Chapter 53 (September 30, 2011)

Magsimula sa umpisa
                                    

Tumatango lang si Jhone. Seryosong tumatango.

"Ano???"

"Nagaudition kasi ako... KAMI!!! NAGAUDITION KAMI SA SCHOOL PLAY. AUDITION LANG NAMAN EH! WALA KASI KAMING MAGAWA NI JHONE KAYA KAMING DALAWA... NAGAUDITION KAMI HAHAHAHA. SA ROLE NI BUTTERCUP! FUNNY DIBA?"

Nagsinungaling na siya. Kahit siya lang ay nagaudition, dinamay niya na rin si Jhone. Kunwari'y dalawa silang napagtripan magaudition.

"Hahahaha!! Totoo? Seryoso ka Phoebe? Umarte ka? Baka naman nagkalat ka doon? Hahahaha"

Di malaman ni Phoebe kung matutuwa siya o maasar. Natutuwa kasi siya kahit papaano dahil hindi naman nagalit si Kent ng malamang nag-audition siya. Pero naasar siya dahil parang wala itong bilib sa kanya. Engot na engot pa rin ang tingin nito.

"Ang sama mo!"

"Dapat ginalingan mo! Baka sakaling matanggap ka haha. Ako dapat si Westley eh! Kaso nandito kami ngayon sa Paris kaya natangal kami ni Elisa. Sa pagbalik na kasi naming ang playdates eh."

"Ehhh madami nga nagoaudition eh. Hayaan mo na... Uuwi na nga pala kami." Binalewala na lang ni Phoebe ang pangaasar ni Kent. Minabuti na lang niya na hindi siya nito pinagalitan. Sa isip-isip niya, mahirap ang magkaaway na magkalayo.

"Ahh... Sige... Mabuti naman at naabutan kita ngayon.."

"Oo nga eh... Love you... Magiingat ka dyan.Wag mong masyadong kakausapin yung isa dyan okay?"

"Sus... Sige na.. Bye na... Mahal na mahal kita. Hintayin mo ako umuwi ah... Ha engot?"

"Pshh Sige na... Kung makaengot ka na naman... Baba mo na dami mo nang nasayang na load."

"Tae naman eh!" sigaw ni Kent. "Palagi na lang akong walang I love you! kahit I love you too sayo ha!"

"Hala ehhh I love you! Ken Tomas naman eh."

"Isa pa..."

"Haha. Ang adik! I love you Kent! Mahal kita. Oh okay na ba? Hahahaha. Baba mo na..." natatawang sabi ni Phoebe.

"Ikaw na mauna magbaba."

"Ikaw na!"

Lumayo na si Jhone at napailing-iling na lang.

"Tsk Ikaw na. Bilis sayang load ko!" angal ni Kent

"Hala! Ako pa may kasalanan. Ikaw na kasi maunang magbaba. Pag hindi mo binaba, bababaan kita ng telepono!"

"HAHAHA! Ang engot mo talaga! Oh sige na. Pinapagalitan na ako dito ni direk. Hintay hintay ka lang dyan baby ko. Pagdating ko... Magha-honeymoon tayo."

Binaba na ni Kent.

"HOY! Namula ka naman dyan!" bati ni Jhone.

"Ehhh kasi.... Kyaaaaahhh Magha-honeymoon daw kami pag uwi nya!!!!" napapatili pa si Phoebe. Naglalakad na sila ngayon palabas ng school.

"Corny niyo ha! Di pa alam kung sino maunang magbababa ng telepono. Tska honeymoon? Kung di ko pa alam... siguro araw-araw naman kayo naghahoneymoon!"

Binatukan ni Phoebe si Jhone.

"Baliw! Hindi ah! Di kami ganun!"

"Huuuwehh?? Utot mo Phoebe. Alam ko ang mga lalaking may-asawa, mapaghanap! Opps hwag mo na akong batukan!"

Nakaharang na ang kamay ni Jhone sa sariling ulo.

"Mapangasar ka masyado eh! Kurutin kita sa singit eh! Uwi na nga tayo!"

"HOY Buttercup! Feeling na feeling princessa ka na?? Yung bag mo po oh? Nasa akin!!! Waley kang balak kunin? Iuwi ko toh!"

"Ayyy! Haha! Sorry friend!"

"Uhhmm Fibbs... Hindi ka kaya... pagalitan ni Kent dahil nahalikan ka na naman ni Harley?"

"Hindi ko nga alam eh... Hayaan mo na... Hindi naman ako matatanggap sa play na yun..."

"Feeling ko friendship... ikaw na ang magiging Buttercup!!!"

"Haie ewan."

*

Ilang araw matapos lahat ng batch ng auditions...

"Anong sa palagay mo boss?" tanong ni Harley sa stage manager. Uwian na kasi at lahat sila ay nasa benches.

"Di pa din ako sure eh... Ang hirap pumili eh. Diba? Diba people?" ani nito sa mga ibang kasama.

"Magaling din kasi yung si Dominique..." sabi na gaganap bilang Prince Humerdick habang tinuturo si Dominique Sales na nasa isang table kasama ang sorority members. "Elegante... Prinsesang Prinsesa. Medyo may hawig nga din sila ni Elisa."

"Pero yung si Phoebe din... Magaling din pala." Pag-aamin ng stage manager. "tska may chemistry kayo."

"Naka-score na agad si Harley auditon pa lang!" pang-aasar ni Daniel, isang stage crew.

"Hoy Guys! Hindi ko alam na yun ang script na gagamitin ni Isabelle! Besides, hindi niyo naman pinatigil eh... hinayaan niyo lang ang script na matapos."

"Hhahaha. Eh bakit ka nageexplain?"

"Wala!"

"Ang sabihin mo nagustuhan mo!" pang-aasar pa ng mga kasamahan.

"Hwag nga kayong maingay! Kailangan lang yun sa script!" awat ni Harley.

"Sus! Kaya pala sumama ka sa audition! Dati-dati nakaupo ka lang nuh? Nung araw nay un kasama ka sa stage" pati ang stage manager ay nakisama na rin sa pang-aasar.

"Ehhh bahala kayo! Pumili na kasi kayo kung sino. Basta ang sa akin, Gusto kong maging Buttercup ko ay si Isabelle... si Phoebe Isabelle."

"Talagang gustong-gusto mo siya nuh? Nahalikan mo na siya two times diba?"

Biglang sumeryoso si Harley. Naalala na naman niya ang picture nila dati ni Phoebe na nagdala dito ng maraming intriga.

"Shh. Ikaw kasi eh!"

"Ingay mo!"

Nagturuan na lang ang mga kasama ni Harley dahil tumahimik na siya.

*

"Hahahahahaha!!! Para kang baliw!"

Tuwang-tuwa kasi si Phoebe. Nagsa-skype kasi sila ni Kent ngayon. Kung anu-anong ginagawa ni Kent sa camera.

"Tuwa ka naman? Miss na kita eh. Buti nga may pahinga kami ngayon. Kasi... sa susunod na linggo. Rush na kami baby ko. Kiss mo nga ako..." kuwari'y hinahalikan ni Kent ang webcam.

"Haha! Magtigil ka nga!" tawa ng tawa si Phoebe.

"Ano ba yan. Nakakainis! Namimiss ko na ang mga halik mo baby ko."

"Kalokahan mo talaga Kent."

"Bakit, di mo ba namimiss."

"Syepre namimiss. Kahit nga nahirapan akong buksan ang skype eh... Talagang pinaghirapan ko. Haha. Makausap ka lang. Alam mo naman tanga-tanga ko din eh." Napapakamot pa si Phoebe sa ulo.

"Ikaw naman ang pinakamagandang tanga."

"Hmpf. Anyway... Magiging busy ka n ba talaga next week?"

"Oo... Baka hindi ako masyado makatawag kasi nga magmamadali kami sa lahat. Dibale.. kesa naman magextend kami dito diba?" sagot ni Kent

"Sabagay..."

"O sige na baby ko... Matulog ka na... Nagtoothbrush ka na ba? Nag-wash ka na?"

"Ahhh oo. Byebye na ba?"

Nalulungkot naman agad si Phoebe.

"Oo... Sige na off mo na yang computer mo. Papahinga na rin ang gwapo mong asawa."

"Ang yabang mo talaga... Sige na... Next week basta. Nandito ka na ha??" paninigurado ni Phoebe.

"Oo naman. Tapos next week. Dyan ako matutulog sa kwarto mo ha?"

"HAHA ewan ko sayo Ken Tomas!!"

"Bye na!!!"

Matutulog na sana si Phoebe ng...

Napatakbo siya sa banyo.

"bwaaaaaooh"

*later*

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon