"Ang galing mo naman magsalita na akala mo girlfriend mo ang hinalikan ko! Wala kang karapatan na gumanti sa ginawa ko kay Cassandra dahil hindi ikaw ang boyfriend! Humanap ka muna ng girlfriend mo tapos hahalikan ko at doon mo ako balikan!" Mas nagalit si Hanz sa sinabi ni Lance. Bakit ganito siya magsalita na parang simple lang ang ginawa niya?

"TAR*NTADO KA PALA! Makalapit lang ako sayo at sisiguraduhin kong hindi ka na makakapagsalita sa gagawin ko sayo!" Pinipilit na makaalis ni Hanz pero hindi siya binitawan ni Brix. Mabuti na lang at kayang niyang pigilan ito.

"Tatanggapin ko pa ang suntok ng boyfriend ni Cassandra kaysa sayo dahil siya ang may karapatang magalit at hindi ikaw!" Ayaw pa talagang magpatalo ni Lance.

"Then accept my grudge for kissing what's mine!" Napatingin ako sa nagsalita at nakita kong sinuntok nito si Lance habang hawak ng bouncer kaya nabitawan ito.

Sa harap ng napahigang si Lance ay nakatayo si Clyde na galit na galit."The real boyfriend is here! So kumpleto na pala ang cast!" Tumawa ito na parang nakakatawa ang mga nangyayari.

"Natanggap mo na pala yung picture na pinadala ko sayo. Ang ganda ng pagkakakuha ko di ba,Clyde! Sakto sa paghalik ko sa labi ng girlfriend mo!"

"YOU BASTARD! I WILL KILL YOU FOR KISSING MY GIRLFRIEND!" Hindi tumigil si Clyde sa pagsuntok kay Lance kahit pinipigilan na siya ng mga bouncer ay hindi pa rin siya tumitigil. Lumapit na ako sa kanya baka mapatay niya nga si Lance.

"Sir tama na po. Hindi na po makatayo si sir Lance."hindi pa rin siya nakikinig sa pakiusap ng mga bouncer.

Niyakap ko siya,"B-Baby t-tama na. Hindi na niya kayang lumaban. P-Please tumigil ka na." Tumigil ito at humarap sakin para mayakap ako.

"Shhhh...titigil na ako,baby. Huwag ka ng umiyak. Hindi mo dapat iyakan ang nangyari sa kanya. Kasalanan niya kung bakit siya nagkaganyan" Umiiyak ako hindi para kay Lance kundi para sa kanya. Nakasakit siya ng ibang tao para sa akin. Inaalala ko rin na baka galit siya sa nangyari.

"C-Clyde g-galit ka ba s-sa akin?" Pinunasan nito ang luha ko at ngumiti.

"Hindi kasalanan ng baby ko kung bakit nangyari to. Alam kong hindi mo gusto ang nangyari kaya ka ba umiiyak dahil akala mo galit ako sayo?" Tumango ako.

"Hindi ako galit sayo kundi sa lalaking ito" tiningnan niya si Lance na nakahandusay sa sahig.

Pinagtulungan ng dalawang bouncer na itayo ang walang malay na si Lance. "Sir saan po po namin dadalhin si sir Lance?"

"Bring him to the hospital and close this bar. Check all the cellphones of the customers who recorded this scandal and make sure you delete them!" They nodded.

"FOR THOSE WHO WANTS TO SPREAD THIS SCANDAL OR INVOLVE THE MEDIA ABOUT THIS, I WILL MAKE SURE THAT YOU ALL SPEND YOUR DAYS IN JAIL SO YOU BETTER KEEP YOUR MOUTH SHUT." Tumahimik ang lahat at yung mga taong kumukuha ng picture at nagvivideo ay tinago ang mga cellphones nila.

"Baby, we need to go. Did you bring anything with you?"

"My bag."hinawakan niya ang kamay ko.

"Where did you put your bag?" Tinuro ko kung saan kami umiinom kanina. Nakita kong nandoon pa rin ang mga kasama ko. Kinuha na ni Clyde ang bag ko habang hawak ang kamay ko. Tumingin siya sa mga kasamahan ko,"Thank you for protecting my girlfriend. Don't mind your bills anymore, it's my treat.If you don't want to work for tomorrow is fine with me. I will just talk to your head department. Let's go, Cassandra."

Umalis na kami. Nagsisilayuan ang mga taong nadadaanan namin.Hindi ko sila masisisi dahil alam kong hindi pa rin humuhupa ang galit ni Clyde.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya at pumasok na ako. Nakasakay na rin siya kaya pinaandar na nito ang kotse. Walang may balak na magsalita sa amin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Hindi man siya galit sakin pero may kasalanan rin ako.

My So Strict Boss (Bachelor Series)Where stories live. Discover now