10 - AnselNia

3.6K 54 0
                                    

~

"KUYA!"

Napatingin naman si Ania sa lalakeng tinutukoy ni Diane. Gulat na gulat naman si Ania, dahil wala siyang ideya na marunong pala maglaro ng basketball si Anselmo. "Wait, siya ang coach ng basketball team?"

"Oh, yes, Ate Ania. My one and only brother, that is." Tugon ni Diane habang kinakawayan ang nakatatandang kapatid. "I'll be going na, Ate Ania. Bye!" Ngiti na lamang ang tugon ni Ania, at binalikan na si Sofia.

---

"You didn't tell me marunong siyang magbasketball?" Nanghihinayang na sabi ni Ania kay Sofia, habang papunta pabalik sa kanilang classroom. "You never asked though." Tugon ni Sofia at binigyan ng isang makahulugang smirk si Ania.

"Look, wanna know kung kailan ko ba talaga unang nakilala si sir?"

"Tell me about it." Tipid na tugon ni Sofia, habang kinakalkal ang cellphone sa loob ng kanyang bag. "I first saw him in a mall. Natabig ako with a Starbucks drink nung kapatid niya, si Diane, the girl I talked to a while ago sa court. Then, he offered me na bibigyan niya ako ng kapalit na damit."

Napatango naman si Sofia, and looked convinced sa kwento ng kaibigan. "Ah..." Siniringan naman siya ni Ania, dahil halatang hindi nakikinig si Sofia sa kwento niya. "Bahala ka na nga dyan! Hindi ka naman nakikinig eh." Singhal ni Ania, at hinila na si Sofia ng patakbo papunta sa kanilang classroom dahil konting minuto na lang, at late na sila.

---
Dismissal

Kasalukuyang magkasamang naglalakad sina Meishel at Ania sa hallway ng unibersidad. Kinekwentuhan ni Ania si Mei, tungkol sa nangyaring hiwaga kanina sa kanilang seksyon.

"Bet na bet mo naman... Kilala kita from head to toe, noh!" Pang-aasar ni Mei kay Ania, na ngayo'y nakikipag-text kay Ythan upang itanong kung naipadala na ang sulat na ipinadadala niya para kay Anselmo.

"Hoy girl! Sino ba yang katext mo? Don't tell me, nakuha mo agad number ni sir ah."

Napatingin bigla si Ania kay Mei at tiningnan ito ng masama. "Tungek! Katext ko si Ythan---"

"TANGINA GIRL! SI YTHAN NAMAN NGAYON?!?! KANINA SI SIR, NGAYON SI YTHAN?!?! WAG AKO..." Laking gulat na singhal ni Mei sa sagot ng kaibigan, kaya't binatukan na siya ni Ania.

"Lintek naman, Meishel! Tinatanong ko lang dito kay Ythan kung naipadala na ba niya yung sulat. Ano ka ba naman?" Pabulong na tugon ni Ania, dahil pinagtitinginan na sila ng estudyante doon.

"Sorry. Peace yow, kabayow!"

"Halika na nga... Baka andoon na si Mang Alben."

Nagmamadaling kumaripas ng lakad si Ania, at hindi na siya nakatingin sa dinadaanan, kaya't sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla na lamang niyang nakabungguan si Prince Charming, este si... Alam niyo na! ;)

Dahil sa bunggua'y nahulog lahat ng libro't kwaderno na dala-dala ni Ania. Tinulungan siya ng binatang nakabungguan niya, kaya dahilan ito ng aksidenteng paghawak ng lalake sa kamay ni Ania.

Tagaktak na ang pawis ni Ania dahil sa napakalapit ng mukha niya sa mukha ni Anselmo. Syempre si Mei nama'y hindi mapakali kung anong gagawin niya.

Hanggang sa bumalik na sa tamang wisyo si Ania, ay bigla itong lumayo sa guro. "Ah... Tha-thank you po, si-si-sir..." Pautal-utal na wika ni Ania. "Your welcome. But please be careful next time." Tugon ni Anselmo at dire-diretsong pumunta sa faculty room.

"Uy. Anyare dun? Parang sumama ang timpla ng mood." Biglang imik ni Mei, na ikinakuha ng atensyon ni Ania. "Hayaan mo na. Baka busy lang yung tao. Tara na nga!"

My Sir, My Lover?! |COMPLETE|Where stories live. Discover now