The Bike

260 11 1
                                    

"Keith! Anak, gising na!" nagising ako sigaw ni mama, tinignan ko agad ang alarm clock

Napabangon bigla ako sa kama nung nakita kong 7: 30 na pala, bwisit ang alarm clock na 'to, kakabili ko lang nito kahapon tapos hindi naman pala gumagana

Lumabas agad ako ng kwarto at nagpunta agad sa banyo, nagshower na lang ako pagkatapos nun ay nagbihis na ako, hindi na ako kumain sa sobrang pagmamadali ko, kumuha na lang ako ng isang tinapay bago ako umalis

Hindi ko makita yung wallet ko kaya no choice ako kundi maglakad papunta sa school, ayokong sabihin kay mama dahil mumurahin lang ako nun pag sinabi kong naiwala ko yung wallet na gift nya sa akin nung birthday ko

Pag labas ko ng bahay namin nakita ko ang bicycle ng kapatid ko, hindi ako marunong magbisikleta pero kung gagamitin ko 'to mas mabilis akong makakarating sa school, kinuha ko yung bike at nag-umpisa nang maglakad, mamaya ko ito sasakyan pagkalabas ko ng subdivision para walang makakita sa akin kahit magmukha akong tanga

Bigla namang nagring yung cellphone ko at nakita kong tumatawag na pala si Louis sa akin

"Hello? Kung itatanong mo kung papasok ako, oo ang sagot ko dyan, sadyang hindi lang gumana yung lintek na alarm clock na kakabili ko lang kahapon" bigla naman syang natawa

"Anong nakakatawa?" tanong ko kay Louis

"Wala, wala! Bilisan mo na, pinaloadan lang ako ni Ma'am para matawagan ka" sabi nya pagkatapos ay tumawa sya ng tumawa saka nya inend call

Kanina pa pala nandun si Ma'am at pinaloadan nya pa talaga si Louis para matawagan ako, no choice ako kundi sumakay na agad dito sa bike

After 20 minutes kong nagbabalanse sa bike na 'to ay malayo malayo na rin ang narating ko, konti na lang ay malapit na ako sa school, kung hindi ko lang sana naiwan ang wallet ko eh di sana nakasakay na ako sa bus

"Aray!" sabi ko nung biglang natumba yung bike kaya natumba rin ako at nadaganan ng bike, mabuti na lang at wala akong sugat sa legs

"Ok ka lang miss?" tanong sa akin ng isang lalaki, matangkad sya payat, maputi at maganda ang mga mata, kissable rin ang lips nya

Shit, ano ba 'tong iniisip ko? Erase, erase

"Ah hindi eh" sabi ko sabay ngiti sa kanya, sasakay na ulit sana ako sa bike ng pinigilan nya ako

"Gusto mo turuan kita para makabalanse ka ng maayos?" tanong nya sa akin habang nakahawak sa manubela ng bike ng kapatid ko

"Sure!"

***

"Alam mo ba, ang bike parang pag-ibig yan, isipin mo na isip yung manubela at ang puso naman ang pedal" taray! May kasamang hugot ang pagtuturo nya sa akin

"Ganito kasi yun, kung puro puso ang paiiralin mo sa pag-ibig hindi maganda ang magiging takbo ng relasyon dapat pinapairal din ang isip parang sa pagbabike, pag puro pagpedal ka lang at hindi ka marunong magbalance, matutumba ka" dagdag pa nya

"Dapat tigasan mo ang hawak mo sa manubela para makabalance ka at hindi ka matumba, wag ding masyadong mabilis ang pagpedal mo dahil baka maaksidente ka" nakita kong nakawak sya sa bewang ko, shit kinikilig ako enebe

Nakita ko na nakasuot sya ng watch, kaya tinignan ko na rin yung oras

"Ahh, sige thank you! Kailangan ko nang magmadali, late na late na talaga ako" paandarin ko na sana yung bike pero bigla nyang hinawakan yung manubela kaya napahinto ako

"Ako na ang magbabike umangkas ka na lang, saan ba yung school mo?" tanong nya pagkatapos naman ay nilabas nya yung dimples nya at ngumiti na nagpahina sa mga tuhod ko

Basurahan Ni IUWhere stories live. Discover now