-

Christan Apxfel's POV

Nagdadrive na ako ngayon papunta sa Chandford. Ang aga-aga pero wala akong gana.

"Hey. Baka gusto mong mag salita? Kagabi ka pa. Sige, mapapanis na yang laway mo." Sabi ni Bobbie.

I just shrugged.

"Chris, matanong ko lang. Bakit mo ba kasi siya sinigawan kagabi? You made a scene right there. Are you out of your mind?!" Sigaw ni Bobbie.

Nakakapintig ng tenga.

"Ayokong umiinom siya. Okay?! Tapos nakita mo ba yung suot nila nung Calix na yun? Naka couple shirt pa yata sila. Bakit ha? Sila na ba?! Fuck that!"

Ayan. Naaalala ko ulit yung mga nangyari kagabi. Naiirita nanaman ako!

"Para kang bitter na ex boyfriend!"

"Because I really am!" Sigaw ko pabalik kay Bobbie.

"Alam mo, Chris? You're just ruining everything."

Sabi ni Bobbie na nakapag patahimik naman sa'kin.

"Ang gulo mo. We're doing this for her, remember? Ginagawa natin 'to para magalit siya sayo. Ginagawa natin 'to para mas mabilis na siyang maka move on. I can't understand you. You want this right? You asked for this!"

Hindi na ako nakasagot pa kay Bobbie.

I don't expect her to understand me. Dahil ako mismo hindi maintindihan ang sarili ko.

And yes. I asked Bobbie for this. I asked her to pretend.

Hindi siya ang fiancee ko. Hindi siya iyong pakakasalan ko.

Ang totoo niyan hindi ko pa nakikilala kung sino ang pakakasalan ko. Tinawagan ako ni Mama, ang sabi niya medyo matatagalan pa daw ng kaunti bago ko makikilala yung magiging fiancee ko.

Nang malaman ko yon, si Abigail agad ang naisip ko. I can't prolong the agony. Ayokong nakikita siya na lagi na lang nasasaktan.

Nakilala ko si Bobbie sa States. Nag aral ako sa isang academy doon. Tinapos ko kasi ang requirements ko dahil nga 2 months pa ang kailangan bunuin para grumaduate.

My stay in States had been such a big blur. Wala nga akong naging kaibigan sa academy simply because I don't want to have one.

Kaklase ko si Bobbie. Siya lang yung talagang pursegidong kausapin ako kahit ayoko siyang kausapin. We've been friends. Kinda.

Nagulat ako ng makita ko siya isang beses sa Mall. Doon ko nalaman na dito na pala siya mag aaral sa Chandford. Kaya naman nung araw na mag e-enroll siya e sinamahan ko siya.

Sa totoo lang, wala akong balak na mag panggap kami.

Pero nung araw na yun, nung makita ko si Abigail at Calix.. bigla ko na lang naisip na sabihing fiancee ko si Bobbie.

Buti na lang din at sinakyan niya ako ka agad.

Alam kong masasaktan ko si Abigail. Pero mabuti ng ngayon pa lang masaktan ko na siya. Kesa mapatagal pa itong lahat ng 'to.

Gusto ko kapag nakilala ko na yung totoong pakakasalan ko, move on na si Abigail sa'kin. Gusto ko wala na siyang nararamdaman pa para sa'kin. Para sa araw na ikakasal na ko, hindi na siya masasaktan pa. Para sa araw na yun, okay na siya.

That is the least I could do for her.

Pero itong mga dumating na araw, hindi ko na maintindihan ang sarili ko. I am jealous. And fuck.. hindi ko matago!

Lalo na nung birthday party ni Zimmer.

I was damn jealous at them! Nag tatawanan pa silang dalawa. Buti na lang nung sinubuan ni Calix si Abigail e hindi niya sinubo. Nakahinga ako ng maluwag non pre!

Naka dikit lang yung tingin ko kay Abigail. Kaya nung makita ko na umangkla siya kay Calix nung games na e umalma ako. Sabi ko na mag bunutan na lang. Buti din at pumayag sila.

Nung sinabi ni Zimmer na siya ang gagawa ng bunutan, sumama na ako agad. Hindi para tumulong sa pag gawa. Kung hindi para makuha ko ang pangalan ni Abigail.

Ang tagal pa namin dahil ayaw ni Zimmer. Pero wala naman siyang magagawa dahil kaibigan niya ako at hindi siya pwedeng tumanggi.

Kami ni Abigail ang naging mag partner.

Ngayon nga e Apple Eating na ang paboriting kong laro. Nahalikan ko kasi si Abigail doon. Buti na lang talaga nakisama yung mansanas at dumulas.

Kami pa sana ang mag partner sa susunod na game kaso sumingit 'tong si Bobbie.

Muntik na akong maasar pero pinaalala niya na dapat pinag seselos namin si Abigail.

Yun naman talaga ang goal. Hindi ko lang nagagawa ng ayos.

Shit kasi. Hindi ko mapigilan yung bugso ng damdamin ko!

Biglang na lang nag ring yung phone ko. Sinagot ko naman yun agad.

"Bakit, Zim?"

"Man, I got a news for you. Not sure if this will make you feel good or mad tho." Sabi ni Zimmer sa kabilang linya.

"What is it?" Tanong ko.

"Nakasalubong namin si Frans at Calix kanina. Ang sabi ni Frans nag pasa sila ng excuse letter because they are going on a 3 days vacation. The two of them are going to seize some famous white sand, bro." Ika ni Zimmer.

Kumunot yung noo ko at agad na ini liko yung kotse ko.

"Saan tayo pupunta?!" Takang tanong ni Bobbie.

"Sa Aklan."

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon