ayoko ng mabagal. Kunin mo 'yung dos por dos sa ilalim ng kama at dumiretso ka sa basement. Bilisan mo, wag kang pabagal-bagal"

"Tsk. Yes Ma'am" Nilakasan ko ang pagsara ng pintuan para malaman niyang galit ako. Tss, kawawa naman tuloy siya. Pero wala kong nagawa kundi magpanggap nalang na kunwari sinaktan ko siya. Maawain pa naman ako pagdating sa mga babae. Ako pa? Tsk tsk.

-Abigail's PoV-

*KRIIIING* *KRIING*

Mabilis akong bumangon sabay patay ng alarm clock ko. Inuunat ko muna 'yung sarili ko. Hayyyyy! "Good Morning!" Nakangiti kong bati. Pinagmasdan ko ang room ko, hanggang sa natuon ang pansin ko sa isang litrato na nakapagpawala ng ngiti ko.

*pout*

"Papa naman ehh, bungad" Sabi ko sabay kuha ng litrato niya. Tumayo na ako at--

*BOG*

Ano 'yun? Tumingin ako sa ibaba at doon ko nakita ang isang box. Pinulot ko naman 'yun at inilapag sa kama. Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang lipstick, hello kitty na ipit at gold na kwintas pati 'yung bracelet na nakalagay ay 'Abigail' kasama din dito 'yung dalawang wattpad book na libro.

May isang ngiting gumuhit sa labi ko. Ito pala 'yung mga regalo nila noong birthday ko. Kinuha ko 'yung gold na kwintas pati narin ang bracelet na bigay ni Papa at Ivan saka sinuot, sinara ko ang box at binalik sa dati. Ganoon din sa frame. Pagkatapos lumabas ako ng kwarto.

Nakita ko si Mama na formal ang uniform, siguro papasok na siya sa trabaho. Noong makababa na ako, napansin ako ni Mama at niyakap ako. "Good Morning Honey, breakfast is ready. Tara?" Ngumiti naman ako saka sabay kaming pumunta ni Mama sa table. Nakita ko si John na nakangiti. "Good Morning Bae"

My Boyfriend Is A KillerWhere stories live. Discover now