Goodbye

90 6 0
                                    

Karamihan ng mga lalaki ngayon hindi seryoso sa relasyon, manloloko at playboy. Pero iba ka sa kanila, hindi ka nila katulad, ikaw yung lalaking hindi habulin ng babae pero totoo at sobra-sobra kung magmahal

Naalala ko pa nung highschool, crush na crush mo si Alicia, bestfriend ko. Matagal na akong may gusto sa'yo nun bago pa man kayo magkakilala ni Alicia, kaso gusto ka rin ng bestfriend ko kaya nagparaya ako.

Hindi rin pinatagal ni Alicia ang panliligaw mo sa kanya at sinagot ka niya agad. Tuwang tuwa ka noon, hindi mapantayan ang saya mo nung araw na 'yun. Niyaya mo pa nga akong magcelebrate pero tumanggi ako

Lagi akong sinasama ni Alicia tuwing nagdedate kayo, ang saya-saya niyo nun samantalang ako, nasasaktan. Mahal pa rin kasi kita pero kaibigan lang ako para sa'yo

Inabot ng ilang buwan at taon pero kayo pa rin. Akala ko kayo na ang magpapatunay na may forever hanggang sa dumating ang araw na 'yun.

"Magbreak na tayo Jude, ayoko na"

Alam ko na dapat akong malungkot para sa'yo at sa bestfriend ko pero parang nabuhayan pa ako ng pag-asa noon, pag-asa na magugustuhan mo rin ako.

Sobra kang nasaktan dahil kay Alicia, araw-araw kang naglalasing at madalas ay nagkukulong ka lang sa kwarto mo, nag-aalala na sa'yo sina Tito at Tita noon kaya kinausap nila ako

Pinakiusapan nila ako na kausapin kita at baka sakaling matulungan kitang magmove on kay Alicia. Gusto ako ng mga magulang mo para sa'yo pero iba naman ang nilalaman ng puso mo

Nagdaan ang mga araw, linggo at buwan at unti-unti ka nang nakakabangon dahil sa tulong ko, bumabalik na 'yung dating ikaw; yung palangiti, laging positibo, masayahin, at palatawa.

Makalipas pa ang ilang buwan ay niligawan mo ako, hindi ako makapaniwala na dadating rin ang araw na 'yun. Sobrang saya ko nun dahil sa wakas mahal na ako ng taong mahal 'ko

Nagtagal ng dalawang taon ang panliligaw mo sa'kin, gusto ko kasing malaman kung seryoso ka talaga sa akin dahil parang panaginip lang ang lahat, pero hindi, totoo na talaga ito

"Sinasagot na kita, Jude"

"Seryoso ka Julie?"

"Oo"

Nagtatalon ka nung araw na 'yun at nagsisigaw sa sobrang tuwa, pinagtitinginan na tayo ng mga tao sa park pero wala kang pakialam.

Naging masaya ang relasyon natin, linggo-linggo tayong nagdedate tuwing sabado pagkalabas mo sa part time job mo. Hindi nawala sa relasyon natin ang tampuhan at away pero inaayos rin agad natin bago matapos ang araw

Sweet ka, maaalahanin at gentleman. Na sa'yo na ata ang lahat ng mahihiling ng babae sa boyfriend niya. Para kang isang prinsipe at ako ang iyong prinsesa

Nagtagal ang relasyon natin hanggang makatapos tayo ng pag-aaral at may trabaho na tayo pareho. Makalipas ang ilang taon ay nagpropose ka sa akin, tuwang tuwa ako noon. Ako yata ang naging pinaka masayang babae nung araw na 'yun. Dati hanggang sulyap lang ako sa'yo, ngayon papakasalan mo na 'ko

Nagpakasal tayo sa mismong araw na sinagot kita. Simpleng intimate wedding lang sa pinakamalaking simbahan dito sa atin ang kasal.

Perpekto at maayos na ang naging pagsasama natin hanggang isang araw, bumalik si Alicia galing Paris at nagbalik sa buhay natin. Nagpaparty siya sa makalipas ang ilang araw pagkatapos niyang umuwi

Parang nagningning ang mga mata mo ng makita mo siya, hindi mo rin napigilang ngumiti nung kinausap ka na niya. Gusto kong isipin tuwang tuwa ka lang dahil ngayon lang ulit kayo nagkita, pero iba ang saya mo ngayon, may kinang ang mga mata mo tuwing tinitignan mo siya. Kahit kailan hindi mo 'ko tinignan ng ganun

Pinalagpas ko ang mga nakita ko. Pinilit kong itinago ang mga napansin ko sa'yo nung gabing 'yun. Alam mo ba? Gustong gusto kitang tanungin kung mahal mo ba talaga ako pero hindi ko magawa, baka kasi mag-away pa tayo

Dumaan ang mga araw at parang nalalamig ka sa'kin, bihira na tayong magdate, dalawang beses na lang sa isang buwan minsan nga, isang beses lang. Gusto tuloy kitang tanungin. Anong problema? Nagsasawa ka na ba sa akin?

Pinalagpas ko na lang ulit yung panlalamig mo sa akin. Ayoko kasing mawala ka sa akin, hindi ko kakayanin. Ikaw ang buhay ko, Jude

Napapansin na rin ni Mama at Papa pati ni Tito at Tita ang panlalamig mo sa akin. Nag-aalala sila na baka magpatuloy ito at tuluyan na tayong maghiwalay, kaya pinayuhan nila ako na kausapin ka.

Kakauwi mo lang ng trabaho noon ng maisipan kong kausapin ka na para maayos na natin ang problema, pero bago pa man ako magsalita, lumuhod ka sa harapan ko at nagsorry.

"I'm really sorry, Julie. Pangako, babawi ako sa'yo"

Tinupad mo ang pangako mo, bumawi ka sa akin. Lagi ka nang may time sa akin at inaagahan mo na ang uwi mo galing trabaho para maabutan mo pa akong gising.

Akala ko okay na ang lahat nun, pero hindi pa pala. Isang araw, nagising ako ng madaling araw dahil sa isang panaginip, sinubukan kitang gisingin pero napakahimbing ng tulog mo.

Matutulog na sa ulit ako ng marinig kitang magsalita. Binabanggit mo ang pangalan niya, ang pangalan ni Alicia. Nasaktan ako nun Jude! Akala ko kasi okay na, akala ko ako na ang mahal mo, akala ko nakalimutan mo na siya. Siguro totoo nga ang kasabihang True love never dies

Siguro hindi talaga tayo ang para sa isa't isa. Ayoko nang paasahin ang sarili ko na mamahalin mo rin ako katulad ng pagmamahal mo kay Alicia. Totoo ka ngang magmahal, pinatunayan mo sa akin ang undying love mo para kay Alicia, pag-ibig na kahit kailan ay hindi mapapantayan ng pagmamahal na binigay mo sa akin.

Hanggang dito na lang siguro tayo, hindi na ako magiging hadlang sa kaligayahan mo. Palalayain na kita hindi lang para sa'yo at kay Alicia, kundi para din sa akin, kailangan kong hanapin ang sarili ko at maghanap ng lalaking magmamahal sa akin katulad ng pagmamahal mo kay Alicia.

Magpakasaya ka. Salamat sa lahat.

Goodbye, Jude.

Basurahan Ni IUWhere stories live. Discover now