dangerous chapter two

Start from the beginning
                                    

Nagsimula na silang maglakad papasok sa loob ng bahay. Nang makapasok sila ay maingat na ipinaupo ni Henry si Rose sa sofa. Tahimik doon at siya lang at ang dalawang yaya niya ang kasama niya. Nang makita sila ng isa nyang matandang yaya na si Yaya Jean, ay agad itong lumapit na may pag aalala sa mukha,

"Oh, Henry. Sino sya?-" napatingin ito sa mga sugat at mukha ni Rose, "nako! Anong nangyari!? Bakit sya may mga sugat at pasa-" bago nya pa matapos ang sasabihin ay nagsalita na si Henry.

"Yaya Jean, will you please get the first aid kit? I need to clean her wounds before she got infected." Utos niya sa yaya.

"S-sige. Nakoo!" Mabilis namang naglakad si Yaya Jean para kunin ang first aid kit. Pagbalik nito ay may dala na rin syang towel at ekstrang damit,

"Ho, eto," iniabot nya iyon kay Henry, "palinisin mo muna sya ng katawan, Henry, bago mo tabunan ang mga sugat niya." Payo ni Yaya Jean.

Inilapag ni Henry ang mga ibinigay ni Yaya Jean sakanya at mabilis na inihatak si ang yaya nya ng medyo papalayo kay Rose. At bumulong ito,

"Ya Jean, b-but she can't talk right now. And I think, she has a trauma or something, I don't know. I just think something bad happened to her." Mahinang sabi ni Henry sakanyang yaya.

"P-pero saan mo ba sya nakuha o nakita? Hindi mo sya kilala, Henry! Baka mamaya magnanakaw yan o kung ano, baka nabibiktima ka lang sa kan--"

"No! let's just not talk about that right now! All I want you to do is help to clean herself up at the bathroom, understood?" Utos niya at patuloy na bumubulong sa isat isa. Tumitingin tingin naman sya kay Rose, na nananatili lang na nakaupo sa sofa.

"P-pero, Henry!"

"Yaya! Please? Just listen to me."

Napabuntong hininga na lamang ang yaya nya at pagkatapos nun ay bumalik na sila sa harap ni Rose. Wala pa rin itong emosyon.

"Um... Rose?" Tumabi sya kay Rose sa sofa, at sumunod naman si Rose ng tingin sakanya, "she's Yaya Jean," itinuro nya ang yaya, "and she's going to help you to clean yourself at the bathroom, okay? Just follow her and I swear... She's a kind person..." Ngumiti sya kay Rose, pero hindi ito tumingin kay yaya Jean.

Nakita ulit ni Henry ang dahan-dahang pagbukas ni Rose ng kanyang bibig at inaabangan nya ang bawat sasabihin nito.

"No." Shaking her head, "I want you to go with me." She simply said. Mahina at mahinhing sabi nya kay Henry. Napatulala lang si Henry sa sinabi nya. His mouth fell open. Pero nanatili lang nakatitg si Rose sa mga mata ni Henry.

Nagulat si Henry sa sinabi nya.

"B-but, darling..." Sumingit ang yaya ni Henry sa usapan nila, "lalaki sya eh, ako nalang ang sasama sayo. At hindi pwed-" pinigilan sya ni Henry sa pagsasalita ng tumingin so Rose sa kanyang yaya.

"No, Yaya." Tumingin na ulit si Rose kay Henry, "of course, Rose. Uhh... Ganito nalang, sasamahan kita pumunta doon sa bathroom... Pero kapag maliligo kana, doon nalang ako sa labas maghihintay ako sayo. Promise, hindi ako aalis, okay ba yon?" Sabi nya kay Rose at itinaas ang mga kilay nya hinihintay ang pagsang-ayon ni Rose sakanya.

Hindi nagtagal ay tumungo ito. Napangiti si Henry.

"Okay, then. Halika na?" Mahinahong aya nya at tumayo. Ibinaba nya din ang isa nyang kamay para ayain na si Rose na tumayo, ngunit nag aalala pa rin ang yaya nya para sakanya,

"Are you sure about this, Henry?"

"Yeah. I can handle this." Sagot niya at nakita nya na tumayo na si Rose kaya agad niya na itong inlalayan papatayo.

Dangerous RoseWhere stories live. Discover now