Chapter 5.2.2

Magsimula sa umpisa
                                    

          “Buti pa nga…”  Bumuntong-hininga siya at napalingon lang ako sa kanya.  Wagas kung makabuntong-hininga ‘tong isang ‘to!  Parang namatayan lang.  Pero sino nga ba 'yun?  Girlfriend ba talaga ni pangit 'yun?  Pero bakit?  Hindi naman siya kagandahan. Nagayuma kaya siya? That's crazy.

~~

            Kinagabihan ay muling nagpunta si Ricky sa mansion namin.  Wala ako sa mood kanina pa at naglalaro sa utak ko ang eksena nila n'ung babae niya.

          “You’re five minutes late!”  Nakasimangot pang bungad ko.

            “Sorry.”  Tipid na sagot lang din niya at agad na naupo sa katapat na upuan.

            “Hindi ko binasa ang mga minarkahan mo, tinatamad ako!”  Inis na sabi ko pa and I was actually trying to piss him off too.

            Sa halip na sumagot ay umiling lang siya at nagbuklat na rin sa libro.  Acting cool eh?

            “Nakakadiri ang eksena n'yo n'ung girlalu mo sa canteen kanina!  Sa susunod, ipasok mo na lang sa kwarto!”  Wala pa sa loob na sabi ko at ang hirap ding itago ang inis.

          “What?”  Napakunot-noo pa siya.

            “Ka-cheapan ang public display of affection ninyong dalawa!” 

          “Are you jealous again?” Nalaglag lang ang panga ko sa tanong niya at sarkastiko pa siyang ngumiti.

            “I think you're crazy.”  Umirap lang ako at hindi ko alam kung bakit nga ba kinabahan ako sa tanong na 'yun.

          “You’re jealous, right?”

          “Kapal naman ng mukha mo!  Super!”  Inis lang akong umirap.  “Concern lang ako dahil pinag-uusapan ka na sa school!”

          “Now, you’re concerned?”  Isinandig pa niya ang dalawang kamay sa table at matamang tinitigan ako sa mukha.  Pakiramdam ko ay uminit ang pisngi ko sa paninitig niyang iyon.

            “I am not concerned!”  Depensa ko pa.

          “You just said, you’re concerned.”  Ngumisi pa siya, gago talaga. “In love ka na ba sa akin?”

Muling napaawang ang labi ko sa tanong niya.  Where the hell did that came from?! 

          “Wow!  Wow!”  Masungit ko pang sagot.  “Adik ka 'no?!  Anong tinira mo?  Lakas nang tama mo, tsong!” 

            “You can deny all you want,”  Kaswal lang na sabi niya at umayos lang siya nang upo.  “Let’s get started.  Hinihintay pa niya ako.”

          “Really?”  Pinilit kong ngumiti kahit na naiirita akong lalo sa sinabi niya.  “Live-in na kayo, gan'un ba?”

          “Wala ka nang pakialam.”  Seryoso lang na sagot niya.  “Let’s start with this one.”  Itinaas pa niya nang bahagya ang libro at pinutol na nang tuluyan ang topic namin kanina lang.

            Hindi na rin naman ako nangulit kahit bad trip pa ako at pilit na ring nag-concentrate sa pakikinig sa mga turo niya.

           

Pero hindi pa man kami nagtatagal sa pagtuturuan nang makarinig nang putok sa labas.  Ano 'yun?!

            “Stay here!”  Mahigpit pang bilin niya habang dahan-dahang lumalapit sa may pinto.

            “D-don’t leave me here!”  Takot pang sabi ko lang at ayokong maiwang mag-isa.

            “'Wag matigas ang ulo mo, okay?!”  Sinenyasan niya akong  tumahimik at unti-unti nga niyang binuksan ang pinto. 

“Yaya Rosing!”  Narinig ko lang na tawag niya kay yaya. 

            “Sir R-ricky, umalis na daw k-kayo d-dito!”  Taranta ang boses ni yaya at alam kong may hindi magandang nangyayari.  Agad na nanginig ang tuhod ko at parang gusto kong kapusin nang hininga.

            “B-bakit?  Ano po bang nangyari?!”

          “Basta umalis na kayo dito!  Isama mo muna si Katie!  Ialis mo siya dito sa mansion!” 

          “Yaya, what happened?!” Hindi ko na rin napigilan ang lumapit sa kanila.  “Bakit may putok?  Saan ba galing 'yun?!”  Magkasunod pang mga tanong ko kay yaya.

            “Katie, hija basta umalis muna kayo dito!  Sumama ka muna kay Ricky!”  Hinaplos niya ang pisngi ko at umiiyak na rin siya.  Agad na rin akong napaiyak wala pa man akong ideya sa nangyayari.

            “Po?!  P-pero bakit?  Ano bang nangyayari?!” 

          “Hindi ko rin alam!  Basta sumunod ka na lang muna!  Please!”  Walang sabi-sabing hinawakan niya ang kamay namin ni Ricky at hinila sa likurang bahagi ng mansion. Bumaba kami sa secret exit at mula doo'y hinila ulit niya kami palabas sa mansion.

          “Ano po bang nangyayari?  Puwede po bang makausap muna namin ang señor ?”  Tanong pa ni Ricky at bakas din sa kanya ang pag-aalala.

            “Ang papa, kakausapin ko muna si papa!”  Pagpipilit ko pa pero parang wala lang narinig si yaya.

            “Dalhin mo muna siya malayo dito!”  Si Ricky ang kinausap niya at nanlalamig pa rin siya sa takot.  “Parang awa mo na sir Ricky. Umaasa kami ng señor sa’yo. Please…”  Makaawa pa niya.  I don't understand.  Ano ba talagang nangyayari?

          “Pero yaya--”  Hindi ko na naituloy ang sanay sasabihin ko dahil hinila niya ako palayo doon.

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon