-

Ngayong umaga, may mga pumunta sa bahay na katrabaho ni Tita Shar, mommy ni Calix.

May campaign sila kaya kailangan ng model na kukuhaan para sa poster. Hindi na lumayo si Tita at kami na ni Calix ang kinuha niyang model.

Pinagsuot kami ng t-shirt na pareho ang design. Iyon daw kasi ang logo ng campaign nila.

Mabilis lang din natapos kasi nakuha na daw nila 'yung gusto nilang shot.

Tawanan lang kami ng tawanan ni Calix. Hindi ko tuloy alam kung ano ang itsura nung mga kuha sa amin... pag puro kita ang galigid ang mga iyon, sasapakin ko si Cal dahil patawa siya ng patawa!

"Sa wakas natapos din." sabi ni Calix sabay higa sa sofa.

"Don't tell me na napagod ka?" natatawa kong tanong sa kanya.

E kasi naman, nag pose pose lang kami doon.

Ngumuso lang siya.

"Gagawa ako ng meryenda natin! Tapos manuod tayo ng movie. Ano? Game?" sabi ko.

"Game!"

Gumawa lang ako ng hotdog at egg sandwich tapos si Calix naman ay nag timpla ng juice.

"Anong gusto mong panuorin?" tanong ni Cal.

"X-men?"

"X-men!"

Madali lang kami nag kasundo ni Calix sa papanuorin. Isa kasi 'yun sa mga paborito naming dalawa.

Nasa kalagitnaan na kami ng movie ng biglang may nag door bell. Sabi ni Cal ay siya na 'yung titingin kaya naman nagpatuloy lang ako sa panunuod.

Nang medyo matagal na nung bumalik si Calix ay lumabas na rin ako.

"Paui? Zimmer?" nagulat ako nang makita silang dalawa.

Si Paui pala at si Zimmer yung nandoon.

"Bakit?" tanong ko naman agad.

"May post party daw si Zim." sagot naman ni Calix sa'kin.

"Yep. I'm having a post party tonight. And you guys will join us even if you like it or not." sabi ni Zim.

"Wala kayong choice, guys. Kailangan niyong bumawi." ani Paui.

Natawa kaming pareho ni Calix.

"Oo na, sasama kami." sabi ko sa kanila. Wala namang dahilan para humindi diba?

"Magbibihis lang kami sandali." I told them. Maglalakad na sana ako papasok pero nagsalita naman si Paui.

"Bihis? Wag na!" sabi nito tapos ay hinila na nila kami ni Calix pasakay doon sa van nila.

"Grabe ha. Kidnapping 'to." biro ko pagkasakay namin doon sa van.

"Di kami nakapagbihis. Tignan niyo ang suot namin." sabi naman ni Calix na tila nabubugnot sa kanyang suot.

Natawa maman agad ako. Oo nga pala! Suot pa namin yung t-shirt sa campaign!

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon